You are on page 1of 1

MELITANTE, NICHOLET ANGEL L.

REPLEKSYON
STEM191 PAGBASA AT PANANALIKSIK

Sa buong termino, nagpapasalamat ako na nakuha namin ang


subject na Pagbasa at pananaliksik. Totoo na may Komunikasyon
kami noon, ngunit sa paksang ito talagang natutunan namin nang
lubusan ang bawat aralin. At dahil mahilig ako sa pagsusulat ng
sanaysay, ang pag-aaral at pagiintindi ko sa mga iba't ibang
aralin ay higit na nakatulong sa akin dahil nais kong pagbutihin
talaga ang aking kakayahan mula noon pa. Tunay na hindi ako ganon
kahusay sa mga asignaturang Filipino kaya't ang pagsasama-sama ng
Filipino sa pagsusulat ay nakakatulong sa akin ng mahusay. Dahil
kay Bb. Amongol, mas natuto akong magsulat ng sanaysay sa paraan
ng paggamit ng kohesiyong gramatikal pati na rin kohesib. Hindi
ko masasabi na madali lamang ang subject na ito, ngunit masasabi
ko na mas lalong lumawak ang aking kaalaman pag dating sa
pagsusulat ng sanaysay. Laking tulong din ang pagsasagawa ng mga
pangkatang gawain dahil ito ay isang magandang paraan upang
makipagtulungan ang mga mag-aaral lalo na sa palagay natin
ngayong pandemya. Nagpapasalamat ako sa aming nirerespetong
adviser na si Nanette Amongol sa lahat ng kaniyang sakripisyo
para lang maabutan kaming mga mag-aaral.

You might also like