Galo Xander B

You might also like

You are on page 1of 1

Galo Xander B.

STEM191
November 6, 2020

Pagbalik ng Anime telebisyon sa hapon

Nung ako ay bata pa natatandaan ko ako ay nanunuod ng Naruto Shippuden. Isang


anime na mayroong mga ninja at ginagamit nila ang kanilang chakara parang superpowers. Ako
ay bilib na bilib dito dahil sa komplikado at malupet na fighting scenes at dahil sa anime na ito
ako’y ginanahang gumuhit. Ang anime ay isang uri ng kartun na mayroong mas mataas na
antas kaysa sa tradisyonal na kartun, gumagamit ito ng makatotohanan na karakter at
magagandang eksena para sa mga manunuod. Ito ay nagmula sa mga Hapon.
Dito sa Pilipinas, sikat ang anime. Ito ay isa sa pinaka kilala at lubos na inaasahang
palabas para sa kahit anong edad. Bawat kaibigan ko ay may alam na anime kahit itanong mo
ang Naruto na pinapanuod ko dati, alam din nila iyon. Ngayon, madami na akong alam at
pinapanuod na anime. Subalit ako’y napaisip, bakit hindi na ipinapalabas ang anime sa
telebisyon tulad dati?
Bakit nga ba nararapat na ibalik ang pagpapalabas ng anime sa telebisyon? Una,
maraming kabataan ang mahilig manuod nito. At sigurado ako na hindi lang mga kabataan
kundi pati may edad na ay gustong subaybayan ang mga kabanata ng paborito nilang anime.
Nagdudulot ang panonood nito ng pakikisalamuha ng bawat manunuod upang pag-usapan ang
mga karakter at pangyayari sa palabas. Madaming nabubuong pagkakaibigan at kung minsan
ay mga relasyon sa pagitan ng mga manunuod. Bukod dito may magagandang mensahe ang
kuwento at kinapupulutan ito ng mga magagandang aral na nagtuturo sa mga manunuod ng
pamumuhay, kultura at tradisyon ng mga Hapon at iba pa. Ito rin ay nakakapang-engganyo sa
mga kabataang mahilig gumuhit at gusto ng trabaho sa animation.

Reference:

Our Pastimes (2017) “The Good Effects of Anime on the Viewers” https://ourpastimes.com/how-
to-become-a-futanari-artist-12119166.html

Bartleby research (n.d.) “Effects On Watching Anime On Individual Habits And Attitudes”
https://www.bartleby.com/essay/Effects-on-Watching-Anime-on-Individual-Habits-
FK388YSX73GEY

You might also like