You are on page 1of 6

John Kenneth C.

Velonta
2014-35737
Humanidades 1

Kritikal Paper Patungkol sa Bayaning Lamanlupa

Usong-uso sa panahon natin ngayon ang mga superhero, lalong lalo na


sa pampelikulang sining na kung saan pumapatok sa mga kabataan at kahit
na matatanda ang mga pelikula ng Marvel. Kahit hindi kasing lakas ng mga
Marvel na pelikula, ang mga Pilipino din ay may mga superhero na gawang
pinoy. Kagaya nalang nina Lastikman, Pedro Penduko, Captain Barbell, ngunit
ang pinakakilala sa lahat ay walang iba kung hindi ay si Darna. Ngunit sa
kabila ng pagkahumaling ng lahat sa superhero genre, alam naman nating
lahat na walang katotohanan ang mga ito. Ngunit paano kung ang isang
normal na tao na kagaya natin ay magkaroon ng superpowers? Magiging
superhero ba tayo na may maskarang nakatakip sa mukha? Sasagipin ba
natin ang mga tao laban sa kasamaan, o tayo mismo ang maging tagadala
ng delubyo? Ito ang gustong i-sabihin ni U Z. Eliserio sa kanyang nobelang
Bayaning Lamanlupa.
Siguro kung tatanungin ang mga tao kung anong gagawin niya pag
nagkaroon sila ng kapangyarihan, isa sa mga halatang sagot ay ang
tutulungan ko ang mga naaapi. Marahil nga ito ang isasagot ng karamihan
kasi sa panahon natin ngayon, napakarami nang superhero movies. Ang

buod nito, magiging superhero ang isang karaniwang tao, hindi pa


nakokontrol kaya magsasanay, pagkatapos ay tutulungan ang mga tao, at sa
huli ay matatalo nito ang kalaban. Clich kung ituring. Dito nakukuha ang
mga

tao

ang

kasingkahulugan

ideya
ng

na

ang

pagiging

pagkakaroon

superhero.

Kung

ng

kapangyarihan

ganito

man,

ay

parang

nawawalan na ng kalayaang mamili ang tao kung ano talaga siya.


Ang pangunahing karakter ng nobela ay si Mo, isang estudyante na
napili ng mga lamanlupa para hatulan ang mga dinakip ng hari. Napili si Mo
dahil nakita ng hari ang kanyang busilak na puso noong nag papanggap ang
hari na pulubi. Halos araw-araw dumadaan si Mo kung saan nandoon ang
hari at halos araw-araw din niya ito binibigyan ng piso. Para kay Mo, walang
kwenta yung piso. Ginagawa lang niya ito kasi nakasanayan na niyang
magbigay ng piso sa pulubi, hindi dahil sa may malasakit talaga siya. Sa
tingin ko maraming mga Pilipino ang maiuugnay ang sarili sa ganitong
nakagawian ni Mo. Isang halimbawa nito ay ang pagsisimba. May mga
Pilipino na nagsisimba dahil mahal nila ang diyos, pero karamihan ay dahil
nakagawian na ito. Mula pagkabata hanggang pagtanda, pinalaki sila ng mga
magulang nila na maging makadiyos, at sumisimba palagi tuwing linggo.
Pagkatapos ng paglalakbay ni Mo sa ilalim, nagkaroon siya ng
kapangyarihan at pumunta sa Alaminos. Doon niya natagpuan ang karakter
na si Elizabeth. Dito pinapakita ang isa pang hindi kaayaayang katangian ni
mo, ang pagiging rasista. Lahat ng mga hinahangaan ni Mo ay hindi maitim.
Pinapakita ditto na si Mo ay isang produkto ng kolonyal na pananakop sa

pamamagitan ng mentalidad. Hindi maipagkakaila na mas maraming mga


Pilipino ang mas nagkakagusto sa mga mapuputi kaysa sa mga maiitim ang
balat. Ang mentalidad na ito ay dulot ng mga mananakop natin. Ang mga
espanyol at amerikano ay may mapuputi na balat. Tinuruan tayo na sila ay
mas nakaaangat kaysa sa atin, sa sarili nating bansa! Hindi lang ito isyu ng
Pilipinas. Maski sa mga kanlurang bansa gaya ng USA, malaking isyu ito.
Napapanahon din dahil isa sa mga Republican na tumatakbo ngayon sa
pagkapangulo na si Donald Trump ay bokal sa kanyang pagkamuhi sa ibang
lahi. Ganito din ang paksa sa natalakay na tulang Si Miss Phathupats.
Isa pang katangian ni Mo ay ang malabisang pagmumura. Iniwan si Mo
at ang kanyang nanay ng kanyang tatay noong bata pa lamang siya. Lumaki
si Mo sa isang tahanan na bugbog sarado ang ilaw ng tahanan. Dinig na dinig
din niya ang palagiang pagtatalik ng kanyang mga magulang. Ang kanyang
amain naman na si Sarhento Bene ay palamura din. Sa ganitong sitwasyon,
ang isang bata ay lalaki talagang may kakulangan sa disiplina. Hindi ko
naman sinasabing hindi mabait si Mo, pero hindi natin maipagkakaila na may
parte sa kanyang pagkatao na hindi kanaisnais. Pero sa totoo lang, hindi na
man bago sa mga Pilipino ang pagmumura kasi isa itong paraan ng mga tao
ng pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa hindi direktang pagsasabi.
Sa nobela ring ito lantaran ang mga karahasan at krimen, lalong lalo
na pag nasa Metro Manila ang karakter. Sa bahay pa lang, may dahas nang
nagaganap, binubugbog ang kanyang ina. Sa kadahilanan ding ito na
gustong matuto ni Mo ng Krav Maga. Sa kanto malapit sa kanila, may krimen

ding naganap, doon nasaksak si Mo. Nangyayari ang mga karasahan sa


storyang ito na para bang sinasabi na normal na balita na ito dito. Pinapakita
lang nito kung gaano ka delikado ang Metro Manila.
Isa sa mga pinakanakuha ang attention ko ay ang buong pagkatao,
karakter at ugali ni Mo. Sa lahat ng pwedeng piliin ng ibaba sa itaas, siya pa
ang napili. Pagkatapos niyang makuha ang kapangyarihan niya, inasahan
kong ipagtatanggol niya lahat ng naapi ng buong puso. Inasahan kong
katulad siya ng mga superhero sa pelikula at mga komiks gaya nalang ni
Captain America at Superman, na namumuhay ng marangal at tumutulong
sa kapwa. Sa halip, si Mo ay nagnanakaw sa mga panahong kailangan niya
ng pera, at sa mga taong para sa kanya ay karapat-dapat na pagnakawan
kagaya nalang ng mga nangongotong na mga taxi driver. Malayong malayo
ito sa pamumuhay ni Superman na nagtatrabaho para magkaroon ng pera
para mabuhay. Si Mo, nagnanakaw na at sa tinutulogan naman niya ay
kumakain, nanonood ng tv at nag iinternet lang. Hindi ito ang ideyal na
gagawin ng isang Superhero, pero kung ating susuriin ang karakter at ugali
ni Mo, pwede natin siyang matawag na Anti-Hero. Ang Anti-Hero ay isang tao
na may kapangyarihan na kagaya ng mga superhero, pero ang ugali ay hindi
katulad ng isang sa superhero. Isa sa mga pinakasikat na anti-hero sa
panahon natin ngayon ay si Deadpool. Ayos lang ba na ang isang taong may
kapangyarihan ay hindi isang superhero, kundi isang anti-hero? Para sa akin
ay oo. Ang mga makapangyarihang tao ay tao pa rin naman. May kalayaan
silang pumili ng kung anong gusto nila. Kung gusto lang nilang manatili sa

kwarto nila at manood ng tv, okay lang sa akin. Kasi kung pipilitin mo ang
isang may kapangyarihan tao na lumaban sa mga masasama, hindi na ito
makatao. Pinipilit mo ang isang tao na isugal ang buhay niya para sa mga
taong hindi naman niya kalila. Para mo lang din pinipilit ang isang tao na
lumaban sa giyera. Trabaho na iyon ng pulis at military na protektahan ang
mga tao, kaya may laya ang isang super human na pumili sa gagawin niya.
Kaya hindi ako naniniwala sa sikat na kasabihang With great power comes
great responsibility kasi nga hindi natin to responsibilidad.
May mga gap at loophole naman akong napansin sa nobela. Nagtaka
ako kasi doon sa parte na lulusubin na ni mo ang Panginoon na nagbalat
anyo bilang president ng Pilipinas. Sinabi niya doon na hindi niya pwedeng
patigilin ang oras kasi kahit mapatigil ni Mo ang oras, ipapatigil lang din ulit
ito ng Panginoon. May kamalian sa sinabi ni Mo kasi pag napatigil na niya
ang oras, hindi makakapag-isip o hindi makakapagpagana ng kapangyarihan
ang Panginoon kasi nga nasa impluwensya siya ng kapangyarihan ni Mo.
Wala naming sinabi sa nobela na may ekspsyon ang kapangyarihan ni Mo
kaya natural lang na gagana ito sa Panginoon. Isa din sa mga napuna ko sa
nobela ay ang kakulangan sa maayos na transisyon sa mga parte ng istorya.
May mga sandali na habang nagbabasa ako naiisip ko Saan na ng aba
ako? o Paano nga nangyari ito?. Hindi masyado nag popokus ang si Prof.
Eliserio sa pagpapaalala sa mga nangyari sa mga mambabasa kasi siguro
inisip niyang isiang upuan lang ang pagbabasa sa librong ito. Binasa ko ang
nobela ng lagpas sampung upuan. Kasi nga minsan napapanganga nalang

ako sa nangyayari kasi di ko maintindihan kung saan nanggaling. Isa pang


parte na hindi mawala sa isip ko ay ang Deus Ex Machina sa huling parte ng
nobela, noong pinagsanib ni Mo ang pagtigil sa oras at pagpapabulag ng
mata. Wala man lang progresyon sa paggamit niya ng kapangyarihan. Para
bang nilagay ang lang iyon para may kahantungan at matapos ma amg
istorya. Parang naubusan ang manunulat ng ideya kung paano ito tapusin.
Sa kabuuhan, nalibang ako at naaliw sa nobela. Kahit na may mga
parte akong hindi nagustuhan, ang nobelang ito ay isang bagong anyo para
sa akin kasi nga ito ang una kong nobelang binasa sa Filipino na ang
kapanahunan ay sa kasalukuyan. Isa itong magandang hakbang para sa mga
nagsisimula pa lamang magbasa ng Filipino na nobela.

You might also like