You are on page 1of 11

Mga batikang artista na Aking

hinahangaan
#001 | Johnny depp

Ang unang batikang artista na aking hinahangaan ay si Johnny Depp.


Simula ng nahilig akong manuod ng mga penikula panay kona siyang nakikita ngunit
hindi kopa kilala ang kanyang pangalan noon sapagkat noong bata pa ako ang
natatandaan kolang ay ang pangalan ng karakter na ginagampanan niya at sa galing
niyang umarte akala ko noon ay magkakamukha lamang ang mga tauhan sa mga
penikula.
Nalaman ko palang na halos sa mga penikulang napanood ko noon ay isa lamang ang
gumaganap noong napanood ko ang penikulang “Pirates of the Caribbean” dahil bago
magsimula ang palabas pinapakita muna nila kung ano-anong penikula siya kilala at doon
ko palang napag-isipan na isa akong tagahanga niya dahil simula noon lahat ng penikula
niya ay pinanood kona at tinangkilikan kona dahil alam ko na kapag siya ang bida o
kontrabida tiyak na maganda ang magiging resulta.
Johnny depp | penikulang tinangkilikan ko sakanya

“Pirates of the cariBbean: Curse of the black pearl”


Si Cpt. Jack Sparrow ay isang kilalang Pirata ay dumayo sa Port Royale na
matatagpuan sa Caribbean ng walang barko at walang mga tauhan. At sa sobrang
kamalasan niya nung kagabihan ay nilusob ng mga pirata ang Port Royale at kinuha ang
anak na babae ng Gobernador na si Elizabeth sapagkat ang hawak na pilak nito ay
maaring makakatulong sa paghanap ng kasagutan sa kababalaghan kung bakit
nabubuhay parin ang mga pirating ito kahit na patay na sila. Sa tulong ni Will Turner
isang Panday na umiibig kay Elizabeth sila ni Jack Sparrow ay susundan ang mga
piratang kumuha kay Elizabeth.
Johnny depp | kataga/linyang tumatak sa aking kaisipan

“If you were waiting for the opportune moment, that


was it.”
Ang kadahilanan kung bakit tumatak ang linyang ito sa akin ay dahil sa parte ng
penikulang ito dahil ang karakter nila Will at Elizabeth ay nagkatagpo na at
nagkaharapan na ang dalawa ngunit si Will ay wala padding ginawa at sinabi ni Jack kay
will ang linyang ito parang pahiwatig na kapag wala pa siyang ginawa sa pagkakataon
nato pagsisisihan niya ito, tumatak ito dahil namulat ako na kapag dumating ang
pagkakataon dapat hindi kona palalampasin ito dahil mas mabuti ng gawin ko ang nais
kong gawin kesa sa pagsisihan koi to sa huli at kung hindi pumanig sa nais ko ang resulta
gagawin ko nalang aral ito para sa susunod alam kona ang dapat gawin ko.

#002 | Robert downey jr.

Ang susunod na artistang aking hinahangaang artista ay si Robert Downey Jr., ngayon
siya ay kilala dahil sa pagiging “Iron Man” at doon siya nakakuha ng impluwensya at
tangkilik sa mga tao pero ako hinangaan ko siya dahil sa pagganap niya bilang “Sherlock
Holmes” dahil kakaiba ang pagganap niya sa karakter na iyon dahil makikita mo ang
katangian ng karakter hindi ng gumaganap at dahil dito mas inaabangan ko lalo kung ano
pang karakter ang bibigyan niya ng buhay at kahit na hindi maganda ang simula ng
karera
niya at madaming kontrobersya ang pumapalibot sakanya isa padin siyang magaling na
aktor at pinatunayan niya na pweding gawing kalakasan ang mga nangyaring masasama
sa buhay natin at hindi magiging hadla ito kung nais natin magbago at mapaganda ang
buhay natin.

Robert downey jr. | Penikulang tinangkilikan ko sakanya

“Sherlock holmes: a Game of shadows”

Noong nakita nilang namatay ang Prinsipe ng Austria, lahat ng mga ebidensya ay
nagpapakita ng nagpakamatay siya. Ngunit si Sherlock Holmes ay hindi naniniwala dito
at nakita niya na pinatay ito at ang pagkamatay niya ay isang parte ng malaking plano ni
Moriarty isang matalino ngunit masamang tao. Kasama ang kanyang partner na si Dr.
Watson at si Gypse ang babaeng niligtas nila kay Moriarty ay inikot ang buong Europa
upang mapigilan ang kanyang plano bago ito makadulot ng malaking problema sa lahat.
Robert downey jr. | Kataga/linyang tumatak sa aking kaisipan

“And i… am… iron man!”

Sa lahat ng karakter na ginampanan ni Robert Downey Jr. ay ang karakter niya na si


Tony Stark o Iron Man at kaya tumatak ang linyang ito ay dahil sa penikulang ito ang
karakter na si Tony Stark ay isang matapobreng tao at mataas ang tingin sa sarili at hindi
marunong magsakripisyo kung hindi makaktulong sa sarili niya ngunit nung binanggit
niya ang linyang ito pinatunayan niya na malaki na ang pinagbago niya at kaya na niyang
i-alay ang kanyang sarili para sa lahat kahit na hindi makakatulong ito sa kanya. At ang
kanyang linyang ito ay naging simbulo ng pagtatapos ng Unang batch ng Marvel
Universe sapagkat sakanya nagsimula ang MCU at sakanya din natapos ito at ang
katagang ito ang huling sinabi niya sa una at huling penikula ng karakter na ito.
#003 | Robin Williams

Ang huling batikang artista ang aking tinatangkilik kahit na pumanaw na ito ay si Robin
Williams, isa din siyang malaking parte ng aking buhay simula ng nahilig akong manuod
ng mga penikula at siya din ang dahilan kung bakit nahilig akong matuto kung paano
magpatawa ng mga tao. Isa din siya sa naging impluwensya kung bakit ako natutong
maghanap ng dapat ikakasaya sa mga problemang hinaharap at kung paano maging
masaya sa buhay at kung paano ibigay din itong kasiyahan na ito sa iba.
Robin Williams | penikulang tinangkilikan ko sakanya

“Hook”

Nung ang kaniyang mga anak ay kinuha ng kanyang dating karibal na si Cpt. Hook, ang
matanda at lawyer na si Peter ay babalik sa kaniyang mahiwagang nakaraan bilang si
Peter Pan. Babalikan niya ang kaniyang nakaraan at haharapin ang mga naiwan niyang
tao sa Neverland kahit na galit ang mga ito sakanya dahil pinili niyang tumanda at
magkapamilya at makipagkasundo sa bagong lider ng Lost Boys na si Ruffio para sa
ikabubuti ng lahat.
Robin Williams | Kataga/linyang tumatak sa aking kaisipan

“To live will be an awfully big adventure.”

Ang linyang ito ay tumatak sa akin sapagkat habang pinapanood ko ang penikula na
“Hook” ay parang naisip ko na ang buhay ay napakalaki at napakalawak para
problemahin ang mga bagay bagay at maging masaya sa mga bagay bagay dahil kahit na
anong mangyari kahit na gusto natin o hindi kahit na panandalian o pangmatagalan ito
ay parte ng pakikipagsapalaran natin at hanggang nabubuhay tayo madami tayong
matatalakay sa buhay na maari nating ibigay aral o ikwneto sa mga susunod na
henerasyon.

You might also like