You are on page 1of 3

Mga Suliraning Kinakaharap ng mga 

Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino


Isang pananaliksik na iniharap sa Paaralang Di-gradwadong Paaralan ng
Edukasyong PangguroPamantasan ng San Luis Lungsod ng Baguio
Bilang bahaging katuparan sa mga pangangailangan para sa Filipino 101
(Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika)
Iniharap ni:JEYSON T. TAEZA
Ika-8 ng Oktubre 2012
Mrs. Ermilyn RamosTagapayo, Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

 
Pagsasalita ng Filipino
 
4
 
Abstrak 
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtukoy ng mga suliraning
Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino.
Kasama din sa pag-aaral ang pagsiyasat sa mga epektong hatid ng mga suliraning
natukoy sa pag-aaral ng mga Kalinga particular ang wikang Guinaang sa mga
asignaturang Filipino. Napagtuunan din ng pansin sa pag-aaral na ito ang
mgasolusyon sa mga nasabing suliranin.Gamit ang Pagrarango, Pagbabahagdan at
pagsusuri ng mga datos na nakalap mula samga respondent gamit ang
talatanungan, napagalaman na ang pangunahing suliraningkinakaharap ng mga
Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit nila ng ilan samga
tunog o ponema na wala sa kanilang salita sa mga tunog na nagagamit sa wikang
Filipino.Isang umiiral na suliranin din ay ang pagdala nila ng intonasyon, tono at
diin ng kanilang unangwika kapag nagsasalita ng Filipino. Natukoy din sa pag-aaral
na ang pangunahing epekto ngmga suliraning ito sa kanilang pag-aaral ng mga
asignaturang Filipino ay ang pagkawala ng ngkanilang interes sa mga asignaturang
Filipino. Dahil sa takot na magkamali at pagtawanan
ay pinipili na lang ng mga Kalinga na manahimik at mahiya kapag nagsasalita ng wi
kang Filipinosa loob ng silid-aralan. Napag-alaman sa pag-
aaral na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng wikangFilipino ay
maaaring masolusyunan ang mga suliraning ito. Malaki din ang gampanin ng guro
sa pagbibigay-motibasyon sa mga mag-aaral upang hindi tuluyang
mawala ang kanilang interes na pag-aralan ang Filipino.
Mga Susing Salita:
Guinaang, Kalinga, Pagsasalita, wikang Filipino, Intonasyon, Diin, Tono, pagkawala
ng interes, motibasyon, asignaturang Filipino
 

 
Pagsasalita ng Filipino
 
17
 
Kongklusyon
Batay sa mga nakalap at nabigyang interpretsyong mga datos, narito ang
tatlong pangunahing konklusyong natuklasan ng mga mananaliksik:Una; batay sa
mga datos na inilahad sa Pigura 1, ang pangunahing suliranin nakinakaharap ng
mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit-palit ng ilan
samga tunog na wala sa Kalinga na nagagamit sa wikang Filipino. Natukoy din
bilang isa sa mgasuliranin ay ang pagdala ng mga Kaling sa intonasyon, diin at
tono ng kanilang unang wika sa pagsasalita ng Filipino.Pangalawa; Ang epekto na
hatid ng mga suliraning ito ay ang pagkawala nila ng interesna pag-aralan ang
wikang Filipino. Isang epekto din ay ang hindi nila gaanong pagsasalita sasilid-
aralan dahil sa takot silang mahkamali at mapagtawanan ng mga
kaklase.Pangatlo; sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral na ito, naniniwala ang
nakakarami sarespondent na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng
Palatunugan ng wikang Filipino samga mag-aaral ng mga Kalinga. Isang solusyon
din ay ang pagpapaigting ng binibigay namotibasyon ng guro sa kanyang mga
mag-aaral upang patuloy na pag-aralan ang wikang Filipinonang sa ganitong
paraan ay hindi mawala ang interes ng mga bata.
 
Pagsasalita ng Filipino
 
18
 
Rekomendasyon
Mula sa mga nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga
sumusunod:1.
 
Una, dahil ang nagpakita sa mga nakalap na datos na ang pananaliksik na ito
aynakasentro sa paraan ng pagtuturo at interes, maaaring mas bigyan ito ng
diin.2.
 
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa mga suliraning kinakaharap ng
mgaKalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino, maaari din masuri ang iba pang
sulraningkinakaharap nila sa iba pang kasanayan tulad Pagsulat at Pakikinig.3.
 
Kinakailangan ng guro ang maging mapagmsid sa mga mag-aaral upang mabigyan
ngkaukulang pansin ang mga mag-aaral na may kahirapan sa Filipino.4.
 
Magkaroon ng
remedial 
o
tutorial 
na klase o kung maaari ay magkaroon ng hiwalay naklase upang mas matugunan
ang pangangailangan ng mga mag-aaral.5.
 
Mas paigtingin ang collaborative learning upang mas makasunod ang mga mag-
aaral athikayatin ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang nararamdaman.
Anumang pagkakamaling magawa ng mag-aaral ay dapat ituring na likas at bahagi
ng pagkatuto.

You might also like