You are on page 1of 8

Ang nobelang ito ay nagbukas sa talata na ito:

“May tatlong paraan upang mabuhay sa isang wasak na mundo. Ngayon, nakalimutan ko ang
ilan, ngunit isang bagay ang tiyak. Ang katotohanan na ikaw na nagbabasa nito ngayon ay
mabubuhay.”

Iyon ay malinaw na para sa mambabasa. Ang talatang iyon ay nakapaloob sa nobelang, “Tatlong
Paraan Upang Mabuhay sa Nasirang Mundo,” na pinaikli bilang “Mga Paraan Upang Mabuhay.”
Sa kuwento nito na sumasaklaw sa 3,149 na mga kabanata, isang nag-iisang mambabasa ang
nagbasa nito mula sa ika-100 kabanata hanggang sa katapusan. Ang nag-iisang mambabasa ay
pinangalanang Kim Dokja, na angkop dahil ang Dokja sa Korean ay nangangahulugang nag-
iisang anak o mambabasa.

Ano ang mangyayari sa isang nobela kapag ang kuwento ay umalis na sa mga kamay ng may-
akda? Nakakahinga ito, nabubuhay kapag nabasa ito ng isang mambabasa. Gagampanan ng mga
tauhan ang mga papel na inilalarawan sa kanila bilang isang pag-arte sa kanilang sarili sa mga
puwang ng mga pahina na hindi naisulat ng may-akda.

Kinabukasan matapos ni Kim Dokja ang Mga Paraan Upang Mabuhay, walang siyang ideya na
magiging totoo ang nobela na tapat niyang binasa sa loob ng mahigit 10 taon, at mabubuhay siya
sa mundong iyon. Nang sumapit ang 7:00 PM, nagbago ang kanyang mundo at siya’y napunta sa
Mga Paraan Upang Mabuhay na may mala-video game na setting. Isang mabalahibong cotton-
candy na hugis Dokkaebi na nagngangalang Bihyung ang lumabas sa hangin at nagbigay sa lahat
ng senaryo na kailangan niyang malagpasan. Ang unang senaryo ay ang isang Battle Royale
kung saan kailangan nilang "pumatay ng isang anyo ng buhay" upang magpatuloy sa susunod na
senaryo. Ang pagkabigong gawin ito ay nangangahulugan ng kamatayan.

Ang kwento ay ginamitan ng mga pabula, na kung saan ito ang nagpapalakas sa takbo ng akda.
Ang mga kilalang tao sa kasaysayan ay isinulat ng awtor bilang mga konstelasyon, at ang
kanilang mga titulo ay nakaantas sa kung gaano sila kakilala sa mga alamat, mito, epiko, atbp…
Ang mga nilalang na kilala bilang mga diyos sa iba't ibang kultura ay naging mga myth-grade
constellation, ang mga pinakamakapangyarihan sa mga konstelasyon.

Ang mga konstelasyon na ito ay nabuhay na ng daan-daan, libu-libo, at sampu-sampung libong


taon at sila ay nabuo sa pamamagitan ng mga pabula. Pinapawi nila ang kanilang pagkabagot sa
pamamagitan ng pagsali sa mga senaryo sa kuwentong kinahiligan ni Kim Dokja. Ang mga
karakter ngayon ay kilala na bilang mga pagkakatawang-tao at ang mga konstelasyon ay
maaaring mag-sponsor sa kanila kapag napili. Kung ano ang mas makapangyarihang kuwento
ang sumibol sa panahon ng isang senaryo, mas maraming pagkakatawang-tao at mga
konstelasyon ang lumalakas.

Ang mga karakter ay makakakuha ng mga kasanayan sa daan depende sa kanilang mga unang
talento at katangian. Ang mga pagkakatawang-tao ay maaaring magmana ng mga stigma na
ibinigay ng kanilang sponsor na Constellations. Ang mga barya ay maaari ding maging daluyan
ng tagumpay. Iba't ibang tema at simbolismo ang nababanggit, na mahalaga upang mabuo ang
nakakaaliw na kuwento na ito.

Sa akdang ito, may isang natatanging tagapagsalaysay at ito ang dokkaebi. Ang isang dokkaebi
ang tinaguriang magkukuwento ng mga kaganapan na sinasaklaw sa nobela na ipinapakita sa
Star Stream, ang uniberso kung saan ang mga konstelasyon ay nagbubuhos ng mga kuwento na
parang inuubos ang mga palabas na pinapanood nila sa telebisyon.

Dahil si Kim Dokja lang ang nakakaalam ng buong kwento sa Mga Paraan Upang Mabuhay,
nauuna siya kumpara sa iba. Alam niya na ang lahat ng mangyayari, kung nasaan ang mga
nakatagong senaryo, at siyempre kung nasaan makakakolekta ng mga gamit na makakatulong sa
sinuman upang sila’y lumakas.

Ngunit, hindi lang si Kim Dokja ang may alam sa bagong mundong ito. Ang pangunahing tauhan
ng nobelang nabasa niya ay ipinakilala pagkatapos niyang mapunta sa mundo nito. Si Yoo
Joonghyuk, ay isang lalaking tumatayog sa lahat na napakapogi at lakas, ay tinaguriang isang
regressor. Bumalik siya ng 1,863 beses sa nobela. Sa kasalukuyan, siya ay nasa kanyang
pangatlongregression.3rd

Nakagapos sa kapalaran ng pagbabalik pagkatapos ng kaniyang kamatayan, muling nabuhay si


Joonghyuk sa unang senaryo. Sa daan, kinokolekta niya ang kaniyang mga kasama. Mawawala
siya sa kaniyang mga kasama, sapagkat siya ay namatay at babalik muli sa umpisa. Matapos ang
hindi mabilang na beses na may mga taong namamatay sa paligid niya, napagtanto niyang hindi
niya maililigtas ang lahat. Sa pagsubok na ito, napagpasiya niyang huwag bigyan ng pakialam
ang sinumang hindi niya orihinal na kasama sa pinakamaaga, at unang-unang memorya na
naaalala niya. Kung sino man ang humarang sa kanya, agad niyang pinapaslang.

Ganyan ang pagkaalala ni Kim Dokja kay Yoo Joonghyu--- ang paboritong bayani niya sa
akdang ginagalawan niya ngayon, na gusto niyang tularan noong bata pa siya. Si Yoo Joonghyuk
sa kalaunan ay naging isang sikopato na hingil lamang na makamit ang kaniyang mga layunin, at
iyon ay ang maabot ang dulo ng mga senaryo. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, nakasama ni
Kim Dokja ang mga orihinal na kasamahan ni Yoo Joonghyuk at itinipon sila bilang kaniyang
sariling grupo, at ang iilan pa nga ay bago at hindi mga karakter o parte ng orihinal na bersyon
ng nobelang kaniyang kinagisnan. Sumama ang loob dito ni Yoo Joonghyuk, ngunit sa kalaunan
ay naging maging matalik silang magkaibigan na sabay na gusting matapos ang lahat ng mga
senaryo.

Si Kim Dokja ay isang kakaibang karakter. Karaniwan, ang mga pangunahing tauhan ay
nagsisimula na agad sa ginhawa, na kumbaga sa kanilang mga buhay ay hindi sila gaanong
nagdurusa; nagagawa nila ang kanilang mga nais, malayo sa responsibilidad at sa kung ano mang
pagsisi. Kadalasan pa nga, ang isang tauhan ay tila hindi na nababalikan ang punto ng kaniyang
buhay kung saan siya nagsimula, ngunit naiiba si Kim Dokja sa mga katangiang ito--- at ito ang
pinakamahalaga sa kabuuan ng kaniyang karakter bilang isang tauhan ng akdang ito.

Binanggit sa akda na si Kim Dokja ay dating isang manggagawa sa opisina na mahilig magbasa
ng isang webnovel. Sa kaniyang palagay, tinanggap niya nag anito lang ang hahantungan
kaniyang buhay at nagpatuloy na lamang; na masaya na nakilala niya ang kanyang mga
minamahal na karakter na namumuhay sa paborito niyang libro. Bagaman, mahalagang tandaan
na si Kim Dokja ay isang hindi mapagkakatiwalaang tagapagsalaysay. Hindi niya sinasabi sa
kung kanino man ang kaniyang nakaraan bilang isang batang inabuso at sinaktan, sapagkat
pinaniniwalaan niyang hindi na niya kailangang alalahanin pa ang kaniyang trauma. Sa tingin
niya, wala na itong punto at matutuklasan lamang ang nakaraan ni Kim Dokja sa akda dahil
naging mahalagang tema itong nagpapatakbo ng kuwento. Ito na ang nagbigay linaw sa halos
lahat ng kaniyang mga pinaggagawa sa kuwento. Ang kaniyang nakaraan ay may malaking
epekto sa kung paano siya lumaki at namuhay, kumbaga naging bahagi ito ng kaniyang pinaka
ugali na naging daan upang lagi siyang nagdedesisyon na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa
iba. Isa lamang siyang normal na tauhan kung sa tutuusin nung siya ay ipinakilala. Manggagawa
sa isang opisina na wala naman katangi-tanging pagkatao, ngunit bakit patuloy nga niyang
isinasakripisyo ang kaniyang sarili para sa iba? Napaibig ba siya ng lubusan sa mga nakasama
niya sa kuwento hanggang umabot na siya sa punto nan ais niyang alisin ang kaniyang dito para
lang matuloy ang pagsasalaysay? Magulo man ang mga tanong at napakadami ang sagot na
maaring ibigay dito, ngunit ito ay nakatali sa paniniwala at katotohanan na hindi niya kailanman
nakita ang kanyang sarili bilang isang taong mahalaga, na karapat-dapat na bigyang pansin at
alagaan, sapagkat mas nakikita siya ng iba bilang isang target ng pangaabuso o taong gagamitin
para lamang sa paguulat ng balita, ni hindi kailanman bilang kaniyang sarili. Maaring mahal nga
siya ng kaniyang ina, ngunit kaniya bang mapapansin na lubusang naapektuhan si Kim Dokja---
na dahil sa kinalakihan niya ay laging nagtatago at takot na mabugbog?
Sa tingin ko, nagsasakripisyo o nagpapakamatay si Kim Dokja para ipakita ang kaniyang
pagmamahal. Mas gugustuhin niyang isakripisyo ang sarili niya kaysa hayaan ang iba na gawin
ito, kahit na mas pipiliin nilang mamatay para sa kanya, paulit-ulit na sinisira ni Kim Dokja ang
kanyang mga pangako, ang kaniyang buhay para lang makaranas ang kaniyang mga minamahal
ng panibago araw.
Si Lee Sookyung, ang kanyang ina, ang nagsimula ng buong pangyayari kung bakit ng aba siya
nagkaganito. Bagama't hindi siya namatay noong pinatay ni Kim Dokja ang kaniyang ama na
nang-aabuso sa kanilang mag-ina, sinira niya ang kanyang buhay at hindi niya magawang
bumalik pa kasama si Kim Dokja. Masasabi natin na, kay Kim Dokja, ang ina na kilala niya ay
namatay kasabay ng pagkamatay ng kanyang ama, dahil sa mga pagkakamali at desisyon na
pinili niya sa araw na iyon.
Si Kim Dokja rin ay nagkaroon ng malalang buhay at wala sa kaniyang mga kaklase o kamag-
anak ang nakikiramay o nakikisama man lang--- impiyerno kumbaga ang buhay niya tuwing
lumilipat siya sa ibang mga kamag-anak niya. Halata naman sa takbo ng akda, na wala silang
pakialam sa kanya at siya’y inaabuso lamang. Sinasaktan siya ng kanyang mga kaklase,
binabalewala siya ng kanyang mga guro, at hinahabol siya ng mga mambabalita para
pagkakakitaan ang kaniyang buhay, ukol sa nangyari sa kaniyang ina at ama. Ang buong mundo
ay sinasabi na wala siyang kuwenta at walang halaga, na pati si Lee Sookyung ay hindi
magawang bigyan ng ginhawa si Kim Dokja kahit na siya ang ina niya. Bagamat ito ay dahil
alam niyang wala na siyang karapatan tumayo bilang ina ni Kim Dokja, simula nung nilabas niya
ang aklat na naglalaman ng kuwento nilang pamilya, na talagang sumira sa buhay niya at ng
kaniyang anak.

Sa kanilang dalawa, pareho silang namatay sa araw na iyon.

At nang makita ng Alter Han Sooyoung ang na-comatose na katawan ni Kim Dokja pagkatapos
niyang tumalon upang magtangkang magpakamatay, kaniyang napagtanto kung gaano kahalaga
ang librong isinulat niya. Ito ang naging tanging libro na nagpabangon kay Kim Dokja upang
subukang mabuhay muli, kahit na sinabi sa kanya ng mundo na “Mamatay ka na, ikaw kuwenta
at anak ka lamang ng isang mamamatay-tao. Ang “3 Paraan Upang Mabuhay sa Nasirang
Mundo,” ang pamagat ng akdang isinulat ni Han Sooyoung, na noon ay kaniyang kinaiinisan ng
lubos. ngunit ng dahil kay Kim Dokja ay nagbago ang kaniyang pananaw sa sarili niyang akda.
Sa kaibuturan ni Han Sooyoung, nagkaroon siya ng kagustuhan sa katapatan ni Kim Dokja, ang
isa sa mga katangian na gustong- gusto niya magiging mambabasa niya. Ang akda ni Han
Sooyoung ang nagtaguyod kay Kim Dokja na tuluyang mamuhay muli, sapagkat kaniyang
nararanasan sa kaniyang pagbabasa na may kumakausap sa kaniya; na kalaunan ang naging ang
tanging bagay na nagbigay ng rason para siya’y magpautuloy sa buhay.

Ngunit, hindi doon natatapos ang kuwento ni Kim Dokja.


Ang unang pagkakataon na namatay si Kim Dokja ay sa pakikipaglaban sa isang Hari na kung
saan nagawa niyang maging Salvation King. Namatay siya sa unang pagkakataon at sinabi sa
sinuman na hindi siya babalik o maaaring tiyakin sa kanila na babalik siya, dahil sa oras na iyon
ay nabubuhay siya sa mundo ng kanyang nobela. Ang nobela na nilikha para sa kanya, at ang
mga tao sa kanyang buhay at sa loob ng mundong iyon ay hindi niya alam kung saan nagsisimula
at natapos ang kanyang realidad. Wala siyang sinabi kahit kanino dahil, hindi niya sila
pinagkakatiwalaan, dahil sinaktan siya ng mga tao noon at sinabihang mamatay na siya. Bakit pa
kaya siya nabubuhay ngayon? Ang tanong laging tumatakbo sa kaniyang isipan. At habang
nagpapatuloy ang libro, sinisimulan na ni Kim Dokja na pagsama-samahin ang mga tao na tunay
na nagmamalasakit sa kanya, at siya’y nagliligtas ng iba kahit na para lamang ito sa kanyang
sariling mga personal na benepisyo at kahit alam niya na siya’y malakas na, gusto pa rin niyang
patunayan ang kanilang sarili. Alam niya kung paano nakakaapekto ang kaniyang
pinaniniwalaan sa kaniyang mga kasama--- kung kaya’t sila ay na maging mas malakas, naging
mas mahusay, at pakiramdam niya, sa unang pagkakataon, gusto niya silang protektahan.

Sa ika-45 na pagliko, dumating si Shin Yoosung. Hindi siya hinayaan ni Kim Dokja na mamatay
at patuloy na ginawa ang lahat para lang mapalaya siya at bigyan siya ng pangalawang
pagkakataon sa buhay. Marahil ay nakita niya ang kanyang sarili sa kanya at gusto niyang
magkaroon siya ng pagkakataon ng kaligayahan at kalayaan na desperadong isinamo ng batang
Kim Dokja. Nakahanap ng pahinga si Kim Dokja sa kanyang nobela at ngayon ay gusto niyang
palayain si Shin Yoosung.

Noong namatay si Yoo Sangah, si Lee Sookyung ay nagkasakit nang husto dahil sa kanyang
kakayahan o ang kaluluwa ni Lee Hyunsung ay naalis sa Land of Oz. Hindi siya nagpatigil at
hinarap ang imposible, nakipaglaban sa mga konstelasyon at isinusugal ang kanyang buhay na
nakataya para sa kanyang mga kasama. Habang umuusad ang serye ay lumalago rin ang kanyang
mga gawi na nakakasira sa sarili. Patuloy niyang pinapatay ang kanyang sarili kung ang ibig
sabihin nito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga taong sinimulan niyang mahalin na
mabuhay sa sira-sirang mundo sa loob ng akda. Namartilyo na sa kaniyang utak, sa kaniyang
buhay mula pa noong bata pa siya na walang may pake sa kaniya... Maliban sa may-akda ng
nobela, tls123, si Alter Han Sooyoung na umaabot sa nobela.

Ngayong may mga taong pinapahalagahan na siya, si Kim Dokja ay hindi marunong magsabi ng
kaniyang nararamdaman, at hindi marunong magpakita ng pagmamahal sa iba at iyon ay
nagpapagulo lamang sa kanya kaya't itinulak niya ang mga emosyon niya at mabilis na
sinubukang sirain ang Star Stream. Para sa akin, kung sisirain niya ang Star Stream, ito ang
magiging kasabihan niya ng "mahal ko kayo" sa kaniyang mga kasama dahil sa panahong iyon,
malaya na ang lahat, walang kailangang mamatay o saktan ang kanilang mga sarili para lamang
sa isang senaryo.
At dahil laging namamatay si Kim Dokja...
Iyon ang paraan niya ng pagsasabi ng "mahal ko kayo" kahit na ginagarantiyahan nito ang
pagbibigay ng trauma at takot sa kanyang mga kasama para sa kanya. Dahil ang huling
ginawang pagiging ina ni Lee Sookyung para kay Kim Dokja, kaniyang sinira ang relasyon niya
kay Kim Dokja at sa pagiging "mamatay tao" niya, pagsisinungaling hindi lamang sa lahat sa
mundong iyon at sa kanyang anak, kundi pati na rin sa kanyang sarili. Ito ang kanyang huling
kasabihan ng "mahal kita" kay Kim Dokja habang siya ay kinaladkad palayo sa bilangguan.
Si Kim Dokja, sa kaibuturan, ay naniniwala na siya ay hindi mahalaga kahit na tinitiyak niya sa
kanyang sarili na siya ay importante dahil sa kaniyang katalinuhan. Ngunit kapag nakita niya ang
isang sitwasyon na kahit siya ay hindi makahanap ng isang solusyon, siya ay nagpapakamatay
para sa kanila. Hindi siya magdadalawang-isip na tumalon sa panganib kung ang ibig sabihin
nito ay iligtas ang tanging mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Ang pinakanagsasabi ay sa panahon ng Demon King Selection. Kung saan ang hinulaang
pagkamatay ni Kim Dokja ay sa pamamagitan ng kanyang "pinakamahal/pinakamahalaga na
tao" at nang malaman ito ni Kim Dokja at makita niya si Yoo Joonghyuk na handang isakripisyo
ang kanyang sarili.

Nagtataka ako, kung naramdaman ba niya ang pagkislap ng pagkakasala sa kanyang mga mata,
dahil kahit noon pa man ay alam niya na si Yoo Joonghyuk ay nagdusa ng 1863rd turns upang
panatilihing buhay ang isang mambabasa, at iyon ang dahilan kung bakit sinabi niya kay Yoo
Joonghyuk na mabuhay kahit na si Kim Dokja ay ang pinakamapagkunwari na tao sa mundo.
Dahil, kay Kim Dokja, si Yoo Joonghyuk lang ang nagbigay kay Kim Dokja ng dahilan para
mabuhay at huwag tumalon.
Noong naging Demon King siya, hindi siya umatake. Pinanood niya ang kanyang partido na
umiiyak at papatayin siya at kahit na pagkatapos ay tila masaya siya. Babalik siya sa kalaunan
ngunit sa sandaling iyon, ang insidenteng ito ay malamang na sa wakas ay nagpaputok ng bala sa
kanyang ulo na iiyak na ang mga tao kapag siya ay namatay.
At iyon ang nagbunsod sa kanya na gusto niya nang mabuhay. Mabuhay at sa tabi ng kanyang
mga kasama, ang kanyang pamilya.
Makikita ito sa Remake of Journey to the West kung saan nakipag-deal siya sa Wenny King o
Secretive Plotter para maging isang Outer God kung hindi niya matutupad ang mga
kinakailangan kapalit ng kanyang pamumuhay. At nang sa wakas ay naging isang Outer God,
makikita mo kung gaano niya kagustong makasama sina Lee Gilyoung, Shin Yoosung, Yoo
Joonghyuk at lahat ng iba pa. Patuloy niyang ginagawa ang mga mapanganib na opsyon para
hindi na ito kailangang gawin ng kanyang mga kasama. Tatapakan niya ang matitinik na daan
upang mabuhay ang kanyang mga kasama.
At umabot pa iyon sa pinakahuling mga eksena sa libro. Dalawang pangunahing punto:
A.) Humiwalay si Kim Dokja at iniwan ang sarili sa subway.
B.) Na-coma si Kim Dokja.
Parehong pareho ang pag-asang guguho ang mundong tirahan ng kanyang pamilya kung walang
mangangarap para sa kanila.
Kung bakit handa si Kim Dokja na bigyan ang kanyang pamilya ng isang avatar na may 49% ng
kanyang memorya upang kahit sa espiritu, makasama niya sila. At siya ay makasarili dahil, gaya
ng mabigat na sinabi noon, sila ang mga unang taong nagmamalasakit sa kanya. Kaya
pinanghawakan niya ang 2% ng kanilang paglalakbay malapit sa kanyang dibdib habang patungo
siya sa kanyang kamatayan sa malungkot na subway na iyon.
Kung bakit hinati ni Kim Dokja ang sarili niya para lang hindi masira ang mundo ng mga
kasama niya. Isang suicide mission. Siguradong nabigla siya na mahal na mahal siya ng mga ito
kaya balewalain ang buong uniberso para sa kanya at nakaramdam ng kawalan ng magawa.
Dahil kahit na mahawakan nila siya... Mapahamak sila at mag-isa lang siya.
Ano ang kanyang huling sandali habang mabilis niyang hinati ang kanyang sarili, ang kanyang
pagkakasala habang iniisip niya ang kanilang mga mukha sa huling pagkakataon at ang kanyang
walang magawa na pagtawa na hindi siya makapaniwala kung gaano kalokohan ang kanyang
mga kasama.

Ang kaligayahan niya na may nagpapahalaga sa kaniya na nauwi sa takot na mamatay sila.
Ang lungkot niya na hindi siya makasama at ang galit niya sa mga ito dahil hindi siya nakuntento
sa 49%... Ang hiya niya kapag kumapit siya sa 2%... Ang pangako niya ay patuloy niyang
sinisira.
Gusto niyang mabuhay, kahit noong mga araw na iyon sa senaryo kung saan siya nag-stay sa
Kim Dokja's Company, gustong tumira ng kasama sil aat mamuhay sa mundong unti-unting
gumagaling.
Kaya't siya ay kukuha ng anumang pagkakataon upang hayaan silang mabuhay at marahil ay
umaasa, sa baluktot na mundong ito, makakasama niya sila. Kaya't natutulog siya bilang Pinaka
Sinaunang Panaginip at pinapangarap silang maging masaya at naghihintay na magising.

Ito ay tila mahaba na kuwento. Ang Omniscient Reader's Viewpoint, na itinalaga ng mga
tagahanga bilang ORV, ay sumasaklaw sa 551 na mga kabanata. Mayroon itong maliit na bilang
ng mga kagiliw-giliw na karakter. Maaaliw ka para sa kanila, magagalit ka, at pagkatapos ay
masasaktan sa huli. Napakasalimuot ng kwento. Ginagamit ang iba't ibang kilalang tauhan, mula
sa mga alamat na makasaysayang tao sa Korea, hanggang sa mga sikat na character sa Intsik na
mito, hanggang sa diyos ng Olympia tulad nila Hades, Poseidon, at Zeus. Hindi man lang
nakaligtas si Thor ng Asgard na naging parte na din ng malawak na kuwento ng nobelang ito.
Napakaraming nangyari kaya nahihirapan akong tapusin ang pagsusulat ng pagsusuring ito. Ang
tumagal sa akin ay ang pagsasamahan ng mga karakter, ang pakiramdam ng pangungulila sa
isang taong nawala sa iyo, ang sakit kapag ang isang tao ay hindi nakakaintindi at gumagawa ng
maling desisyon, ang masarap na pakiramdam kapag may inaasahan kang magandang balita.
Kapag silang lahat sa wakas ay magkakasama na ang lahat ng gusto mo hanggang sa huli.

You might also like