You are on page 1of 40

1

TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Pagsasalamat…………………………………………………........................i

Panimula ng Kurso……………………………………………………………………...ii

Repleksyon…………………………………………………………………….………..iii

Abstrak…………………………………………………………….………………….…iv

I Introduksiyon para sa Akademikong Pagsulat

A. Abskrak
B. Sintesis
C. Bionote
D. Talumpati
E. Replektibong Sanaysay
F. Posisyong Papel
G. Pictorial Essay
H. Lakbay Sanaysay
II Akademikong Pagsulat sa Pagtratrabaho
A. Resume at Liham Aplikasyon
B. Agenda
C. Katitikan ng Pulong
D. Panukalang Proyekto
2

DAHON NG PAGSASALAMAT

Ako’y taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong hindi napapagod at


hindi nawawala ng tiwala sa aking kakayahan bilang isang estudyante at ganoon din
bilang isang tao ng walang hinahangad kundi mapabuti ang kanyang sarili sa napili
niyang tahak na mundo.

Lubos din ako nagpapasalamat sa aming guro sa asignaturang filipino na si


Ginang Rachel D. Rosales na walang sawa na ibinabahagi niya ang kanyang mga
kaalaman sa amin at kung paano maging mabuti at responsableng estudyante.

Gusto ko din magpasalamat sa lahat na aking mga kaklase na naging sandigan


namin ang isa’t isa sa oras ng kagipitan, kalungkutan at ganoon din sa oras ng kasiyahan,
kung saan ay mas nananaig ang aming kagustuhan na tulungan at bigyan ng lakas ng loob
ang iba upang lahat kami ay makapagtapos sa aming napiling strand.

Ang kasunod na gusto kong pasalamatan ay mga tao kung bakit na nasilayan ko
ang mundo at sila ang naging lakas ko kung bakit gusto ko makapagtapos ng pag-aaral,
ay wala iba kundi ang aking mga magulang na walang sawang pinapakita kung gaano
nila ako sinusuportahan at minamahalal.

Mahal namin na Panginoon Salamat sa buhay na inihandog mo sa akin, at alam ko


kahit gaano pa man kay bigat ng problema sa akin, ay akin lamang itong malalampasan
sapagkat nandyan kayo palagi na handing gabayan at protektahan ako sa oras na hindi ko
na alam ang aking gagawin.
3

PANIMULA

Sa oras na ako’y gumagawa ng aking mga kinakailangan kong gawin at


kailangann ipasa ay hindi ko makakaila na nahihirapan talaga ako, dahil ang ibang
gawain hindi ko pa talaga pinagdaanan sa una, ngunit mas nananaig sa akin ang aking
kagustuhan maipasa at makompleto ko ang mga akademikong sulatin.

At sa kalaunan ay naging madali na sa akin ang gawin ito, sapagkat ay


ginagabayan kami ni Ginang Rachel D. Rosales at nagbibigay siya ng mag idea at malaya
lang kami makapagtanong sa kanya kapag nahihirapan kami intindhin ang mga dapat
naming gawin.

Kaya bilang isang estudyante ay dapat mas magiging matatag at responsable tayo
sa ating mga tungkulin, upang sa ganoon ay matapos natin ang dapat natin tapusin at
hindi tayo maging pasaway sa ating mga guro at dapat tayo magpasalamat sa kanila, dahil
lagi nila tayo binibigyan ng payo hindi lamang tungkol sa mga leksyon sa paaralan kundi
pati narin sa leksyon ng buhay na balang araw ay atin din mararanasan at maiintindihan.
4

REPLEKSYON

Ang paggawa ng proyekto ito ay kailangan mahabang pagsusulit upang mas mauwain ko
ito at pag-aaralan mabuti.

Ang Akademikong Sulatin may mga iba na lubos mahirap na gawin at kailangan
ko iti itanong sa aking kaptid upang may gabay at maunawan ko at sa aking kaklase nag
babahagi kame nag ideya o kaya ng sesearch ako sa google upang makakuha ako nag
ideya o malaman ang kahulugan ng isang Akademikong Sulatin.

Mahirap man itong gawin wala kameng karapatan na mag reklamo dahil kapag
Senior High na isa na ito na dapat namin gawin at maipasa sa aming Guro sa Piling
Larang. Kahit papaano ginawa namin at nilagpasan ang proyekto ito at sinasabi ko sa
aking sarili na kaya ko itong tapusin itong pagsubok na kailangan namin maranasan at
matagumpayan.
5

ABSTRACT

Are the right of lesbians, gays, bisexual, transsexual, and queer person
( “LGBTQ”) considered human rights under international law. This works situatesthe
discussions in the advancement of LGBTQ rightss in various domestic legal systems and
proceeds to identify three broad categories of LGBTQ rights. These rights are then
located in international human rights instruments. In performing this task, this works
argues that the broad language of the United Nations Charter and the International Bill of
Rights accomodates the view that the emergence and substance of LGBTQ rights have
been protected under international law and that this view is but a natural occurence given
the universal character of human rights and the inclusion of LGBTQ rights in the content
of international human rights. Addressing the view that LGBTQ rigths have “no” legal
foundtion,” th work uses the textual, purposive, and holistic approaches in “reading” the
International Bill of Right to locate LGBTQ rights in International law and, in the
process, open a new way of looking at international human rights law that is inclusive of
and can truly address the human rights violations committed against LGBTQ persons.
6

ABSTRAK
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga. akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga
report. Nagbibigay ng malinaw na larawan ng mga nilalaman ng pananaliksik.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

DALAWANG URI NG ABSTRAK

• Deskriptibong Abstrak
7

• Impormatibong Abstrak

DESKRIPTIBONG ABSTRAK

- Inilalarawan ng pangunahing idea ng papel

- Maikli at binubuo lamang ng 100 Hanggang 200 ng mga salita

- Nakkapaloob dito ang kaligiran, layunin at tuon ng papel

MGA BAHAGI

1. Layunin

2. Kaligiran ng Pag-aaral

3. Saklaw

IMPORMATIBONG ABSTRAK

- Detalyado at malinaw ang impormasyon

- Mahahalang ideya ng papel

- Binubuod dito ang kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta, konklusyon at


rekomendasyon.

- Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong Papel at isang talata lamang.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAG SULAT NG ABSTRAK

1. Lahat ng detalye ilalagay nito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel

2. Iwasan ang statistical figure to able sa Abstrak

3. Iwasan ang sariling opinion

4. Iwasan ng mga malinaw at direktang pangungusap


8

5. Maging obhetibo

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing multi ang buong Papel

2. Isulat ang unang draft ng papel

3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan

4. I-proofread ang pinal na kopya


9

SINTESIS

Sintesis o Buod Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at


natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na
panyayare ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto lamang na maging
malinaw sa pagpapahayag. Ito ay isang maaayos at malinaw na nagdurugtong sa mga
ideya mula sa maraming sanggunian.

DALAWANG ANYO NG SINTESIS

1. Explainatory synthesis - ay isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o


nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.

2. Argumentative synthesis - ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumulat nito.

MGA URI NG SINTESIS

• Background Synthesis

Nangangailangan pagsama - samahin ang mga sariling impormasyon ukol sa paksa.

• Thesis-Driven Synthesis

Halos katulad lamang ito ng Background synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng
pagkatuon.

• Synthesis for the literature

Ginagalit ito sa mga sulating pananaliksik.


10

Ang Sirena at si Santiago

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga
mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-
uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay. Maraming
siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang
nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama
ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.Isang hapon, habang siya’y
nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang tinig. Sinundan niya
ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng
mga malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig
at ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata,
mayroong buntot na parang isda ang dalagang nasa harap niya. Nang napansin ng dalaga
na beach-love-mermaid-picture-moment-Favim.com-770317may taong nakakita sa
kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na
agad-agad din namang sumagwan para mahabol niya ito. Nakumbinsi ni Santiagong
mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapitsila sa isa’t-isa. Nagpakilala
naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang
nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa. Nag-
aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na
sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa
kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una, hindi sumang-ayon si
Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na lang siya. Pagkalipas
ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at
nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang
ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak. Sa kabilang dako ay naroon sina
Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod ng malaking bato
kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang
biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong
nila ito dahil akala nila’yginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing
11

bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa
kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis
ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay. Sinabi ng mga isda ang katsunami_1nilang
nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ngmga sirena na napuno ng
galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito.
Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na
naglunod at pumatay samga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong
lungsod ng Pagadian. Nag-iwan ang tsunaming itong isang bangin na nagsisilbing
palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan.
Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na
mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.
12

BIONOTE

Ang Bionote o Biography Note ay maituturing bilang isang suliting nagbibigay ng


impormasyon at marketing tool na may tungkuling ipakikilala ang isang indibidwal o ang
katauhan ng isang awtor sa mga mambabasa o tagapakinig.

MGA DAPAT LAMAIN NG BIONOTE

• Personal na impormasyon ( pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyang

• Kaligiran pag- edukasyon ( paaralan, digri, at karangalan)

• Ambag sa larangang kinabibilangan( Kontribusyon at adbokasyon)

DAPAT MAGING MAIKLI ANG BIONOTE

1. Siguraduhing tama ang mga natipong impormasyon tungkol sa taong ipinakikilala.

2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad.

3. Tukuyin at kilalanin ang mga mambabasang pagtutuonan ng pagpapakilala.

4. Tiyaking impormatibo ang nilalaman ng bionote kaya dapat na inuunang ilahad ang

pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa ipinakikilala.

5. Bigyang-diin lamang ang mga angkop na kasanayan at/o katangiang kaugnay ng

layunin ng pagpapakilala.

6. Maging tapat sa paglalahad ng impormasyong iuugnay sa paksa.


13

BIONOTE

Si Binibining Gladys B. Tarranza siya ang napiling kumatawan upang


rumepresenta sa Women Techmakers sa lungsod ng Zamboanga City, at nakamit niya
ang kanya sertipiko bilang isang Google Educator/DepEd Zamboanga noong ika-28 ng
Octobre noong taong 2021. Nakapagtapos sa kurso Bachelor of Science Education Major
in Information Communication Technology. At nagtuturo sa paaralan ng Talon-Talon
National High School sa Senior High School at sa baitang 12.
14

TALUMPATI

Talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.

ANG PAGSULAT NG TALUMPATI:

- Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.

- Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang


upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, at pananaw, at pangangatwiran sa isang
partikular na paska na pinag usapan.

- Kaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi nang sabihin
nang walang wala pinagtutungkulan o binibigay diing paksa.

- Ang talumapati ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.

- Bago pa man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng isang


komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-paniwal at kahika- hikayat ito para
sa nakikinig.

URI AYON SA KUNG PAANO ITONG BINIBIGKAS SA HARAP NG


TAGAPAKINIG:

Biglang Talumpati (Impromptu) - ang talumpating ito ay binibigay nang biglaan o


walang paghahandaan. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi
ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangan mabahagi
sa tagapakinig.

Maluwag ( Extemporaneous)- Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa


pagbuo ng ipahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya
madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
15

Tungkol sa Valentines Day

Kada ika-14 ng pebrero, ay ating ipinagdidiriwang ang araw ng mga puso, ngunit
hindi lamang ito sa mga taong may karelasyon o asawa, kundi pwde din natin ito
ipagdiriwang kasama ang ating pamilya, sapagkat alam naman natin na sipa ang mga
taong na minahal natin at nagmahal din sa atin, kahit ano at kung sino man tayo. Lalong-
lalo na ang ating mga magulang, sana sa darating nang araw ng mga puso ay huwag sana
natin kalimutan, na mahalin natin ipakalat ang ating pagmamahal sa ating mga magulang,
dahil sa kanila ay ating narasan at namulat sa mundong ating ginagalawan ngayon, kahit
minsan ay mahirap makipagsabayan sa takbo ng panahon, pero dapat parin tayo
magpasalamat dahil sa araw-araw na pinapakita nila kung gaano nila tayo kamahal, at
pinapakita nila ito sa pamamagitan kung paano nila tayong inaalagan at kung gaano sila
nagsasakripisyo para lamang tayo'y makapag-aral, makapag-damit ng maayos at
makakain tatlong beses sa isang araw kaya't gaano na lamang ang aking respeto sa aking
mga magulang, dahil kahit gaano man kahirap ang buhay ay kailanman hindi ko sila
nakitang sumuko, datapwat ang pursigidong at positibong pananaw nila sa buhay ay
aking ihahandong ang buong pagmamahal para sa kanila. Dahil sila ang pinaka-
importanteng tao para sa akin sapagkat walang makakapatay sa pagmamahal na ibinigay
nila sa akin, sila ay sapat na para sa akin.
16

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay, o Reflective Essay sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay


na patungkol sa mga isyu, opinyon, karanasan, o pangyayaring naisusulat ng may-akda
nang komprehensibo kahit na hindi masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. Ang
replektibong sanaysay ay opinyonado at nagbibigay ng kalayaan sa may-akda na isulat
ang kanilang opinyon at mga punto tungkol sa isang isyu na nanggagaling karansang
personal nilang nakita o natamasa.

Sapagkat ang replektibong sanaysay ay nagbabahagi ng personal na opinyon sa


isang personal na karanasan ay hindi ito maihahantulad sa isang talambuhay sapagkat iba
ang punto’t pakay nito. Habang ang talambuhay ay nagnanais na magbahagi ng
impormasyon tungkol sa personal na buhay ng may-akda, and replektibong sanaysay ay
naglalayon na suriin, ipaliwanag, o katwiranin ang isang isyu base sa prinsipyong
kanilang sinusunod. Ninanais ng isang replektibong sanaysay na mabigyan ng
importansiya ang iniisip ng may-akda sa isang isyu: kung tama ba ito o mali. Kadalasan
ay nakadepende ito sa pamumuhay ng tao at ng lipunan. Ligtas isipin ang replektibong
sanaysay ay ang proseso ng pagsusuri ng isang subhektibong paksa sa pinakamainam at
obhektibong daan.

MAY MGA KONSIDERASYON SA PAGSUSULAT NG ISANG


REPLEKTIBONG SANAYSAY. ITO AY ANG:

1. Dapat ay nailalahad ang personal na interpretasyon.

2. Isiping maigi ang mga datos na nakuha—kung ito bay may kredibilidad.

3. Siguraduhin na nakakukuha ng pansin ang unang bahagi ng sanaysay.

4. Sinasaklaw ng konklusyon ang lahat ng puntong natalakay sa sanaysay.

5. Hindi paligoy ligoy at naihandog ang mga punto sa pinakamadali at pinakamainam na


paraan upang mas maintindihan ng mambabasa.

6. Ang kabuuan ng sanaysay ay naglalaman ng iba’t ibang aspeto ng natamasang


karanasan.
17

7. Nasigurado ang kalidad ng sanaysay sa pamamagitan ng maraming pag-edit.

Halimbawa ng Replektibong Sanaysay

1. Barrio Doctors

2. Pelikulang Bad Genius: Aral o Kopya

3. Pundasyon

4. Kahalagahan ng Edukasyon

5. Replektibong Sanaysay
18

Hagupit ni Paeng

Ang natural na kalamidad ay isa sa mga mahirap na kalamidad na hindi


kailanman natin maaring pigilan ngunit maari natin ito maiwasan mangyari sa
pamamagitan sa pag-aalaga na ating Inang kalikasan. Isa sa ating bayang Pilipinas ang
dinadalaw ng malalakas na bagyo. Kagaya na lamang ng nakaraang linggo na hinagupit
tayo ng Bagyong Paeng. Maraming ari-arian ang nawala at may mga buhay ng mga tao
ang ay nawala. Masakit makita ang sinapit ng ating mga kababayang Pilipino dahil hindi
nila alam kung paano magsisimula lalong lalo na ang mga pamilya na nawalan ng mahal
sa buhay. Dahil sa hagupit na hatid ng Bagyong Paeng, sana maimulat ang ating mga
kaisipan sa mga nangyayari sa kapaligiran, sana tayo magtulungan na alagaan at ingatan
ang ating likas na yaman.

Dahil sa panahon ngayon, matindi na ang Climate Change. Kagaya na lamang


dito sa ating lugar, mraming lungsod sa Mindanao na nakakaranas ng matinding pagbaha
at pagguho ng mga lupa, na dati-rati ay hindi kailanman natin ito nararanasan at nakikita
lamang natin ito sa ating telebisyon, ngunit sa nakaraang araw ay atin na ito na
nararanasan ngayon. Ang kailangan lamang natin gawin ay ingatan at bawasan ang mga
hindi kaayang-aya gawain na nakakasira na ating kapaligiran. Kagaya ng pagputol ng
mga puno, pagtapon ng mga basura kung saan-saan, at pagsusunog o pakakainigin na
resulta nang Climate Change at Global Warming. Sana ngayon, sa mga nararansan natin
ay sana baguhin natin ang mga pagkakamali na ating nagawa na naging sanhi sa
pagkasira na ating ating Inang kalikasan. Dahil ang kalikasan ay mabubuhay kahit
walang tao, ngunit ang mga tao ay mahihirapan mamuhay kapag wala na ang likas na
yaman.
19

PICTORIAL ESSAY

(Sanaysay na Larawan) - isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang


partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin
at mga konsepto sa pinakayapak na paraan.

LAYUNIN:

•Makilala ang mga katangian ng mahusay na photo essay

•Malagyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa photo essay

•Mabahagi nang pasalita sa klase ang isinulat na photo essay;

•Makasulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalang sulatin

•Makabuo ng photo essay batay sa maingat, wasto at angkap na paggamit ng wika, at;

•Maisaalang-alang ang etika sa sinusulat na photo essay.

Ito ay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang mga litrato.

MGA DAPAT TANDAAN:

Siguraduhing pamilyar ka sa paksa.

Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mambabasa.

Kilalanin kung sino ang mamababasa.

Malinaw ang patutunguhan ng Photo Essay.


20

Makikita natin ang tatlong estudyanteng lalake na pursigido at nag hahanda o nag-
aaral nag kanilang leksyon upang mas maiintndihan nila ang susunod na tatalakayin ng
kanilang Guro.

Sila ay may determinasyon sa pag-aaral makikita natin kung gaano sila ka seryoso
sa pag-aaral upang makasagot ng maayos sa kanilang Guro at makakuha ng mataas na
marka para matuwa ang kanilang mga magulang na nakikita na nag-aaral sila ng mabuti
at hindi sayang ang kanilang sakripisyo para maipabuti ang kanilang mga anak at sulit
ang kanilang sakrispisyo.
21

POSISYONG PAPEL
22

Posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa


at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido
pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba
pang dominyo.

- Nangangatwiran at nagbibigay ng paninindigan sa isang partikular na isyu.


- Inilalahad nang malinaw ang mga argumento at pinatitibay ito ng mga malakasang
- Kailangan mananaliksik upang makakuha ng mga salidong ebidensiya.
- Bilang pangwakas may aksyong ginagawa.
- Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyahan.
- Manatili sa mga katotohanan at subukang iwanan ang emosyon.
- Patunayan na ang iyong posisyon ay maayos at sulit na isinaalang-alang .
MGA HAKBANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
PANIMULA -Malinaw na makilala ang pagpapakita ang mga isyu at estado ng posisyon.
KATAWAN - Maaaring maglamang ilang mga talata.
KONKLUSYON - Binubuod ang pangunahing konsepto ideya at pantibay ito nang
walang pag-ulit.

Death Penalty
23

Para sa akin ay hindi ako sumasang-ayon sa Death Penalty, hindi dahil sa ayaw
kong mapanagutan ang mga masasamang two na gumagawa ng mga masasamang gawain
sa ating kapwa, ngunit dahil may mga taong inosente na nagiging biktima na sa hindi
pantay na kustisya, paano na lamang kung maibabalik talaga ang death penaly, at may
mga taong wala naman talagang kasalana at pinagbintagan lamang sila ito diba, namatay
sila na wala naman silang gumawang kasalanan. Ang dapat sana unahin nila ang
pagbibigay nang pantay ng ebidensya na dapat ang tunay na sila talaga ang dapat hulihin.
Sa ngayon, ay mas nakakabuti na lamang ang pagkukulong sa mga taong nakagawa ng
mga masasamang bagay, dahil sa mata ng diyos ay hindi kailanman makatarungan tao,
dahil nakakatakot itong batas na maaring minsan sa pagkamatay ng mga wala hamon
kasalan na nagawa sa kanilang kapwa. Masakit man isipin ngunit ang too dito sa ating
mundo ang mayayaman ang nagkakaroon ng pantay na hustisya at ang nagiging biktima
ay mga inosenteng mamahirap na tao.

LAKBAY SANAYSAY
24

Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang
ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mgalugar.
Kabilang rin dito ang kultura, trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, eksperyensya
mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng isang manlalakbay.

Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin tungkol sa tinatawag na lakbay sanaysay,


ang kahulugan nito at ang kanyang layunin. Alam niyo na ang kahulugan ng tradisyunal
na sanaysay na ayon sa nakasulat, ito ay naglalaman ng madalas ng mga pananaw, kuro-
kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Ngayon, alamin natin kung ano talaga ang lakbay
sanaysay.

Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa personal na
paningin ng awtor at nagpapakita, pinagusapan, at pinag-aarakan ang isang topiko. Alam
na rin ninyo ang dalawang uri ng sanaysay pero uulitin natin dahil ito rin ay maaplay
natin sa paksang ito.

LAYUNIN:

• Ang layunin ng lakbay sanaysay ay ang mga sumusunod:

•Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.

•Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. Halimbawa nito ang daan at
ang mga modo ng transportasyon.

•Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang espiritwalidad,


pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.

Ang ibig sabihin ng Lakbay Sanaysay o Travel Essay sa wikang ingles ay sanaysay
na ang pinanggagalingab ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahan lugar hindi lang lugar
ang tinatampok dito pati na rin ang mga kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao,
damdamin ng isang taong nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong
natuklasan ng isang manlalakbay.
25

Maligayang pagdating sa

pasyalan at dayuhin kagaya ko na isang mamayanan ng lungsod ng Zamboanga City ay


may mga lugar na din akong napuntahan kung Saan ah masasabi kong mapakaganda at
gusto puntahan ulit. Ngunit may mga lugar din hindi ko pa napuntahan at sana nalang
araw ay napuntahan ko, dahil dito pa lang sa among siyudad ay marami na tayong mga
pasyalan na pwdeng puntahan. Isa na sa mga napuntahan o pinupunta namin kada linggo
at ang Fort Pilar Shrine, isa itong sagradong lugar kung saan maraming mga debotong na
pumupunta upang magpasalamat at nagdasal kay Señora La Virgin del Pilar. Ang
Pangalawa ay ang Museum ng Zamboanga na doon mo rin makikita ang mga kasaysayan
na nangyayari noong unang panahon . Pangatlo ay ang Butterfly Garden, na masisilayan
mo talaga makikita ang mga magagandang at iba't ibang ng mga paro-paro maganda rin
maligo at pasyalan ang Pasonanca Park at Pasonanca Pool. At marami pang iba. Ang mga
lugar na hindi ko pa pasyalan at gustong-gusto nang puntahan ay ang mga sumusunod.
Ang sikat na beach na may Pink Sand ay ang Santa Cruz Island. May mga Falls din
kagaya ng Marloquet Falls at Tagbilat Falls, iilan pa lamang ito sa mga tourist spot na
aking nabanggit sapagkat mapakarami pa ang pwdeng pasyalan na lugar maaring
nagiging Favorite tourist spot mo ng na gustong-gusto mong baliktan at mapuntahan ulit.

RESUME AT LIHAM NG APLIKASYON


26

Ang Resume at liham-aplikasyon ang dalawa sa pinakamahalagang dokumetong


kailangan kung mag-aaplay ng trabaho, papasol sa gradwaadong programa sa
unibersidad, mag-aaplay para sa scholarship, sasali sa patimpalak, at iba pa. Sa trabaho,
kailangan ag resume at liham-aplikasyon kung nais makapanayam.

Ito ang nagsisilbing gabay para sa mga kompanya upang makita nila ang mga
background ng mga gustong mag-aaplay sa kanilang kompanya, at para mapili nila ang
karapat-dapat na tao na magiging parte sa kanilang kompanya.

At para din malaman na mga kompanya kung gaano kalaki ang dedikasyon ng
kanilang mga aplikante na maging bahagi ng kanilang kompanya, sa pamamagitan pa
lamang sa pagbabasa ng kanilang resume at liham-aplikasyon.
27

LUCIANO, FRITZY ANGELES

LAYUNIN:

Upang maipamahagi ang mga kaalaman na aking natutunan sa kompanya at mga


kasamahan ko at mapalawak pa ang kaisipan sa napiling kong kurso.

PERSONAL NA IMPORMASYON:

Araw ng Kapanganaka: Setyembre 16, 2003

Civil Status : Single

Nasyonalidad

: Filipino

Edad

: 19 years old

Relihiyon

: Roman Catholic

Pangalan ng Tatay

: Monico C. Luciano

Pangalan ng Nanay

: Victoria A. Luciano

EDUKASYON SA PAMAMARAAN:

TERTIARY:

Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology


28

Bachelor of Science in Education Major in Technology Livelihood Education

SECONDARY:

Talon-Talon National High School

PRIMARY

Mampang Elementary School


29

Fritzy A. Luciano

Estrada del Pilar drive, Mampang

Zamboanga City, Philippines, 7000

955-870-9956

fritzy@gmail.com

Enero 28, 2023

Fishing Corporation

Barangay Talon-Talon, Zamboanga City ,Philippines

Mahal na: Sir/Madam

Gusto ko ipabatid sa inyo na ninanais ko po mag apply sa inyong kompanya, nakita ko sa


inyong Facebook Page na naghahanap kayo ng bagong sekterya noong ika- 26 ng Enero,
2023.

Ako po si Fritzy A. Luciano, na nakapagtapos sa kolehiyo, na may kursong


Bachelor of Science in Education Major in TLE. Isa po akong mapapagkatiwalaan na tao
lalong lalo na sa aking trabaho, lagi ko tinatapos ng maayos ang mga dapat kong tapusin
at isa akong masipag at matiyagang tao. Gagawin ang aking makakaya upang makatulong
pa na maipalago ang inyong kompanya sa pamamagitan na pagbabagi na aking kaalaman
at hindi ko sasayangin ang inyong tiwala na binigay sa akin.

Ako ay lubos na nagagalak na sana sa mga darating na araw ay isa ako sa mga
pinili niyo tawagan at makapag-interbyew.
30

Lubos ng pagsasalamat

Fritzy A. Luciano
31

AGENDA
Agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng
agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang
kailangan nilang pag-usapan. Ang salitang agenda ay maari ring tumukoy sa plano o
tunay na pakay ng isang tao.

LAYUNIN NG AGENDA:

Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensyon.

TANDAAN:

•Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsible sa pagsulat ng agenda.

• Kalihim ang siyang responsible sa pamamagitan nito sa lahat ng mga kalahok .

EPEKTO NG HINDI PAGHAHANDA NG AGENDA:

- Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok.

- Kumukunti ang bilang ng dumalo sa pagpupulong.


32

ITO ANG MGA PUNTO SA PAGSULAT NG AGENDA PARA SA ISANG


PULONG:

-Ipasok ang oras ng pagsisimula at pagtatapos para sa bawat paksa.

-Tiyaking magtabi at magpasok ng oras para sa mga break.

-Magkaroon ng mga kasamahan o ibang mga kalahok na suriin ang iyong agenda.

-Siguraduhing isama ang gawaing paghahanda.

-Tandaan na ipamahagi ang agenda sa mga kalahok bago ang pulong.

Petsa: Pebrero 01, 2023

RE: Talon-Taon National High School

Mula kay: Ma. Theresa B. Borgonia

School Head

Ang aming gusto ipabatid sa inyo na sa Ika- 10 ng Marso, 2023 sa tapat na ala-
una ng hapon ay magaganap ang GPTA meeting. Ang Agenda na tatalakayin sa
nasabing usapin ay ang mga sumusunod :

Agenda:

1. Career Guidance

2. Immersion

3. Ang mga proyekto na dapat isumite sa bawat signatura

4. Ang pag release ng mga card

5. At iba pang mahahalagang usapin


33

Malaking bagay po ang inyong presensya sa nasabing usapin, upang ito’y matagumpayan
natin maipaayos ang nalalapit na pagtatapos ng inyong mga anak sa Senior High.

Lubos po ako nagpapasalamat!

KATITIKAN NG PULONG

Katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala,


rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong. So, para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of
meeting”.

PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG:

1. Ano-ano ang kahalagahan ng mga pulong o pagpupulong sa isang pangkat o


organisasyon.

2. Magbigay ng mga partikular na karanasan ng mga mag-aaral.

3. Bago ang pulong, lumikha ng isang template na siyang susundan at basahin ang
ginawang agenda.

4. Habang nagpupulong, itala ang mga mahahalagang mapag-usapan. Hindi kailangang


itala ang bawat sasabihin ng miyembreo, sa halip ay kuhain lamang ang mga ispisipiko at
mahahalagang detalye o napagdesisyunan.(Makinig, magpokus at magsulat).
34

5. Pagkatapod sumulat, repasuhin ang isinulat. Kung may mga hindi matandaang detalye
ay lumapit sa kinauukulan pagkatapos ng pagpupulong.Ipakita at papirmahan ang pinal
na kopya sa bawat miyembro na dumalo.

Noong ika- 28 ng Nobyembre ng taong 2022. Kami ay inatasan na aming guro sa


asignaturang Filipino, upang matunghayan ay kanilang Masining Pagkukuwento.

Ang Pagkakaisa ng bawat estudyante ng seksyon STEM A sa kanilang Masining


Pagkukuwento na inilaganap ilan sa mga kalahok dito ay napakahusay sa pagbabahagi ng
kuwento at ramdam mo talaga ang emosyon at tensyon, napakagaling ang pagkontrol sa
kanilang damdamin at kung paano nila kunin ang atensyon ng ibang tagapakinig at
tagapanood.
35

Hindi natin matagal sa atin mga puso ang kaba kapag tayo ay magsasalita o
magkukuwento sa harap ng maraming tao pero hangarin natin maipahayag ang kwento
nais natin ipamahagi sa iba. Ang mga bawat nakilahok ay may kasamang nerbyus sa
kanilang damdamin, ngunit ginawa parin nila ang kanilang makakaya upang maipakita
ang kanilang determinasyon sa pagsasalita at pagbabahagi ng Masining Pagkukuwento.

PANUKLANG PROYEKTO
Proyekto tumutukoy sa tao o organinsasyong nagmumungkahi ng. Isinulat dito ang
adres, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon.

KAHULUGAN AT KALIKASAN:

• Ang panukalang proyekto ay tinatawag sa ingles na project proposal. Isinusulat ito ng


mga taong naninilbihan sa pampulitiko o pribadong kompanya.

• Ang layunin nito ay manghain ng panukalang gawain na may layong makapagbigay ng


dagdag kita, mga aktubidades upang mapaunlad ang pamayanan, trabaho at iba pa.

• Nakasalalay sa konteksto ng instituayong paghahainan anyo ng isang panukalang


proyekto (Gracia, 2016).

KAPAKINABANGANG DULOT NG PANUKALANG PROYEKTO:

- Makapagbibigay ng benepisyo sa parehong panig.


36

- Magkakaroon ng pagpapahalaga sa ikauunlad ng bawar is.

- Napapapunlad ang kakayahang mag-isip at maghanda ng mga gawaing kapaki-


pakinabang.

- Nasusubukan ang nagtatakang gumawa nitoabh kaniyang pagiging malikhain


atkakayahang humikayat.

PAMAGAT:

COASTAL CLEAN-UP

Deskrispsyon:

Ang Coastal Clean- up ay isang aktibidad kung saan ang pangunahing layunin ay
linisin aang ating dagat, upang sa ganoon ay mapanatilihin ang kalinisan na nararapat sa
atig karagatan dahil ang ating karagatan ang isa sa mga pinagkukunan natin na likas na
yaman, kagaya na lamang ng mga isda na siyang nagiging pangunahing pagkain o
pangangailangan natin sa pag araw-araw lalong-lalo na sa mga tao nakatira malapit sa
dagat.

Ang Coastal Clean-up ay isang rin programa sa isang komunidad upang


matutunan ang mga kung ano ang magiging masamang epekto kung itatapon nila ang
kanilang mga basura sa dagat at pati narin ang epekto nito sa ating kalusugan. Sa tulong
37

nito ay mabibigyan natin ng kaalaman ang mga bawat tao kung ano ang pwede at ang
hindi pwedeng gawin sa karagatan.

MGA TIYAK NA LAYUNIN:

- Mapapaganda natin ang ating kalikasan

- Maiwasan ang kontaminasyon sa pagkain

-Maiwasan ang Fish kill o Red Tide

-Maging masagana ang ating karagatan

-Mapangalagaan at mapanatili ang malinis na karagatan

-Mailigtas ang mga likas na yaman para sa susunod pa na henerasyon na


dadating.

PROSESO:

-Ipaalam ang nagsabing proyekto o programa sa nga miyembro ng Barangay.

-Managawan sa mga tao sa komunidad na sumali sa gagawing proyekto.

-Magsagawa ng isang pagpupulong upang maipaalam sa kanila ang mga


layunin ng nasabing proyekto.

KABUANG BADYET NG PROYEKTO:

Pagkain Php 500.00

Tubig Php 500.00

Sako Php 100.00

Dusk Pan Php 150.00

Walis ting-ting Php 200.00

Total: Php 1, 450.00


38

IMPLEMENSTASYON AT ISKEDYUL:

Gawain Iskedyul

Coastal Clean-up Ika-12 ng Nobyembre,


2022 ( 6:00 - 9:00 ng
umaga)

Pagkain para sa mga Ika-12 ng Nobyembre,


dumalo 2022 ( 10:00 - 11:00 ng
umaga)
39
40

You might also like