You are on page 1of 1

Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Isang Penomenolohikal na Pag-

aaral

Bai Famela Mae U. Kadatuan


Instructor 1, Cotabato Foundation College of Science and Technology
Doroluman, Arakan, Cotabato
Fam0917.fk@gmail.com

Ang Asignaturang Filipino ay dinisenyo ng Departamento ng Edukasyon upang


mapalawak ang kaalaman ng bawat Pilipino tungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan
nito. Ang pagtuturo ng Asignaturang Filipino ay dapat pag-ukulan ng masusing pag-iisip ng
mga guro sapagkat kadalasan ay hindi binibigyang-pansin ng mga mag-aaral na nagbubunsod
sa kanila upang mawalan ng interes sa pakikilahok sa klase (Gannaban, 2012). Ilan sa mga
pag-aaral sa kasalukuyan ay sumubok na alamin ang mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo
ng Filipino ngunit nabigo silang ilahad ang kabuuang kwento sa likod ng mga suliraning ito.
Ito ang nagbungsod sa mananaliksik na galugarin ang kwento ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino at bigyan ng mas malalim na pagtalakay sa kanilang mga karanasan sa pamamagitan
ng pag-aaral na ito. Gumamit ng penemenolohikal na disenyo ng pananaliksik ang pag-aaral
na ito at inanalisa ang mga datos sa pamamagitan ng Tematikong Pagtatasa (Braun at Clarke,
2006). Labinlimang guro sa Filipino mula sa mga piling pampublikong paaralan sa Distrito
ng Arakan, North Cotabato, ang mga naging impormante sa pag-aaral na ito. Lumitaw sa
pag-aaral ang mga karanasan at mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino at lubos na nangibabaw ang mga sumusunod na tema; Negatibo at Psitibong
pagtanaw ng mga Gurong medyor at Di-medyor sa Filipino;at Suliranin sa Kagamitang
Pampagtuturo, Paksa, Mag-aaral, Kasanayan sa Pagsasalita at Angkop na Estratehiya at
Pagsasanay. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito ay nakabuo ng mga mungkahing
programa na tutugon sa mga hamong nabanggit na magsisilbing gabay sa mga pagpaplanong
pagpapahusay ng mga tagapamahala at mga administrador. Batay sa mga resulta ng pag-aaral
na ito, nangangahulugan lamang na upang makamit ang dekalidad na edukasyon, dapat lang
pagtuunan ng pansin ang mas higit pang pagpapahusay at pagbibigay ng suporta sa mga guro
sa Asignaturang Filipino.

Susing Salita: Penomenolohikal na Pag-aaral, Karanasan, Hamon, Guro sa Filipino,


Mungkahing Programa

You might also like