You are on page 1of 26

PAGSASALING TEKNIKAL: PAGSASALIN NG MGA TERMINONG GINAGAMIT

PANTURO SA ASIGNATURANG MATEMATIKA

SA WIKANG FILIPINO NG POLITEKNIKONG

UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Ang Pananaliksik na

ito ay Ipinasa sa mga Guro ng

Polytechnic University of the Philippines

Santa Maria Bulacan Campus

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang:

Pagsasalin ng Kontekstong Filipino

Nina:

Abad, Roy C.

Aquino, Gelly Anne C.

Terenueva, Katrina

March 2020
Kabanata 1

Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Binibigyang-diin nina Dannels at Housley-Gaffney (2009) na ang komunikasyon

at pagkatuto ay nararapat na magkaroon ng matatag na ugnayan upang ang kahirapan

sa pag-aaral sa anumang larangan o asignatura ay mapagtatagumpayan sa

pamamagitan ng maayos at epektibong paraan ng pagbabanggit ng mga ideya at mga

suliranin. Hindi mapasusubaliang napakahalaga ng paggamit ng wika sa pagkatuto at

pagpapahayag ng anumang tugon o reaksyon ng bawat magaaral sa interaksyong

pangklasrum.

Isa sa malaking hamon ay kung aling wika ang gagamiting midyum sa

pagpapahayag. Alinsunod sa mga pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2003 at

Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007), praktikal na gamitin ang alinmang wikang

higit na gamay ng mga magaaral, kung saan sila higit na bihasa. Mahalaga ang

pagbibigay ng pagkakataon sa mga magaaral na magamit ang wikang Ingles at Filipino

sa kanilang pagkatuto.

Kung pagtutuunan ng pansin ang asignaturang Matematika, higit na

nakatutulong sa pag-unawa ng mga konsepto at pagsagot ng pasalitang suliranin ang

pagpoproseso ng mga mag-aaral gamit ang pormula o solusyong natutuhan nila sa

pagtalakay ng guro. Sa kanilang pagpoproseso, kailangang isaalang-alang ang wikang

komportableng gamitin upang ito ay mapagaan.

Ilan sa hamon at suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa asignaturang

Matematika ay kung paano sila magpapahayag ng kanilang sagot. Sa katunayan, sanhi

ng katotohanang napakahirap na asignatura ang Matematika para sa maraming mag-


aaral, binigyang-turing ni Moschkovich (2013) na higit itong nagiging hamon lalo pa at

kung dumaragdag na balakid ang mga suliraning pangwika. Kaugnay nito, ang

patakarang pangwika sa paaralang pinagtuturuan ng mananaliksik ay mayroong

pagkiling sa wikang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng larangan maliban sa

Filipino. Muling sisipatin ng mananaliksik ang iba’t ibang mahalagang kasaysayan,

konsepto at pag-aaral na makatutulong upang makabuo ng komprehensibong

pananaliksik. Ninais na isagawa ang pananaliksik na ito upang lalong mapaunlad ang

wikang Filipino at upang malaman kung ang wikang Filipino ba ay lubos na

makatutulong sap ag-aaral ng Matematika.

Ninais isagawa ang pananaliksik na ito upang matugunan ang mga suliraning

kinahaharap ng mga mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Santa. Maria,

Bulacan Campus hinggil sa mga terminong ginagamit ng panturo sa asignaturang

Matematika na kung minsa’y nagiging kumplikado intindihin lalo’t lalo na kung hindi alam

ang pinagmulang salin nito.

Kasaysayan ng Pag-aaral

Pagbabalik-tanaw sa Estado ng Filipino sa Klase ng Matematika sa mga

Paaralan sa Bansa

Nabanggit ni Acelajado (1996) na walang anumang naging pag-aaral na

makapagsasabi at makapagpapatunay na dapat ay Ingles ang gamiting midyum sa

Matematika at wala pang matibay na na magpapatunay na ang Ingles, bilang midyum,

ay magpapabago sa antas ng pagkatuto ng mga magaaral. Pinatunayan din sa artikulo

ni Acelajado (1996) na sa mga pagkakataong nahihirapan ang mga mag-aaral na

maunawaan ang aralin sa Matematika na itinuturo sa wikang Ingles, nagiging mas

kawili-wili at madali ito gamit ang wikang Filipino. Mula sa ibinigay na rekomendasyon sa
isinagawang pananaliksik sa Pamantasang De La Salle, nabanggit pa rin ni Acelajado

(1996) sa dyornal na Malay na gamitin ang parehong wika, Filipino at Ingles, sa

pagtuturo ng mga aralin sa Pangkolehiyong Algebra dahil nakitang mas mataas ang

antas ng pagkatuto ng mga magaaral. Binanggit naman ni Aldaba (1996), may ilang

pananaliksik na naisagawa na masigasig na nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa

pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa Agham at Matematika, kailangan lang pag-

ibayuhin. Mula rin sa kanyang sariling karanasan, napatunayan niyang mas

nakapagpapadali ng pagkatuto ang paggamit ng Filipino sa pagtalakay. Napakahalaga

ng Matematika sa buhay ng tao kaya’t mahalagang ikintal sa isipan ng mga mag-aaral

sa murang isipan pa lang nila na hindi dapat ipagwalang bahala ang lahat nang

natututuhan sa asignaturang nabanggit. Ang Matematika ang tutulong sa tamang

pagkukuwenta, pagkalkula ng income tax, pagbasa ng metro ng kuryente at tubig,

paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagsusukat, pagbabadyet, at iba pa. Ang

mga nabanggit ang dahilan kung bakit pinatunayan ni Acelajado (1996) na ang

makataong pagtuturo ng Matematika ay dapat isaalang- alang. Ang ilang nabanggit niya

tulad ng kooperasyon, paglalahad ng opinyon at pagkakaroon ng mulat at mapanuring

isipan ay mga pundasyon upang mahubog ang mga mag-aaral. Sa pagsasagawa ng

pananaliksik, naniniwala ang mananaliksik ng pag-aaral na ito na makakamit lang ito

kung hindi magiging balakid ang wika sa pagkatuto ng mga mag-aaral, bagkus ay

katuwang sa paglinang ng kanilang kakayahang matuto.

Pagbabalik-tanaw sa Patakarang Pang-edukasyon sa Pilipinas

Noong panahon ng mga Kastila, wikang katutubo ang gamit sa edukasyon

upang malapit ang mga Kastila sa mga Pilipino. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog

noong 1899 sa konstitusyon ng Biak na Bato. Binanggit naman ni Presidente McKinley

sa unang komisyon sa Pilipinas sa pamumuno ni Hukom W. Howard Taft na bigyan ng


espesyal na atensiyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas at libreng edukasyon sa

kanilang wika. Sa pangunguna rin ni Jacob Schurman, kailangan ang Ingles sa

edukasyong primarya at naitakda ang Batas Blg. 74 noong Marso, 1901. Ayon kay

Constantino (2008), nabanggit na 1940 pa nagsimula ang paggamit ng Filipino sa

pagtuturo sa pampribado at pampublikong paaralan at magiging dagdag na asignatura

sa mga sekondaryang paaralan alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.

Ang pagpapatupad ng Departamento ng Edukasyon Kautusan Blg. 74 serye 2009,

saligang simulain nito ay nararapat na magsimula ang bata sa kung ano ang alam

niyang wika at higit na mainam linangin ang limang makrong kasanayan sa wikang

gamay niya. Patuloy na nililinang ang unang wika at nadaragdagan ang bokabularyo ng

pangalawang wika sa pamamagitan ng komunikatibong paraan gamit ang unang wika

bilang inisyal na wika ng pagkatuto. Samakatuwid, mahalaga ang suporta ng unang wika

sa pagkatuto ng pangalawa. Sa pagpapatupad ng patakarang pangwika sa larangan ng

edukasyon, mahalagang isaalang-alang ang gamay na wika upang maging praktikal at

madali ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na sa mga asignaturang

magagamit sa aktuwal na buhay tulad ng Agham at Matematika. Pagbabalik-tanaw sa

Filipino Bilang Wika sa Iba’t ibang Disiplina at Asignatura Matapang na nagpahayag si

Dr. Florentino H. Hornedo sa Timbreza (1999) na walang nakikitang problema sa

paggamit ng wikang Filipino sa mga disiplina tulad ng siyensiya, teknolohiya at

humanidades sapagkat ang wikang ito ay mapangampon. Ang kaampunang tinutukoy

niya ay ang kakayahan ng wikang Filipino sa pagtanggap ng mga terminolohiya mula sa

banyaga, sa pagiging bukas nito lagi sa pagbabago, at sa patuloy na

intelektuwalisasyon. Kung pagsusumikapan ng mga gurong ituro ang ibang disiplina sa

wikang Filipino, tulad halimbawa ng Pilosopiya, hindi mamamalayan ng gurong unti-unti

na rin siyang namimilosopiya, nag-iisip at nakapagpapahayag sa Filipino.

Pinagsusumikapan ng mananaliksik na mapatunayan sa pag-aaral na ito na malaki ang


maiaambag sa pagkatuto at sa pagpapadali ng pagtuturo ang paggamit ng wikang

Filipino, maging sa mga asignaturang teknikal tulad ng Matematika. Maaaring kulang

lang sa kasanayan ang ibang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng sariling wika

subalit malalasap ang sarap na bunga ng pagtuturo at pagkatuto kung mahahasa sa

paggamit sa wikang Filipino na malapit sa ating mga puso. Maigting ang pagsuporta ng

U.P. Integrated School sa paggamit ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo. Dekada

’90 nagsimula ang napakahalagang pagbabago at inobasyon sa nabanggit na paaralan

na kung saan ay Filipino ang naging wikang panturo sa lahat ng asignatura maliban sa

Ingles. Naniniwala rin ang paaralang UPIS, ayon kay de Villa sa Hermosa (1996), na

layunin ng kurikulum ng UPIS na mismong mag-aaral ang makabuo ng solusyon sa

pambansang suliranin sa katarungan, kapayapaan at pag-ibig sa sarili at bayan na

nakatuon sa Programa ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng paggamit

ng sariling wika, susulong ang isang makatao at makatarungang Pilipino.

Ang pagpoproseso ng sagot ng mga mag-aaral sa klase ng Matematika ay

mahalagang malaman at marinig ng kanyang guro sa asignaturang ito upang higit na

matulungan at magabayan. Tumutugon ito sa pag-aaral na isinagawa ni Rama (2013)

na nagbibigay-matwid sa realidad na higit na mauunawan ng mga mag-aaral ang

pasalitang suliranin sa Matematika kapag binasa niya ito nang malakas at paulit-ulit.

Nakakita ang manananaliksik ng kawili-wiling padron sa pagsusuri ng kaasalan

ng mga mag-aaral sa yugto ng think aloud. Nagagawa nilang makapagpokus nang maigi

sa mga detalye ng suliranin dahil higit na nalilinang ang kanilang proseso nang pag-iisip

habang pinakikinggan ang kanilang sarili. Higit na nagiging makabuluhan ang paraan ng

kanilang pagsagot sa pasalitang suliranin.

Samakatuwid, ang estratehiya ng think aloud ay nagbibigay-daan sa pagpaplano

sa pagsagot ng pasalitang suliranin at upang mabalikan ang prosesong ginawa sa


pagtukoy ng kaangkupan ng desisyong ginawa gamit ang mga konsepto at pormula sa

Matematika.

Hindi lahat ng bansa ay gumagamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng

Matematika. Ang bansang Malaysia ay nakaranas ng maraming pagbabago sa kanilang

pamumuhay mula nang mapalaya sa Britain noong 1957. Isa sa mga pagbabagong ito

ay ang implementasyon ng tuntunin kaugnay ng edukasyon at ang midyum ng pagtuturo

sa iba’t ibang asignatura.

Teoretikal na Balangkas

Ipinaliwanag ni Nolasco (2009) na sa programang MTB-MLE o Mother tounge-

based Multilinggual Education, higit sa dalawang wika ang ginagamit sa pag-unawa at

pagkatuto. Ang threshold theory ni Cummins (1991) at ang linguistic interdependence

hypothesis ay mga teoryang nagpapaliwanag sa pagkatuto ng wika. Ang mag-aaral ay

nasa unang threshold na kapag siya ay may sapat nang kakayahan sa unang wika at

kognisyon at kapag sapat na rin ang kakayahan sa ikalawang wika at kognisyon ay

nakamit na niya ang ikalawang threshold. Hindi makakamit basta-basta ng mag-aaral

ang ikalawang threshold kapag napasailalim siya sa programang English Only.

Ipinaliliwanag naman ng linguistic interdependence hypothesis na ang pagkatuto at

kakayahan sa una at ikalawang wika ay nakabatay sa isa’t isa. Matatamo lang ito kapag

sapat na ang kakayahan sa pagpapahayag sa unang wika upang matuto rin ng

ikalawang wika. Sa madaling salita, ang anumang nalinang na kakayahang literasi sa

unang wika ay maililipat sa ikalawang wika. Ang dalawang salik sikolohikal sa pagkatuto

ng wika ayon sa kanyang paniniwala ay ang BICS (Basic Interpersonal Communication

Skills) na sinasabing kakayahan sa pakikinig at pagsasalita na madaling matutuhan ng

mga mag-aaral at CALP (Cognitive Academic Language Proficiency) na batayan sa

abilidad ng mag-aaral na makaagapay sa pangangailangang pang-akademiko sa mga


asignatura. Itinuturing itong wika ng karunungan at mas mataas na antas ng pagkatuto

ng wika gamit ang anumang wikang alam.

Konseptwal na Balangkas

Paglalahad ng Sulira

Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang pangkalahatang suliraning may espasyo

ba ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa klase ng Matematika?

1. Paano napapadali ng wikang Filipino ang pag-aaral, pagtalakay at pagunawa

ng mahalagang konsepto nang Matematika?

2. Paano makakabuo ng patakarang pangwika sa larangan ng pagtuturo ng

Matematika sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas?

3. Paano makakatulong ang pagsasalin ng mga terminong ginagamit na

panturo sa asignaturang Matematika sa wikang Filipino?

Haypotesis

HO: Hindi magiging madali ang proseso ng pagpapatupad ng pagsasalin ng mga

terminong nakasanayang ituro sa wikang itinakdang midyum o Ingles sa asignaturang

Matematika.

H1: Makakatulong ang pagsasalin ng mga terminong ginagamit na wikang panturo sa

asignaturang Matematika sa wikang Filipino sa paraang mas madaling maintindihan,

maunawaan at matutunan ng mg mag-aaral ang mga aralin hinggil sa asignaturang

Matematika.
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagsasalin ng mga terminong ginagamit

panturo sa asignaturang matematika sa wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay para lamang sa mga estudyante ng nasa una at

pangalawang antas ng kolehiyo sa kursong “Bachelor of Secondary Education major in

Mathematics” sa paaralang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mga terminong walang salin sa wikang Filipino ay mananatili sa orihinal na

tawag o gamit dito. Ang mga terminong sa ingles lamang mas mauunawaan ng mga

mag-aaral ay hindi na babaguhin at mananatili sa orihinal na tawag ditto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral- makakatulong ang pananaliksik na ito upang mabigyan ng sapat na

kaalaman ang mga estudyante sa mga pagsasalin ng mga terminong ginamit sa

matematika. At upang mas malinang at mabihasa ang bawat estudyante sa paggamit ng

mga sinaling mga salita.

Sa mga guro- ang mga guro ay magkaaroon ng kaalaman sa pananaliksik na maging

esensyal ang paggamit ng terminong ginamit sa asignaturang matematika. Magiging

karangalan at tagumpay ito sa mga guro na maging mahusay ang bawat estudyante sa

pagsasalin ngmga termino partikular na sa matematika.

Sa mga magulang- ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak,

makakatulong sila upang mahasa at masanay ang kanilang anak sa pagsasalin ng mga

terminong ginamit partikular na sa matematika.


Sa administrasyon- makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng

kaalaman kung ano ang maaari nilang ibahagi sa mga mag-aaral tungo sa pagsasalin

ng mga terminong ginamit at mahikayat ang bawat estudyante na masanay ang kanilang

kaisipan sa pagsasalin

Katuturan ng mga Talakay

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito

batay sa kabuuan ng pananaliksik.

“Bachelor of Secondary Education major in Mathematics”- mga estudyanteng kumukuha

ng kursong sekondaryang edukasyon sa matematika.

Matematika- Isang malawak na sistemang pangrepresentasyon na ginagamit sa pag-

aaral ng mga bilang, hugis  istraktura, at pagbabago at ang mga pagkakahalintulad ng

mga konseptong ito.


Kabanata 2

Rebyu nang mga Kaugnay na Pag-aaral at Panitikan

Mga kaugnay na Pag-aaral: Paggamit ng Wikang Filipino bilang pantulong sa

pagtalakay ng mga aralin sa Matematika

Karamihan sa mga mag-aaral na Pilipino ay kumakaharap ng mga hadlang sa

edukasyon at isa sa mga ito ay ang paggamit ng mga paaralan ng wikang hindi lubos na

maunawaan (DepEd2011). Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng emosyonal na

epekto sa mag-aaral na maaaringmagdulot ng mababang marka o mas masama pa

(Alexander 2000, Bowden 2002).

Ayon sa pag-aaral ni Nataniel Yoo, 2000 na Isa sa mga argumento sa pagtuturo

ng agham, teknolohiya at matematika sa wikang Ingles ay ang kawalan daw ng mga

angkop na salin ng mga terminong pang-agham at matematika kagaya ng square root,

conjugate, enthalpy, at nucleus. Gayon din, ang mga aklat sa nasabing mga disiplina ay

nakasulat sa wikang Ingles.

Binanggit din ni Vega (2007) sa kanyang pag-aaral na sa modelong patakarang

pangwika sa Pilipinas, kailangan ang multilingguwal na patakarang pangwika sa

edukasyon at pamahalaan. Nagkakaugnay at nagtutulungan ang Filipino, bilang

pambansang wika, ang bernakular na wika at Ingles bilang malawak na wika sa

komunikasyon upang matagumpay na maisakatuparan ang patakarang multilingguwal.

Idinagdag naman ni Fermin (2009) ang tatlong elemento ng plano at patakarang

pangwika na iminungkahi ni Spolsky (2004). Tinalakay niya ang elementong

paniniwalang pangwika bilang ideolohiyang isinusulong sa pamamagitan ng patakarang


pangwika. Sa tatlong nabanggit na elemento, ang gawaing pangwika sa plano at

patakarang pangwika ang magagamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Susuriin ang

gamit ng wika sa mga konteksto at sitwasyon partikular sa klase ng Matematika.

Inilahad ni Arao (2010), isang propesor sa Department of Journalism ng College

of MassCommunication sa Unibersidad ng Pilipinas, na ang mga estudyante’y mas

komportableng gamitin ang wikang kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa

pakikipag-usap sa magulang, mga kapatid, kalaro at iba pang kakilala.

Ayon sa pag-aaral ni Nolasco (2010) ng Linguistics Department ng Unibersidad

ng Pilipinas, sa cognitive aspect ng mental development ng mga bata, mas nagiging

pahirap ang pag-aaral gamitang wikang Ingles. Halimbawa, ang isang estudyante sa

Maynila na malamang ay pinalaki sa wikang Tagalog, ay siguradong malilito sa pag-

aaral gamit ang wikang Ingles. Lalo itong nagingmas mahirap sa batang hindi Tagalog

ang unang lingguwahe; mahirap pagsabayin ang Filipino at Ingles ng estudyante.

Ayon sa pag-aaral nina Brown at Ryoo ng Stanford University noong 2008.

Ipinakita nila dito ang epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng matemimatika sa

pamamagitan ng tinatawag nila na “content first” approach. Sa ganitong paraan,

inuunang ituro ang mga konsepto gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng mga

panibago at mas komplikado na termino.

Ipinakita sa pag-aaral ni (Sullivan, 2008) na mas mataas ang mga nakuhang

grado ng mga estudyanteng tinuruan sa natural na wika sa parehong “multiple choice” at

“open-ended” na mga tanong. Senyas ito ng mas malalim na pagkakaintindi ng mga

bata sa bagong impormasyon nilang natatanggap.

Isinusulong naman sa pag-aaral ni G. Rommel Rodriguez, direktor ng Sentro sa

Wikang Filipino ang pagsalin at paggawa ng mga libro sa wikang Filipino. Ang
paghahanap ng ilang siyentipiko ng mga salita at konseptong Filipino na maihahambing

sa mga kanilang pinagdalubhasaan.

Idiniin ni Dr. Rodriguez sa kanyang pananaliksik ang tungkulin ng mga

estudyante’t propesor ng mga unibersidad sa pagpapalawak ng wikang Filipino. Sa

usapin ng pagsasalin, mahalaga na isakonteksto ang mga ideya sa karansan ng mga

Pilipino. Importante rin na alisin ang makitid na pagtingin sa ating wika at magsama-

sama upang itaguyod ang Filipino bilang pambansang wika.

Sa isang pag-aaral naman ng dalubhasang si Judith Aldaba noong 1990,

napatunayan niya ang mas mabilis na pagkatuto ng mga estudyante sa algebra sa

pamamagitan ng pagtuturo nito sa isang repeater’s class sa Kolehiyo ng Malalayang

Sining (College of Liberal Arts) ng De La Salle University.

Sa pagtuturo niya, kaniyang ipinaliwanag ang mga konsepto sa Filipino at

pinanatiling Ingles ang mga termino at konsepto. Napansin niya sa kanyang pagtuturo

na kahit nakasulat sa wikang Ingles ang mga aklat ay nagkakaunawaan sila at higit na

nagkakainitindihan. Naging maganda ang resulta sapagkat maraming mga estudyante

ang nakapasa sa pagtatapos ng trimester.

Batay sa pag-aaral ni Sofia Angela Federico, 2017 na Marami ang tutol sa

paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng agham sapagkat ito raw ay hindi

makatutulong upang gawing “globally competitive” ang mga estudyante. Wikang Ingles

daw ang pandaigdigang wika, at ito ang wika ng globalisasyon ngunit dapat maunawaan

na ang bawat wika ay may kani-kanyang kaangkupan

Kung kakayahan sa pagsasalin ng mga terminong agham sa wikang Filipino ang

pag-uusapan, marami na ang mga nagsagawa ng pagsasalin ng mga salitang agham at

matematika sa Filipino. Mayroong nabuong diksyunaryo ang mga siyentipiko noong


dekada sisenta at dekada otsenta. Ang mga ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-

Agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa

UST, at ang English-Pilipino Vocabulary for Chemistry na nilikha ng mag-asawang

Bienvenido Miranda at Salome Miranda, mga propesor ng kemistri sa Unibersidad ng

Pilipinas.

Ang mga halimbawa ng salin sa chemistry ay ang salitang “tigam” para sa

salitang “anhydrous,” “migat atomika” para sa “atomic mass,” “pampabilis” para sa

“catalyst,” at “kemiing simbilisan” para sa “chemical equilibrium.” Kung kaya’t hindi

maaaring iganap na hindi maituturo ang agham sa ating wika sapagkat kaya itong

maisalin. Lamang, kailangan pang mas pag-ibayuhin ang pagpapagamit, pagpapauso,

at paglinang dito.

Mga Kaugnay na Panitikan: Edukasyon sa paghubog ng kaalaman hinggil sa

Wikang Filpino

Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng

ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang

kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa

intelekwal na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ay ang siyensiya o sining ng

pagtuturo ayon sa diksyonaryo ng Random house.

Ayon sa Colliers Encylopedia na ang edukasyon ay nananatili bilangisang

prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad,

lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa

pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa

tao upang lagpasan ang ano mang banta labansapansarilingkaayusan.


Ang Edukasyon ay maituturing na pangkalahatang proseso kaya’t nararapat

lamang na ito ay hindi makapagiisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba’t ibang

saloobin, persepsiyon, ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba’t ibang uri ng

indibidwal sa loob ng isang grupo.

Nabanggit din ni Taylor (2005) na maraming mga mag-aaral ang mayroong

magandang pagkakaunawa samga natura ng kanilang napiling propesyon alinsunod sa

pagpasok sa isang propesyunalna edukasyon. Sila rin ay may kakayahang makagawa

ng higit pa sa kanilang inaakala sanaturang pagsasagawa sa darating na panahon.

Ayon naman kay Dushkin, McGrawhill (2000) sa kasalukuyang siglo, ang

edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at iba pang organisasyon.

Hindi rin kailangan na ang makabuluhang mga bagay na nasakomunidad ay

naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media.

Ayon kay Fiske (2000) karamihan sa mga mag-aaral sa papaunlad na mga

bansa ay may mababang antas ng pagganap o performance sa pandaigdigan o

nasyonal man na batayan. Ito ay batay na rin sa mga ebidensiyang nailahad mula

sa isang pananaliksik. Nabibilang ang kwalipikasyon ng mga guro sa mga

pampaaralang salik na nakaaapektosa antas ng paggawa o achievement ng mga mag-

aaral

Ayon kay Aldaba (1996), may ilang pananaliksik na naisagawa na masigasig na

nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa Agham at

Matematika, kailangan lang pag-ibayuhin. Mula rin sa kanyang sariling karanasan,

napatunayan niyang mas nakapagpapadali ng pagkatuto ang paggamit ng Filipino sa

pagtalakay.
Ang pagpapatupad ng Departamento ng Edukasyon Kautusan Blg. 74 serye

2009, saligang simulain nito ay nararapat na magsimula ang bata sa kung ano ang alam

niyang wika at higit na mainam linangin ang limang makrong kasanayan sa wikang

gamay niya. Patuloy na nililinang ang unang wika at nadaragdagan ang bokabularyo ng

pangalawang wika sa pamamagitan ng komunikatibong paraan gamit ang unang wika

bilang inisyal na wika ng pagkatuto. Samakatuwid, mahalaga ang suporta ng unang wika

sa pagkatuto ng pangalawa.

Ayon kay Fermin (2009), Pagtutuunan ng pansin sa pananaliksik na ito ang

pagkakaroon ng bukas na opsyon sa paggamit ng wikang Filipino sa iba pang

asignatura tulad ng Matematika at sa pagsasalin ng mga salita nito bilang wikang

pantulong. Anumang pag-aaral na naisagawa at napagtagumpayan na may

pagsasaalang-alang sa edad, tagal ng pamamalagi sa isang partikular na lugar at

kultura, konsistent pa rin ang mga resulta ng mga ito: na kapag ang indibiduwal ay

nakatanggap ng mas komprehensibong input sa panatag na sitwasyon, mas magiging

mahusay siya sa kanyang wika

Ayon kay Punzalan, (1996).Noong unang bahagi ng 1990’s, ang University of the

Philippines Integrated School ay may proyektong magsalin ng mga salitang may

kinalaman sa mga materyales sa pagtuturo ng matematika sa Filipino mula sa

Kindergarten hanggang Grade 10.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Noong 2013, ang Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd) ay naglathala ng mga kagamitan ng mag-aaral (sa sistemang pang-

elementarya at sekondarya) tungkol sa matematika sa wikang Tagalog (at sa iba pang

wika tulad ng Bikol). Makaka-download ng mga ito sa http://lrmds.deped.gov.ph/ ang

mga empleado ng DepEd.


Ayon sa CMO No. 20, serye ng 2013 Susundan ang kurso ng pagsipat kung

paanong ang pagsasalin ng salita sa matematika ay nagsisilbing kagamitan para sa

pag-unawa at pagtalakay sa ibat ibang aspekto ng kasalukuyang pamumuhay, tulad ng

pamamahala sa pansariling pinansiya, paggawa ng mga pasiyang panlipunan,

pagpapahalaga sa mga disenyong pangheometrika, pag-unawa sa mga code na

ginagamit sa data transmission at seguridad, at patas na paghahati ng limitadong

pinagkukunang-yaman. Ang mga aspektong ito ay makapagbibigay ng mga

pagkakataon upang aktuwal na maisapraktika ang matematika sa malawak na saklaw

ng mga pagsasanay na makapagpapagitaw sa ibat ibang dimensiyon ng matematika b

´ılang isang paraan ng pagkatuto, at susubok sa pag-unawa at kakayahan ng mga mag-

aaral.

Ayon kay Machtinger (2007), layunin nito ang ilahad ang edad at aspeto ng mga

mag-aaral hinggil sa kanilang kognitbong kakayahan. Anfgedad ng mga-aaral ay

maaaring makaapekto sa pag-unawa at pagbibigay salin ng mga salita pagdating sa

larangan ng matematika.

Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika aay nakapende nang

malaki sa eleborasyon sa lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intektwalisasyon ng

mga terminolohiya na may kinalaman sa larangan ng matematika, agham at iba pa.

Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag o pagsasalin ng mga dating di- kilalang

mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon,sinonim, antonym, at

hayperonim ng mga bagong terminolohiya.

Ayon kay Santiago (2003) ang kahulugan ng pagsasalin batay sa paglalahad

nina Nida at Taber.  Ayon dito, ang pagsasaling wika ay  muling paglalahad sa

pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal – ang

mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.


Binanggit din ni Santiago (2011) na ang pagsasaling wika ay binubuo ng pagtatangkang

palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang

wika.

Kabanata 3:

Mga Pamamaraan at Instrumento sa Pananaliksik

Ang kabanatang ito at naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga

paraang ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan any layunin ng pag-

aaral

Disensyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa pagsasalin ng mga terminong ginagamit

Panturo sa Asignaturang Matematika sa Wikang Filipino. Ang pananalisik na ito ay

gumamit ng deskriptibong metodolohiya. Napili ng mga mananaliksik ang pamamaraang

Descriptive Research Design gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng datos

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng Close-ended questions upang makakalap ng

datos mula sa mga respondante na magagamit at makakatulong sa nasabing pag-aaral

Mga Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyon ang pananaliksik tungkol sa paksang

Terminong ginagamit Panturo sa Asignaturang Matematika sa Wikang Filipino gagamit

ng Random sampling na pamamaraan upang magkaroon ng pantay na representasyon

ng mga datos. Hahanap at pipili n gang mananaliksik ng apatnapung (40) mag-aaral na

galling sa una at ikalawang taon sa kolehiyo.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa papmamagitan ng mga

talatanungan. Personal na ipapamigay at pasasagutan ng mga mananaliksik ang

kwestyoner sa mga napiling respondante.

Tritment ng Datos

Ang mga datos na makakalap ng mananaliksik mula sa mga respondante

na tumugon sa talatanungan at ipagsasama o itatally. Ang mga datos ay magsisilbing

kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga datos na makakalap ay

isasalarawan gamit ang talahanayan upang maayos at organisadong mailahad ang

resulta. Ang pormulang gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat tanong

ay:

B ilang ng Tugon
Porsyento= x100
K abuuang Bilang ng Respondante
KABANATA 4

Presentasyon at Analisasyon ng Nakalap na Tala

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksikna

tumugon sa nabanggit na suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa

isinagawang pag-aaral na may paksang “PAGSASALING TEKNIKAL: PAGSASALIN

NG MGA TERMINONGGINAGAMIT PANTURO SA ASIGNATURANG MATEMATIKA

SA WIKANG FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS” ang

mga sumusunod ay presentasyon ng nakalap na datos.

Berbal na Interpretasyo:

5- Mariing sumasang-ayon, 4- Sumasang-ayon 3- Walang

pinapanigan

2- Hindi sumasang-ayon 1- Mariing hindi sumasang-ayon

I. Paano napapadali ng wikang Filipino ang pag-aaral,pagtalakay at

pagunawa ng mahalagang konsepto nang matematika

Talahanayan 1.

5 4 3 2 1 Berbal na
interpretasyon
1. Sa iyong palagay, makakatulong ba 5 o 14 o 8 o 10 o 3 o Sumasang-

kung isasalin sa wikang Filipino ang mga 12.5% 35% 20% 25% 7.5% ayon

terminong ginamit na panturo sa

asignaturang Matematika? Hal. (length-

haba: width kapal)

Sa Talahanayan 1 pinapakita sa unang tanong pumapatak na lima (5) na

prikwensiya o labindalawa punto dalawang bahagdan (12.5%) ang mariing sumasang-

ayon, labing-apat (14) na prikwensya o tatlumpu’t limang bahagdan (35%) ang

sumasang-ayon, walo (8) na prikwensya o dalawapung bahagdan (20%) ang walang

pinapanigan, sampu (10) na prikwensya o dalawapu’t limang bahagdan (25%) ang hindi

sumasang-ayon, at tatlo (3) na prikwensya o pito punto limang bahagdan ang mariing

hindi sumasang-ayon (7.5%).

Talahanayan 1.1

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
2.Sa iyong palagay, ang pagsasalin 9 o 10 o 9o 11 o 3 o Hindi

bas a wikang Filipino ng mga 22.5% 25 % 22.5% 27.5% 5% Sumasang-

terminong ginamit panturo sa ayon

asignaturang Matematika ay magiging

isang mabisang paraan sa pagkatuto

ng mga mag-aaral?
Sa talahanayan 1.1 pimapaikita sa pangalawang tanong pumapatak na walo (9)

na prikwensiya o dalawampung bahagdan (20%) ang mariing sumasang-ayon, sampu

(10) na prikwensya o dalawampu’t limang bahagdan (25%) ang sumasang-ayon, siyam

(9) na prikwensya o dalawampu’t dalawa punto lima bahagdan (22.5%) ang walang

pinapanigan, labingisa (11) na prikwensya o dalawapu’t pito punto limang bahagdan

(27.5%) ang hindi sumasang-ayon, at dalawa (2) na prikwensya o limangb bahagdan

ang mariing hindi sumasang-ayon (5%).

Talahanayan 1.2

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
3.Para sa iyo, mapapadali ba ang 9 o 10 o 9o 11 o 2 o Hindi

asignaturang Matematika kung ituturo 22.5% 25 % 22.5% 27.5% 5% Sumasang-

ito sa Wikang Filipino? ayon

Sa talahanayan 1.2 pinapakita sa pangatlong tanong pumapatak na walo (9) na

prikwensiya o dalawampung bahagdan (22.5 %) ang mariing sumasang-ayon, sampu

(10) na prikwensya o dalawampu’t limang bahagdan (25%) ang sumasang-ayon, siyam

(9) na prikwensya o dalawampu’t dalawa punto lima bahagdan (22.5%) ang walang

pinapanigan, labingisa (11) na prikwensya o dalawapu’t pito punto limang bahagdan

(27.5%) ang hindi sumasang-ayon, at dalawa (2) na prikwensya o limang bahagdan ang

mariing hindi sumasang-ayon (5%).


II. Paano makakbuo ng patakarang pangwika sa larangan ng pagtuturo ng

Matematika sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas?

Talahanayan 2

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
4. Sang-ayon ka ba kung isasalin sa 5 o 14 o 6 o 13 o 2 o Sumasang-

wikan Filipino ang mga terminong 12.5% 35% 15% 32.5% 5% ayon

ginagamit panturo sa asignaturang

Matematika?

Sa talahanayan 2 pinapakita sa pangapat na tanong pumapatak na lima (5) na

prikwensiya o labindalawa punto limang bahagdan (12.5%) ang mariing sumasang-

ayon, labintatlo (14) na prikwensya o tatlompu’t dalawa punto dalawa bahagdan (35%)

ang sumasang-ayon, anim (6) na prikwensya o labinlimang bahagdan (15%) ang walang

pinapanigan, labingapat (13) na prikwensya o tatlompu’t limang bahagdan (32.5%) ang

hindi sumasang-ayon, at dalawa (2) na prikwensya o limang bahagdan ang mariing hindi

sumasang-ayon (5%).

Talahanayan 2.1

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
7 o 13 o 10 o 20 o 2 o Sumasang-

5.Mas madali ba para sa iyo ang 17.5% 32.5% 25% 32.5% 5% ayon

pagtalakay ng mga aralin hinggil sa

asignaturang Matemaika?
Sa talanayan 2.1 pinapakita sa panglimang tanong pumapatak na pito (7) na

prikwensiya o labingpito punto limang bahagdan (17.5%) ang mariing sumasang-ayon,

labintatlo (13) na prikwensya o tatlompu’t dalawa punto dalawa bahagdan (32.5%) ang

sumasang-ayon, sampu (10) na prikwensya o dalawangpu’t limang bahagdan (25%) ang

walang pinapanigan, walo (8) na prikwensya o dalawampung bahagdan (20%) ang hindi

sumasang-ayon, at dalawa (2) na prikwensya o limang bahagdan angf mariing hindi

sumasang-ayon (5%).

III. Paano makakatulong ang pagsasalin ng mga terminong ginamit panturo

sa asignaturang Matematika sa wikang Filipino?

Talahanayan 3

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
6.Handa ka ba na pag-aralan ang 9 o 11 o 12 o 6 o 2 o Walang

asignaturang Matematika kung 22.5% 27.5% 30% 15% 5% pinapanigan

gagamitin ang wikang Filipino?

Sa talahanayan 3 pinapakita sa panganim na tanong pumapatak na siyam (9) na

prikwensiya o dalawampu’t dalawa punto limang bahagdan (22.5%) ang mariing

sumasang-ayon, labingisa (11) na prikwensya o dalawampu’t pito punto limang

bahagdan (27.5%) ang sumasang-ayon, sampu (12) na prikwensya o tatlongpung

bahagdan (30%) ang walang pinapanigan, anim (6) na prikwensya o labinglimang

bahagdan (15%) ang hindi sumasang-ayon, at dalawa (2) na prikwensya o limang

bahagdan ang mariing hindi sumasang-ayon (5%).


Talahanayan 3.1

5 4 3 2 1 Berbal na

interpretasyon
7.Para sa iyo, mas epektibo ba ang 9 o 9o 9 o 10 o 2 o Hindi

pagtuturo ng asignaturang 22.5% 22.5% 22.5% 25% 7.5 Sumasang-

Matematika kung gagamitin ay ang % ayon

wikang Filipino?

Sa talahanayan 3.1 pinapakita sa pangpitong tanong pumapatak na siyam (9) na

prikwensiya o dalawampu’t dalawa punto limang bahagdan (22.5%) ang mariing

sumasang-ayon, siyam (9) na prikwensiya o dalawampu’t dalawa punto limang

bahagdan (22.5%) ang sumasang-ayon, siyam (9) na prikwensiya o dalawampu’t

dalawa punto limang bahagdan (22.5%) ang walang pinapanigan, sampu (10) na

prikwensya o dalawampu’t (25%) ang hindi sumasang-ayon, at tatlo (3) na prikwensya o

pito punto limang bahagdan ang mariing hindi sumasang-ayon (7.5%).

You might also like