You are on page 1of 6

LARONG PANGWIKA; TULONG SA KASANAYANG

PANGKOMUNIKATIBO SA FILIPINO

IsangPananaliksiknaIniharapsa
TesisKomite ng Kagawaran ng Edukasyon
UM Tagum College, Lungsod ng Tagum

BilangParsyal ng PagtupadsamgaPangangailangan
Para saDigringBatsilyerngSekundarya
Medyorsa Filipino

SWEET LEYNE F. ADLAWAN


EDWIN A. PANLUBASAN JR.
SETTIE HONNIE VASIG

2017
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil

sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na

nagbabago ang sistemang ito dahil na iimpluwensiyahan ng patuloy na pagbabago ng

panahon. Sa anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi

ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang

paaralan.

Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing

makatutulong at magsisilbing gabay ng mga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng

alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo ayon kay

(Transona Jr., 2015). Ang gurong malikhain at nagsisilbing inspirasyon na nag-

uudyok sa mga mag-aaral upang matuto gamit ang kanilang katangiang personal,

positibong karanasang ayun dinang kanilang kasanayang komunikasyon. Kabisado ng

isang mahusay na guro ang kanyang aralin at gumagawa rin siya ng banghay-aralin.

Marunong siyang makinig,nagtatakda ng limitasyon, matatag at walang kinikilingan.

Naitatag niya ang tiwala sa loob ng silid-aralan at nananatili siyang kalmado at

kapagang guro ay hindi handa maaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad

ng isang guro. Kung ang guro ay may kahandaan sa kanyang pagtuturo at handa

siyang ibahagi ito sa kanyang mga mag-aaral, mas makikita ang ganap na epektibong

relasyon ng pagtuturo at pagkatuto (Gurney, 2010).

Ang susi sa lahat ng suliranin sa mabisang pagtuturo ay ang guro. May iba’t

ibang papel na ginagampanan ang guro. Sa kanilang pagtuturo sila’y umaakto bilang

tagapayo, patnubay, tagapangasiwa, kapatid, kaibigan, magulang at iba pa. Sa isang


Kabanata 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga metodolohiyang ginagamit sa

kwalitatibong pag-aaral. Ito’y naglalaman ng mga metodo at disenyo, papel na

ginagampanan ng mga mananaliksik, ang mga impormante sa pag-aaral, pamamaraan

sa pagkuha ng datos, pag-aanalisa ng datos at etikal na konsiderasyon.

DisenyosaPananaliksik

Sa pag-aaral na ito, inimbestigahan naming ang sari-saring mga estratehiya at

karanasan lalo na sa mga gurong gumamit ng larong pangwika na maaaring maging

tulong sa kasanayang pangkomunikatibo. Ang kwalitatibong pag-aaral ang pinaka

angkop sa pag-aaral na ito at ang isa sa mga uri nito ay ang penomenolohiyang pag-

aaral. Ang penomenolohiyang pag-aaral ay nangangahulugang mayroong iisang

karanasan sa phenomenon ang mga respondente (Cresswell, 2007). Ang prinsipyo sa

penomenolohiyang pananaliksik ay mayroong mga pangangailangan sa pagkilala sa

mga karanasan at kalagayan naisasa mga parte saka buuan (Moustakas, 1994

nabinanggit sa pag – aaral ni Lasco, 2014).

Gayunpaman, sinabi rin ni Silverman noong 2000 namakikita sa pag-aaral ni

Lasco noong 2014 sa kanyang mga pananaliksik na ang metodo na ginamit sa isang

kwalitatibong mananaliksik ay nagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa mga

pangyayari sa kapaligiran. Iisa lamang ang kahulugan nito, ang pagkakaroon ng

malalim na pag-unawa ay magkakaroon din ng malaking pagkakataon na makukuha

ang saloobin o emosyon ng mga sangkot sa pag- aaral na ito lalo na ang mga

impormante.
Kabanata 4

RESULTA

Ang pangunahing layunin ng penomenolohikal na pag–aaral ay upang marinig

at malaman ang mga karanasan ng mga gurong gumamit ng larong pangwika bilang

tulong sa kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa Filipino. Kabilang

narito ang ibang estratehiyang kanilang ginamit upang maging epektibo sa kanilang

pagtuturo.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan sa pag–aaral na ito:

1. Ano ang mga nanararanasan ng mga guro sa paggamit ng larong pangwika

sa pagtuturo ng Filipino?

2. Paano nalalampasan ng mga guro ang mga pagsubok na kanilang

nararanasan sa paggamit ng larong pangwika sa pagtuturo ng Filipino?

3. Ano-ano ang natutuhan ng mga guro sa paggamit ng larong pangwika sa

pagtuturo ng Filipino?

Sinagutan ito ng mga impormante at partisipante nang may parehong

katanungan. Sa pamamagitan ng paglilibot naming sa loob ng paaralan at pagtatanong

sa mga kaibigan na may kakilalang guro, Nabuo naming ang grupo ng mga taong may

sapat na kaalaman hinggil sa aming paksa. Ang aming mga partisipante ay mga guro

na kasalukuyang nagtuturo sa pribado at pampublikong paaralan na nasasakop sa

probinsya ng Davao Del Norte. Ang aming pagkikita ay nagaganap sa kanilang mga

bakanteng oras dahil mayroon pa silang mga klase. Ang mga labing–apat (14) na

impormante, ay nagbahagi ng kanilang mga saloobin at mga karanasan. Para sa

katanungan sa kwalitatibong pag-aaral, pinag-isa naming ang lahat ng datos sa In-


depth interview at Focus-Group Discussion. Sinundan ito ng mga tema na nabuo dahil

sa nakuhang datos.

Hindi naming ginamit ang totoong pangalan sa pagkatang pag–aaral na ito ay

nagtataglay ng kompidensyaliti ngunit sila ay binigyan ng karapatan at kalayaan

upang magbigay ng code names.

Ang Focus Group ay ang pinakamagandang parte ng pagbabahagian ng mga

ideya. Ang pagsagot ng isa ay may koneksyon sa sagot ng kanyang kasamahan kaya

nagkaroon ng interaskyon sa pagtitipon. Inilahad nila ang kanilang mga karanasan at

nagbigay ng mga klaro at detalyadong halimbawa. Sila ay nagkaroon ng interes sa

pagsagot sa mga katanungan, mayroon silang tape rekord. Para naman sa In-depth

interview, ginawa naming iyon sa komportableng silid na kung saan sila ay

komportable at nang sa ganoon ay masagutan nila nang tama ang mga katanungang

aming inihanda. Higit namaganda kung sa komportableng lugar gagawin ang

panayam upang makaiwas sa disturbo, ingay at iba pang mga salik o mga posibleng

hadlang habang nagsisimula na ang sesyon, ngunit bago naming sinimulan ang

panayam ay hinayaan muna naming silang magtanong at umunawa ng mga

katanungan. Pagkatapos na basa ng mga partisipante ay nagsimula na ang panayam.

PagkategoryasamgaDatos

Nang natapos ang in–depth interview at focused group discussion, ang audio-

tape ay isinulat namin sa ibang papel, isinalin at inali sa. Tatlong hakbang ang aming

ginawa sa pag–aanalisa ng datos: pagbabawas ng datos, pagpapakita sa datos at

konklusyon habang ginagawa naming ang pag–aanalisa at saberipikasyon.


Kabanata 5

DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resulta sa pag–aaral, mga

konklusyon at ang implikasyon na narating, maging sa panghinaharap na naka–angkla

sa pag–usbong ng mga tamang ginamit sa pag–aanalisa ng mga datos. Ang mga

karanasan ng mga guro sa pagtuturo ang siyang naging batayan sapag-aaral na ito

gamit ang larong pang wika sa pagtuturo. Ang layunin ng penomenolohikal na pag –

aaral na ito ay upang maintindihan, maidokumento, at malaman ang mga karanasan at

pananaw ng mga gurong gumamit o nagamit ang larong Pangwika na tulong sa

kasanayang Pangkomunikatibo sa Filipino. Hindi lamang pag–imbestiga ang tanging

layunin sapag–aaral na ito kundi pati narin ang pagbigay–analisa sa kanilang mga

saloobin, emosyon at pananaw sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan.

Sa binanggit ni Marris (2004), ang isa sa mga layunin ng penomenolohikal na

pag–aaral ay upang makamtan ang deskripsyon ng unang taong may lantay na

karanasan. Sa panayam, ang mananaliksik ay naging mag–aaral at mabisang

tagapakinig habang ang mga partisipante ay kinokonsederang pantas. Sa diskusyon,

ang mga partisipante ay may mahahalagang papel na gampanan sa diskusyon.

Ang mga partisipante ng pag–aaral na ito ay ang mga guro sa pribado at

pampublikong paaralan sa probinsya ng Davao del Norte. Ang mga partisipante sa in–

depth interview at focused group discussion ay nagsiwalat o malayang nag bahagian

sakanilang mga karanasan. Upang hindi sila mailing na mag bahagi sa kanilang mga

karanasan, pinaliwanag naming sa kanila ang pagkaroon ng kompidensyal at ang mga

etikong pagsagawa ng pag–aaralna ito.

You might also like