You are on page 1of 5

Unang-una sa lahat, nais kong pasalamatan ang Diyos

sa paggabay niya sa akin sa bawat araw, at ang pagbigay

niya sa akin ng lakas at motibasyon upang mag-aral ng mabuti,


at ang maging handang matuto ng ibat-ibang aral araw-araw.

Pinapasalamatan ko naman ang aking mga magulang at mga


kapatid dahil palagi nila akong sinusuportahan sa aking pag-
aaral, at sa pag-aalaga at pagmamahal nila sa akin, na siyang
naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral.

Nagpapasalamat rin ako sa aking mga kaibigan na pinakamalapit


sa akin, lalong-lalo na ang aking pinakamatalik na kaibigan, dahil
ginagawa nilang makulay ang bawat araw ng aking pag-aaral.
Nang dahil sa kanila, nagaganahan akong mag-aral at hindi
mainip sa paaralan.

At ang huli sa lahat ay pinapasalamatan ko ang aming guro na si


Gng. Gracel Ann Sanchez na walang sawa ang pagturo sa amin
kahit minsan ay makulit kami, at hindi namin nasusunod ang
kaniyang mga utos at ang deadline kung kalian dapat ipasa ang
mga pinapagawa niya sa amin. Nagpapasalamat rin ako dahil
minamahal niya kami na parang tunay niya na mga anak, tumayo
siyang pangalawa naming ina. Siya ang dahilan kung bakit kami
natutong gawin ang mga nagawa namin sa asignaturang ito.
Ang portfolio na ito ay naglalaman ng
walong (8) ibat-ibang importanteng
sulatin na ginawa namin base sa aralin
na amin ng natalakay at napag-alaman.
Ang Filipino sa Piling Larang
ay isang asignaturang dapat na
pagtuunan ng pansin dahil ito ay isang
importanteng gabay na makakatulong
sa atin lalong lalo na sa katulad
nating mga estudyante.
Nakapaloob dito ang mga gawaing amin
ng nagawa sa pamamagitan ng pagsunod
sa mga stratehiya at gabay sa paggawa
sa mga naturang mga gawain.
Ang masasabi ko lang ay ang asignaturang ito ay
napakaraming naitulong sa akin. Natuto na akong
gumawa ng balangkas, talumpati, buod, ibat-ibang
uri ng sanaysay, katitikan ng pulong, bionote, at
posisyong papel. Marunong na akong gawin ang mga
ito ng tama at maganda dahil sa mga impormasyon na
aking nakuha sa aming pag-aaral. Naturuan rin ako na
gawing presentable at kaaya-aya ang mga sulatin na
pinapagawa ng aming guro.
Nang dahil sa mga ipinapabasa ng aming guro sa
amin na mga sanaysay o halimbawa ng mga
balangkas, buod, at pati ang mga paraan kung paano
gawin ang mga ito ng tama, at pati na rin ang mga
magagandang video na pinapakita niya ay nakatulong
talaga ito upang magawa koi to ng tama. Marami
talaga akong natutunan na aral sa asignaturang ito. At
marami rin akong nadiskubrihan tungkol sa aking
sarili.
Pagsulat ng Balangkas ...................... 1
Pagsulat ng Talumpati ...................... 2
Pagsulat ng Buod ......................... 3-4
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay ............. 5-9
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ...... 10-11
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong ........ 12-13
Pagsulat ng Bionote .......................14
Pagsulat ng Posisyong Papel ............15-16

You might also like