Professional Documents
Culture Documents
net/publication/318528637
CITATIONS READS
0 16,545
1 author:
SEE PROFILE
Some of the authors of this publication are also working on these related projects:
All content following this page was uploaded by Maria Fe GANNABAN Hicana on 19 July 2017.
Maria Fe Gannaban
Technological University of the Philippines
Manila
Abstrak:
Layunin ng pag-aaral na ito na mataya ang aktwal na pagtuturo ng guro sa Filipino ayon sa sariling
persepsyon ng guro, ng kanilang mag-aaral at ng kanilang tagapamahala tungkol sa mga katangian ng
isang mahusay na guro sa Filipino. Nilalayon ding sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano-
ano ba ang sariling persepsyon ng guro, mag-aaral at tagapamahala ng mahusay na guro sa Filipino?, (2)
May pagkakaiba ba ang sariling persepsyon ng mga guro, mag-aaral at mga tagapamahala hinggil sa mga
katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na guro sa Filipino?, (3) Ano-ano ang mga katangiang
ipinapakita ng mga guro sa kanilang aktwal na pagtuturo?, at (4) Nasasalamin ba sa aktwal na pagtuturo
ng mga gurong kalahok ang mga persepsyon nila, ng kanilang mag-aaral at tagapamahala hinggil sa mga
katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino?
Mga susing salita: persepsyon ng mga guro, mag-aaral at tagapamahala; mga katangian ng mahusay na
guro sa Filipino; aktwal na pagtuturo o praktis ng mga guro sa Filipino
PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral na isinagawa upang makuha ang persepsyon ng mga guro,
mag-aaral at mga tagapamahala hinggil sa kahusayang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino at
maihambing ang mga ito sa aktwal na pagtuturo ng guro sa Filipino. Apat na guro, apat na tagapamahala
at isang daan at animnaput tatlong (163) mag-aaral ang mga kalahok sa pag-aaral. Pinili ang mga
kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling mula sa dalawang paaralang publiko at dalawang
15
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
pribadong paaralan. Tatlong instrumento ang ginamit sa pag-aaral upang makalap ang mga
mahahalagang impormasyon; ang mga ito ay talatanungan, obserbasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng
video at pagrerekord at interbyu. Ang talatanungan ay ipinamahagi sa dalawang sekondaryang
paaralang publiko at dalawang pribadong paaralan. Apat na guro ang inobserbahan na siya ring
sumagot sa mga talatanungan gayundin ang ginawa ng isang daan at animnaput tatlong mag-aaral at
apat na tagapamahala. Ang puno ng kagawaran sa Filipino ang pumili ng pinakamahusay na gurong
oobserbahan. Ang mga mag-aaral ay napili sa pamamagitan ng paglilista ng guro sa mga taon at pangkat
na tinuturuan at saka pinabunot ang guro (ramdom sampling). Pagkatapos mapili ang mga respondents,
ang unang set ng talatanungan sa Pagtataya sa Kahusayan sa Pagtuturo sa Filipino, parallel forms ay
ipinamahagi sa mga guro, mag-aaral at tagapamahala. Ang ikalawang set ng talatanungan sa Listahan
ng mga Katangian ng Mahusay na Guro, ay ipinamahagi rin sa parehong mga kalahok. Ang means at
standard deviations ay ginamit upang mataya ang pagkakaiba o pagkakapareho ng persepsyon ng bawat
respondent. Ang obserbasyon ay inihambing sa mga naging kasagutan ng mga guro sa talatanungan
gayundin sa persepsyon ng mga mag-aaral at tagapamahala.
Lumitaw sa pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang persepsyon ng mga guro at mag-aaral
sa lahat ng saklaw maliban sa Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo. Lumitaw
sa naging kasagutan ng mga guro at mag-aaral ay Mahusay samantalang ang sagot ng mga
tagapamahala ay Napakahusay. Ayon sa naging obserbasyon sa pangkalahatan, naipakita ng mga
gurong kalahok ang kanilang kahusayan sa mga saklaw na: Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa
Nilalaman, at Estratehiya sa Pagtuturo. Lumitaw din sa naging obserbasyon sa bawat guro na ang mga
guro sa publikong paaralan ay nagpakita ng kahusayan sa pagtuturo kaysa sa mga guro sa pribadong
paaralan hinggil sa Kahusayang Pangwika, Kahusayan sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at
Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit. Sa saklaw na Kahusayang Pangwika, Estratehiya sa Pagtuturo at
Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit ay walang makabuluhang pagkakaiba sa persepsyon ng mga guro at
mag-aaral. Lumitaw sa kanilang kasagutan ay Mahusay. Ipinapalagay naman ng mga tagapamahala na
ang napili nilang guro sa Filipino ay epektibo sa lahat ng saklaw ngunit ito ay taliwas sa naobserbahan sa
aktwal na pagtuturo ng mga guro sapagkat ang mga saklaw lamang na nagpapakita ng kanilang
kahusayan ay ang Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo. At ayon sa
mga mag-aaral na kinapanayam, ang mga Kagamitang Panturo ay hindi nakapag-aambag sa kahusayang
pagtuturo ng guro sa Filipino dahil naiintindihan nila ang pagtuturo ng kanilang guro kahit walang biswal
ngunit ayon sa persepsyon ng mga guro at tagapamahala ay nakatutulong ang mga kagamitang panturo
sa kahusayan sa pagtuturo ng guro sa Filipino.
Batay sa mga nailahad na resulta ng pag-aaral ang mga sumusunod na kongklusyon ay
maibibigay: Una, sa pangkalahatan, walang makabuluhang pagkakaiba ang persepsyon ng mga guro at
mag-aaral hinggil sa mahusay na guro sa Filipino sa mga sumusunod na saklaw: Kahusayang Pangwika,
Kaalaman sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit. Samantalang
may makabuluhang pagkakaiba sa pangkalahatang persepsyon ng mga tagapamahala. Ang mga
katangiang ipinakita ng mga guro sa kanilang aktwal na pagtuturo naman ayon sa naging obserbasyon
ay: Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo. May pagkakahawig ang
persepsyon ng mga guro at mag-aaral sa aktwal na pagtuturo ng guro (i.e. Kahusayang Pangwika,
Kaalaman sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kahusayan sa Pagtataya/Pagsusulit) maliban sa
saklaw na Kahusayan sa Pagtataya/Pagsusulit na hindi nakita sa aktwal na pagtuturo ng guro.
Batay sa mga resulta at kongklusyon ng pag-aaral, maibibigay ang mga sumusunod na
rekomendasyon: Sa larangan ng metodolohiya, iminumungkahi na sa pagsasagawa ng susunod na
kahalintulad na pag-aaral, ang mananaliksik ay kailangang maging kasangkot sa pagpili ng gurong
kalahok. Iminumungkahi rin na gawin ang biglaang obserbasyon. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral,
16
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
ayon sa mga mag-aaral, ang kahusayan sa paghahanda at paggamit ng kagamitang panturo ay hindi
nakatutulong sa kahusayang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino. Kaya iminumungkahi sa mga
susunod na mananaliksik na suriing mabuti kung wala talagang kaugnayan ang mga kagamitang panturo
sa kahusayang pampagtuturo ng mga guro sa Filipino. Iminumungkahi naman sa mga guro na
magkaroon ng sariling repleksyon sa kanilang pagtuturo at nararapat paunlarin ang kanilang personal at
sosyal na katangian. Ang pagdalo sa mga seminar, pagsasanay o kapulungan ay makatutulong sa mga
guro upang umunlad ang kanilang kaalaman pagtuturo. Dapat ding bigyan ng magaan na tungkulin at
gawain ang mga guro sa Filipino upang mabigyan nila ng sapat na panahon ang kanilang pagtuturo.
17
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
BATAYANG KONSEPTWAL
Marami nang pag-aaral ang naisagawa upang tukuyin ang beheybyor ng isang matagumpay at
epektibong guro ngunit ayon kina Coker at Soar (1983), maraming naging suliranin upang matukoy o
maipaliwanag nang ganap kung ano talaga ang dapat sundin upang masukat ang kahusayang
pampagtuturo ng guro. Gayunpaman, may mga katangian pa ring tinukoy ang mga awtoridad (i.e.
edukador, administrador at mananaliksik) hinggil sa kahusayang pampagtuturo. Ang personal at sosyal
na katangian ng guro ayon kina Rabonza (1994), Yabis (1993) at Dizon (1988) ay nakaapekto sa
kakayahan ng pagtuturo ng guro gayundin ng kanyang kahusayan sa pagtuturo. Ayon naman sa
Kapulungang Edukasyon ng Amerika (1974) ang mga katangian ng tagumpay na guro na ayon sa
personal at sosyal na katangian ay kaaya-ayang personalidad, nagtataglay ng pagpapahalagang moral at
18
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
marunong makibagay sa ibat ibang sitwasyon. Ganito rin ang mga pahayag nina Feldman (1988),
Gerhard (1971), Cabela (1970), at Cox (1965), at ang iba pang katangian na idinagdag nila ay ang mga
sumusunod: may malasakit ,makatarungan, bukas ang isipan,may sense of humor, may positibong
saloobin, masayahin, seryoso sa pagtuturo, may malusog na pangangatawan, maunawin, matulungin,
marunong makitungo sa kapwa at may pagpapahalagang espiritwal. Ayon naman kina McKeachie
(1996), Torres (1983), Rodgers (1975) at Highet (1969), ang isang guro ng wika ay dapat magtagalay ng
mga katangaian tulad ng: konsistensi sa paggamit ng wika, malinaw at matatas sa pagsasalita, mahusay
magpahayag at may kasanayan sa pagsasalita sa kanyang pagtuturo. Idinagdag pa nila na ang
kakayahang intelektwal ng guro ay isa sa mahalagang kasanayang dapat bigyang pansin upang
makatulong sa mga mag-aaral upang lumutas ng suliranin, tumuklas, magtanong, magsaliksik ng mga
bagong kaalaman, mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, kakayahang magrasyunal at magdesisyon nang
tama. Sa ginawang pakikipanayam ng mananaliksik sa mga administrador, natuklasan na nangunguna
sa mga katangian ng mahusay na guro sa Filipino ang malawak na kaalaman sa paksang itinuturo. Sinabi
naman ni Huyno (1985) na kung may kaalaman ang guro sa beheybyor ng mag-aaral ay madali siyang
makalilikha ng mga kagamitang panturo. Idinagdag nila na mahalaga rin ang kasanayan at kakayahan ng
guro sa paggamit ng kagamitan panturo, pag-akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral at pagiging
malikhain. Sa pag-aaral at pananaliksik nina McKeachie (1996), Pelberg (1970), Zaballa (1978), Kolesnik
(1977), Medley (1977), Proefriedt (1975), Yardley (1975), Froebel (1973) at Dalat (1971) lumabas na ang
estratehiya ng guro sa pagtuturo ay mahalaga. Ang kaalaman ng guro sa iba’t ibang pagdulog at teknik
sa pagtuturo, kalaman sa antas ng mga tanong , walang humpay na pananaliksik sa mga gawain na akma
sa mga mag-aaral, pagpapalano at pamamahala sa klasrum ay mahahalagang katangian ng mahusay na
guro. Ayon kina Feldman (1988) at Gerhard (1971) isa pa ring indikasyon ng mahusay na guro sa pag-
aaral na ito ay ang kaalaman ng guro sa pagtataya/ pagsusulit. Kailangang may kasanayan at kakayahan
ang guro sa paglikha ng mga pagsusulit na angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral at hindi
pagmememorya lamang. Ginamit ding batayan sa pag-aaral na ito ang limang batayan ng kahusayang
pampagtuturo ng mga guro sa wika ayon sa ginawang konsultatibong pagpupulong ng SLATE (Secondary
Language Teachers) sa PNU noong Pebrero, 1987. Ang mga sumusunod ay: kalaaman sa nilalaman,
kahusayan sa wika, estratehiya sa pagtatanong, malikhain at may kaalaman sa pagtataya/ pagsusulit.
Ang mga katangian ng mahusay na guro na naging batayan ng pag-aaral na ito ay batay sa mga
persepsyon at obserbasyon ng mga awtoridad: lokal at sa ibang bansa (i.e. edukador, administrador at
mananaliksik) na kanilang tinukoy hinggil sa mga katangian ng mahusay na guro. Mula sa mga binanggit
na pag-aaral at literatura, at pakikipanayam sa mga administrador (i.e. superbisor, prinsipal, direktor at
puno ng kagawaran) hinggil sa katangian ng mahusay na guro sa pangkalahatan at katangian ng
mahusay na guro sa Filipino, isa-isang inihanay ang mga katangiang tinukoy ng mga awtoridad,
pinagsama-sama ang mga katangiang pare-pareho at saka binuo ang anim na saklaw : (A) Personal at
Sosyal na Katangian, (B) Kahusayang Pangwika, (C) Kaalaman sa Nilalaman, (D) Kahusayan sa
Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo, (E) Estratehiya sa Pagtuturo at (F) Kaalaman sa
Pagtataya/Pagsusulit. Ang mga tinukoy na katangian ng isang mahusay na guro ay ihahambing naman sa
sariling persepsyon ng mga guro sa Filipino, ng kanyang mga mag-aaral , at ng kanyang tagapamahala
tungkol sa inaakala nilang mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino. Magkakaroon ng
triangular na analisis at ito ay ihahambing naman sa aktwal na pagtuturo ng gurong oobserbahan sa
kanyang pagtuturo upang matukoy ang mga katangian ng mahusay na guro sa Filipino.
Nakatala sa ibaba ang paradigm ng pag-aaral.
19
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
C. KAALAMAN SA
PERSEPSYON NILALAMAN
NG MGA AKTWAL NA
MAG-AARAL D. KAHUSAYAN SA PAGTUTURO
PAGHAHANDA AT (OBSERBASYON)
PAGGAMITNG
KAGAMITANG
PANTURO
PERSEPSYON
E. ESTRATEHIYA SA
NG MGA
PAGTUTURO
TAGAPAMAHAL
Dayagram
20
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
PAMARAAN
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa dalawang pribadong paaralan at dalawang publikong paaralan. Una,
ang Grants Apostolic Institute (GAI) ay nasa Western Bicutan, Taguig, City; pribado at non-sectarian.
Sumunod ang Makati Science High School (MSHS) sa Makati City. Ito ay publikong paaralan at ang mga
mag-aaral ay mula sa unang taon hanggang ikaapat na taon sa hayskul. Ikatlo ang Saint Francis of Assisi
College System (SFACS) nasa Bagumbayan, Taguig, City; pribado at sectarian. Ang ikaapat na paaralan ay
ang Taguig National High School (TNHS) na nasa Western Bicutan, Taguig, City; publikong paaralan. Ang
antas ng mga mag-aaral ay mula sa unang taon hanggang sa ikaapat na taon.
Ang mga guro, mag-aaral at mga tagapamahala ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito.
Isang daan at animnapu’t tatlong (163) mag-aaral na nasa ikatlo at ikaapat na taon, apat na guro sa
hayskul sa Filipino at apat na tagapamahala sa Filipino ang kalahok sa pag-aaral na ito. Ang mga guro ay
pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Pinili sila ng kanilang tagapamahala bilang
pinakamahusay na guro sa Filipino ng kanilang paaralan. Sa una ay ninais piliin ng manaliksik ang
pinakamahusay na guro ng bawat paaralan sa pamamagitan ng interbyu at sarbey sa mga mag-aaral,
guro at tagapamahala ngunit hindi pumayag ang mga tagapamahala ng bawat paaralan. Sa halip, sila ang
nagrekomenda kung sino ang pinakamahusay na guro sa Filipino ng kanilang paaralan, isang guro sa
Filipino sa bawat paaralan kaya apat sa kabuuan. Ang mga mag-aaral naman ay pinili sa pamamagitan ng
random sampling. Ang lahat ng mga mag-aaral na tinuturuan ng guro ayon sa taon at pangkat ay
pinasulat sa kanya at saka pinabunot sa guro ang taon at pangkat na magiging kalahok. Ang mga
napiling taon at pangkat ay: GAI ay may 41 mag-aaral na nasa ikaapat na taon; MSHS, 29 na kabuuang
bilang ng mag-aaral sa ikatlong taon; SFACS, 41 kabuuang bilang ng mag-aaral sa ikaapat na taon; at
TNHS, na may 52 bilang ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon. Kaya, may 163 ang kabuuang bilang ng
mga mag-aaral sa pag-aaral na ito. Tatlo ang pangkat ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon at isa lamang
ang pangkat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon. May tig-iisang tagapamahala sa bawat paaralan, apat sa
kabuuan ang kalahok. Para sa profayl ng mga gurong kalahok, lahat ay babae. Isa lamang ang dalaga.
Ang antas ng kanilang tinuturuan ay mula sa unang taon hanggang ikaapat na taon maliban sa isang guro
(SFACS) na nagtuturo rin sa elementarya (i.e. ikalima at ikaanim na baitang). Labinsiyam na taon na sa
pagtuturo ang guro sa MSHS, siyam na taon naman sa pagtuturo ang guro sa TNHS. At ang guro naman
ng GAI at SFACS ay kapwa dalawang taon nang nagtuturo. Ang edad ng mga guro ay: SFACS, 24; GAI,
30; TNHS, 37; at MSHS, 39. Ingles, ang iba pang wikang sinasalita ng mga gurong kalahok sa pag-aaral.
Hindi sinagutan ng mga guro ang tanong hinggil sa mga seminar/kapulungang dinaluhan ngunit sa
follow-up interbyu napag-alaman na ang guro sa GAI at SFACS ay wala pang dinaluhang seminar at ang
guro naman ng MSHS at TNHS ayon sa kanila ay hindi na nila matandaan.
21
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
22
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
SFACS
Mag-aaral 3.55 0.820 3.55 0.870 3.23 1.060 3.62 0.950 3.66 0.950
Guro 4.00 4.20 3.20 3.40 4.00
Tagapamahala 5.00 5.00 5.00 5.00 5.00
MSHS
Mag-aaral 4.37 0.611 4.31 0.670 3.32 0.960 4.38 0.630 4.30 0.290
Guro 5.00 5.00 5.00 5.00 5.00
Tagapamahala 5.00 4.80 4.00 5.00 4.20
TNHS
Mag-aaral 4.62 0.517 4.58 0.582 4.24 0.857 4.68 0.513 4.72 0.523
Guro 4.00 4.00 1.60 3.60 4.00
Tagapamahala 5.00 5.00 4.2 5.00 5.00
23
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
Kung pagbabatayan ang means, may makabuluhang pagkakaiba ang persepsyon ng mga guro at mag-
aaral ng GAI hinggil sa mahusay na guro sa Filipino sa lahat ng saklaw (i.e. Kahusayang Pangwika,
Kaalaman sa Nilalaman, Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo, Estratehiya sa
Pagtuturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit). Samantalang walang makabuluhang pagkakaiba ang
persepsyon ng mga guro at tagapamahala sa mga saklaw na : Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa
Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo. Ang mga saklaw na Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng
Kagamitang Panturo at Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit ay kaunti lamang ang ipinagkaiba sa
persepsyon ng guro at tagapamahala.
Sa SFACS naman ay may makabuluhang pagkakaiba ang persepsyon ng guro at tagapamahala sa lahat
ng saklaw . Taliwas sa naging persepsyon ng mga mag-aaral at guro na hindi gaanong nagkaiba ang
kanilang persepsyon sa lahat ng saklaw. Sa saklaw na kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng
Kagamitang Panturo ay mahusay-husay (3) ang sariling persepsyon ng guro sa kanyang pagtuturo. Nang
kinapanayam ang guro kung bakit hindi niya sinagutan ang saklaw na (C) Kahusayan sa Paghahahnda at
Paggamit ng kagamitang Panturo, tinukoy niya na hindi siya gumagamit ng mga kagamitang panturo
(i.e. ohp, video, computer ) ngunit ng tingnan ang kasagutan ng guro ay mahusay-husay.
Ang persepsyon naman ng guro at mag-aaral sa MSHS ay may makabuluhang pagkakaiba sa lahat ng
saklaw. Samantalang ang persepsyon ng guro, at tagapamahala ay walang makabuluhang pagkakaiba sa
lahat ng saklaw maliban sa Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo at Kaalaman
sa Pagtataya/ Pagsusulit. Hindi naman nagkakalayo ang persepsyon ng mga mag-aaral at tagapamahala
sa saklaw na Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit. Ayon sa guro, sa saklaw na kahusayan sa paghahanda
at paggamit ng kagamitang panturo, ay hindi siya gumagamit nito ngunit nang tingnan ang sariling
persepsyon ng guro sa saklaw na ito ay napakahusay (5) ang kanyang naging kasagutan.
Ang persepsyon ng mga mag-aaral at tagapamahala sa paaralang TNHS ay walang makabuluhang
pagkakaiba sa lahat ng saklaw. Taliwas sa sariling persepsyon ng guro sa kanyang sarili sa lahat ng
saklaw na may makabuluhang pagkakakiba sa naging persepsyon ng kanyang mga mag-aaral at ng
kanyang tagapamahala. Sa saklaw na kahusayan sa paghahanda at paggamit ng kagamitang panturo,
makikita sa means na napakababa ng persepsyon ng guro sa kanyang sarili.
Sa pangkalahatan, bukod tangi ang persepsyon ng mga tagapamahala hinggil sa mga katangiang dapat
taglayin ng mahusay na guro sa Filipino kaysa sa mga persepsyon ng mga mag-aaral at guro. Ayon sa
persepsyon ng mga tagapamahala ay napakahusay ng kanilang guro sa lahat ng saklaw. Datapwat, ang
persepsyon naman ng mga mag-aaral at guro hinggil sa mga katangian ng mahusay na guro sa Filipino
ay hindi gaanong nagkakalayo.
Ayon sa pagmamasid ng mananaliksik sa aktwal na pagtuturo ng mga guro sa Filipino, nakita ang
sumusunod na katangian: sa saklaw ng kahusayang pangwika, nakagagamit ng malinaw at mabisang
pagpapahayag sa pagtuturo sa klase ang mga guro, nakapagsasalita ng may kasanayan sa Filipino ayon
sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon (halimbawa, nagagamit ng mga guro ang angkop na
pananalita at talasalitaan sa mga pagpapaliwanag sa klase, napipili rin ng guro ang wikang dapat gamitin
sa iba’t ibang kalagayan at sitwasyon) at nakagagamit ng ibat ibang kasanayang komunikasyon: berbal
at di berbal (halimbawa, pagkumpas ng kamay, pagkibit ng balikat, pagpadyak, makahulugang tingin).
Naipakita rin ng mga guro ang kanilang kaalaman sa nilalaman na mailalarawan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng guro sa mga kaalaman ng mag-aaral sa nilalaman ng itinuturo, naiuugnay ang
kulturang Filipino sa itinuturo at sa paggamit ng wika, naiuugnay ang pagtuturo ng Filipino sa iba pang
sabjek/aralin o disiplina at nalilinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga ng bansa.Sa kabuuan,
makikitang may kaalaman ang mga guro sa kanilang paksang itinuturo at ito ay lumitaw rin sa sarili
nilang persepsyon. Sa saklaw ng estratehiya sa pagtuturo, naipakita ng mga guro ang kanilang
kahusayan sa mabisang pagtatanong na humihikayat sa mga mag-aaral na magsalita sa Filipino
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
(halimbawa, iba-iba ang antas ng mga katanungang ibinibigay ng guro; mula sa pinakamababang antas
patungo sa pinakamataas na antas) at napalalawak ng guro ang talasalitaan at bokabularyo ng mga mag-
aaral sa talakayan sa klase (halimbawa, hinahayaan ng guro na mag-isip ang mga mag-aaral sa iba pang
kasingkahulugan ng salita at ipinagagamit ito sa makabuluhang pangungusap). Ang guro sa Makati
Science High School at Taguig National High School ay naipakita ang kanilang kahusayan sa pagsasagawa
ng ibat ibang gawain sa klase na tumutulong sa pagkatuto ng wika ng mga mag-aaral, nakapagbigay ng
ibat ibang sitwasyon at pagkakataon sa mga mag-aaral na magsalita sa Filipino at nakagawa ng mga
gawain na tumugon sa ibat ibang uri ng mga mag-aaral. Samantalang ang guro sa Grants Apostolic
Institute at Saint Francis of Assisi College System ay hindi naipakita ang mga katangiang nabanggit na
ipinakita ng guro sa MSHS at TNHS. Napatunayan din ito sa pamamagitan ng follow-up interbyu sa mga
mag-aaral at guro. Samakatuwid, ang saklaw lamang ng kahusayang pangwika, kaalaman sa nilalaman
at estratehiya sa pagtuturo ang mga katangiang ipinakita ng guro ayon sa kanilang aktwal na pagtuturo.
Sa paghahambing ng aktwal na pagtuturo ng mga gurong kalahok sa mga persepsyon nila,
ng kanilang mag-aaral at tagapamahala hinggil sa mga katangian ng mahusay na guro sa Filipino lumitaw
na ayon sa sariling persepsyon ng mga guro sa Filipino at ng kanilang mag-aaral, sila ay mahusay sa
kahusayang pangwika, kaalaman sa nilalaman, estratehiya sa pagtuturo at kaalaman sa
pagtataya/pagsusulit. Sa persepsyon naman ng mga tagapamahala ay mahusay ang kanilang guro sa
lahat ng saklaw: kahusayang pangwika, kaalaman sa nilalaman, kahusayan sa paghahanda at paggamit
ng kagamitang panturo, estratehiya sa pagtuturo at kaalaman sa pagtataya/pagsusulit. Ngunit, sa
pagmamasid ng mananaliksik sa aktwal na pagtuturo ng mga gurong kalahok sa pag-aaral, napatunayan
na ang sariling persepsyon ng mga guro, mag-aaral at tagapamahala hinggil sa kaalaman sa
pagtataya/pagsusulit ay hindi nakita sa kanilang aktwal na pagtuturo dahil sa kakulangan ng sapat na
panahon ng mananaliksik sa pagmamasid upang matukoy kung may kaalaman nga ba ang guro sa
pagtataya/pagsusulit. Ngunit sa ginawang follow-up interbyu sa mga mag-aaral, guro at tagapamahala,
tinukoy nila na karamihan sa ginagawang pagsusulit ay objective type (i.e. fill-in the blanks,
enumeration, identification) at bihira lamang ang essay type. Nang alamin ang sampol ng essay type ay
kahawig din ito ng enumeration kaya lang ipaliliwanag isa-isa. Na nagpapatunay lamang na hindi
nakagagamit ng ibat ibang pagsusulit ang guro sa pasalitang aspeto ayon sa kasanayang itinuturo sa
Filipino, na hindi nakapaghahanda ng pagsusulit sa paggamit ng wika sa ibat ibang sitwasyon na
magsasanay sa ibang mag-aaral at hindi nakabubuo ng pagsusulit na nakapokus sa gamit ng wika. Ang
mga ito ay napatunayan din nang humingi ang mananaliksik ng sampol ng pagsusulit sa mga gurong
respondent.
Kung pagbabatayan ang persepsyon ng mag-aaral, guro at tagapamahala hinggil sa kahusayan ng
guro sa estratehiya sa pagtuturo, hindi ito nakita sa aktwal na pagtuturo ng guro. Ang mga nakapaloob
na katangian sa saklaw sa estratehiya ng guro na hindi nakita sa aktwal na pagtuturo ay ang mga
sumusunod: nakapagsasagawa ng ibat ibang gawain sa klase na tumutulong sa pagkatuto ng mga mag-
aaral, nagbibigay ng ibat ibang sitwasyon at pagkakataon sa mga mag-aaral na magsalita sa Filipino at
nakagagawa ng mga gawain na nakatutugon sa ibat ibang uri ng mag-aaral na kung susuriin ay sinang-
ayunan naman ng mga guro. Datapwat ang katangian na nakagagamit ng mabisang pagtatanong na
humikayat sa mag-aaral na magsalita sa Filipino at napalalawak ng guro ang talasalitaan o bokabularyo
ng mga mag-aaral sa mga talakayan sa klase ay nakita sa aktwal na pagtuturo. Ang guro ng MSHS at
TNHS lamang ang kinakitaan ng paghahanda ng mga gawain sa klase, nakapagbibigay ng ibat ibang
sitwasyon at paghahanda ng mga gawain na tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Marahil
nabibigyang pansin ng mga guro ang mga bagay na ito dahil sa kakaunti lamang ang kanilang teaching
load (i.e. kalahating araw lamang ang kanilang pagtuturo) na kung ikukumpara sa mga guro ng GAI at
SFACS ay maghapon sila sa paaralan at napakaraming load. Napatunayan ito sa pakikipag-usap sa mga
nabanggit guro.
25
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
26
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
2. Ang mga katangiang ipinakita ng mga guro sa kanilang aktwal na pagtuturo ayon sa naging
obserbasyon ay: Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman at Estratehiya sa Pagtuturo.
3. May pagkakahawig ang persepsyon ng mga guro at mag-aaral sa aktwal na pagtuturo ng guro (i.e.
Kahusayang Pangwika, Kaalaman sa Nilalaman, Estratehiya sa Pagtuturo at Kahusayan sa
Pagtataya/Pagsusulit) maliban sa saklaw na Kahusayan sa Pagtataya/Pagsusulit na hindi nakita.
27
Vol. 3 No. 1
MARIA FE GANNABAN: KAHUSAYANG PAMPAGTUTURO NG GURO Dalumat Ejournal 2012
SANGGUNIAN
Brain, Jere E. Teacher-Student Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston. 1996.
Cabela, Courtney. Teaching Effectiveness. n.p. 1970.
Coker, Robert C. at Russel. Group Guidance, Principles, Techniques and Evaluation. London. 1983.
Cox, R. D. The Teachers and Their Work. Harrisburg, Archives Press. 1965.
Dalat, E. M. “Classroom Teacher Perceptions of Their Teaching Roles in San Francisco West District.” Di-
Inilathalang Tesis. University of the Philippines, Quezon City. 1971.
Dizon, Gina C. “Internal and External Factors Affecting Teaching Performance in the District of Arayat
West in Pampanga.” Di- Inilathalang Tesis. University of Assumption, San Fernando, Pampanga.
1988.
Feldman, K.A. “Effective College Teaching from the Students and Faculty’s View: Matched or
Mismatched Priorities?” Research in Higher Education. 1988.
Froebel, Gruber W. How do you Define Good Teaching? Indiana University. 1973.
Gerhard, Henry E. Statistics in Psychology and Education. NewYork: Appleton Century Crofts. 1978.
Highet, L. Educational Research. Columbus, Ohio: Charles E. Merill, Publishing Co. 1969.
Hunter, JamesG. Reflective Teaching and Educational Inquiry. 1989.
Huyno, Leoncia C. “Kahusayan sa Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino ayon sa Kanilang Sariling Pananaw
at ng Kanilang Tagapamahala Antas Elementarya, Paaralan sa Hiligaynon Bukidnon.” Di-
Inilathalang Tesis. Philippine Normal College, Manila. 1985.
Kolesnik, Walter B. Learning Educational Aspirations. Boston: Allyn and Bacon, Inc. 1976.
Lewis, Wayne. An Evaluation of Good Teacher Effectiveness Training. University of Nebraska. 1973.
Mckeachie, W. J. O. Learning Styles can Become Learning Strategies. University of Michigan. 1996.
Medley, Donald M. Teacher Effectiveness in Encyclopedia of Educational Research. 5th edition. edited by
Harold E. Mitzel. New York: McMillan Publishing Co. Inc. 1977.
Pelberg, Thomas. Teachers Make a Difference. New York: Holt Rinehart and Winston. 1970.
Proefriedt, William A. The Teacher You Choose to Be. New York: Holt Rinehart and Winston. 1975.
Rabonza, Felicitas C. “Teaching Performance, Professional Qualities among Mentors in St. Bernadette
School of Alabang, Metro Manila: Basis for Instructional Improvement.” Di- Inilathalang Tesis.
Philippine Normal College, Manila. 1994.
Rodgers, Frederick A. Curriculum and Instruction in the Elementary School. New York: McMillan
Publishing Co. Inc. 1975.
Torres, Rosa T. “Teaching Effectiveness and Job Satisfaction of Public Elementary School Teachers in the
Division of Northern Samar.” Di- Inilathalang Tesis. Philippine Normal College, Manila. 1983.
Yabis, Benita T. “The Professional Development of Teachers: It’s Relation to Teachers Competency and
the Academic Achievement of Intermediate School Pupils.” Di- Inilathalang Tesis. Philippine
Normal College, Manila. 1993.
Yardley, Milton. A Study of the Logic of Teaching. Urbana M. University of Illinois Press. 2nd edition.
1975.
Zaballa, OP Sr. Irene C. “Teacher Effectiveness Perceived by the High School Students and School
Administrators of Sienna College in School Year 1978-1979.” Di- Inilathalang Tesis. University of
Santo Tomas, Manila. 1980.
28