You are on page 1of 2

PAGSUSURING BASA 

     
Pamagat:
“Ang Tundo Man May Langit Din” ang naging pamagat ng nobela dahil ipinapakita dito ang
kalagayan ng isang mag-aaral na nangarap na maging isang titser sa kabila ng kawalang pag-asa
na hatid ng Tundo na kanyang tinitirahan.Umahon siya at nakamit ang kanyang mga pangarap.
Sinasaad dito na may pag-asa at pangarap pa rin sa lugar na yaon kahit na marami sa atin ang
nakakaalam na ang Tundo ay nagtataglay ng kaguluhan.
May-akda:
Si Andres Cristobal Cruz ay isang makata, nobelista at kwentista. Siya ay isa ring pintor.
Nagkamit siya ng TOYM o Ten Outstanding Young Men Award, Republic Cultural Heritage
Award, Araw ng Maynila Award atGawad Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.
Siya ay nagging Assistant Director ng The National Library at nagretiro bilang Career Executive
Service Officer, Rank II. Matapos ang mahigit na dalawampung taong paglilingkod sa gobyerno,
siya’y kasalukuyang vice-chairman ng Pamabansang Komite sa Wika at Pagsasalin ng National
Commission for Culture and the Arts at kolomnista sa Isyu.
Mga Tauhan:
Victor Del Mundo – Siya ay nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para
sa kanyang Tundo.
Alma Fuertes- Siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang simpleng buhay lamang. Siya ay
naniniwala rin na ang  Tundo man ay may langit din at ang langit ng kanyang daigdig ay si
Victor.
Flor- Siya ang dating minahal ni Victor na hindi naniniwalang ang Tundo man ay may langit din
Tonyo- Siya ang ama ng dinadala ni Flor
Chabeng- Siya ang tunay na asawa ni Tonyo
Lukas – Siya ang nakatatandang kapatid ni Victor
Pasing- Siya ay isang weytres na nakamabutihan ni Lukas
Aling Sion- Siya ang tahimik na ina nina Victor at Lukas
Mister Fuertes – Siya ang ama ni Alma
Misis Fuertes- siya ang ina ni Alma
Dolores- Siya ang dating katulong nina Alma
Pocholo – Siya ang kapatid ni Alma.
Monching- Siya ay may matindingin kay Alma
Minnie – Siya ang pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama
Nick- Siya ang kapatid  ni Minnie
Paeng Gasti, Tatong Bamban, Pilo- Sila ang mga kaibigan ni Lukas
 Buod:  
May mga suliraning kinaharap ang pangunahing tauhang  si Victor del Mundo. Ang unang
suliraning hinarap niya ay ang suliraning panlipunan. Ipinapakita rito ang mga naging problema
nya sa pagtatapos ng pag-aaral at pagtatrabaho. May suliranin din siyang pansarili at ito ay ang
kaniyang mga nararamdaman para kay Flor at kay Alma. Ngunit sa huli ay naliwanagan na siya
at napagpasyahan nyang paksalan si Flor. Ang mga suliraning ito ang naging susi nya upang
patunayan na nag Tundo man ay may langit din.
Reaksyon:
"Ang pagwawalang-bahala sa loob o labas man ng iskuwelahan ay isang pagpapakamatay."Ang
linyang ito ay sinabi ni Victor na sadya namang tumatak sa aking isipan. Ipinapakita rito na ang
mga salitang "bahala na" ay wala sa kanyang bokabularyo. Talaga namang kahanga-hanga ang
kanyang ipinakita. Dahil sa kanya, natutunan ko ang isang bagay. Ito ay ang pagiging
responsable hindi lamang sa paaralan kundi kahit saan. Ang taong may responsibilidad ay may
paninindigan at may pananagutan. Kaya naman kung may pakialam ka sa mga bagay-bagay,
hindi mo kailanman masasabi ang mga salitang "bahala na". Nasaksihan ko rin na ang tunay na
pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Kahit ano pa man ang mga maaaring maging hadlang, patuloy
pa ring nagtatagumpay ang mga nagmamahalan. Sadyang marami kang matututunan kapag
nabasa mo ang nobelang ito. Marumi, Magulo, Squatter at Maraming tao... Ito ang mga sinagot
sa akin ng mga taong aking kinausap nang tanungin ko sila kung ano ang una nilang maiisip
kapag narinig ang "Tundo". Sa aking palagay, kahit na ikaw ay sasang-ayon din. Ngunit sa kabila
nito, napatunayan pa rin ni Victor na kahit ganoon ang kanilang lugar, hindi pa rin ito naging
hadlang sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Ang pag-asa ay nananatili pa rin sa kanilang
mga isipan. Ito ang ugali ni Victor na karapat-dapat lamang tularan. Naantig ang aking puso at
napukaw ang aking isipan nang mabasa ko ito. Pag-ibig ang nangingibabaw sa nobelang ito kaya
naman ako ay nagalak dahil ako ay ang tipo ng mambabasa na mabilis tangayin ng damdaming
nangingibabaw sa akin sa tuwing ako ay nagbabasa. Kaya naman kung ang eksena ay
nakakakilig, ako ay talaga namang kinikilig. Kapag ako ay natatawa, ako ay humahagikgik. Kaya
maraming nag-akala na ako ay nasisiraan na ng bait sapagkat ako ay tumatawang mag-isa o
kaya naman nagpapakita ng kakaibang kilos. Talaga namang hinahangaan ko si Andres Cristobal
Cruz dahil nakalikha siya ng isang nobelang gumising sa aking damdamin.
Rekomendasyon:
Sa isang kwento, madalas ay maganda ang pagtatapos nito. Kaya naman ako ay nagsasawa na
rin sa ganitong klase ng istilo ng panitikan. Nais ko naman maramdaman ang matinding
panghihinayang, pagka-inis o pagkalungkot kapag nabasa ko ito ngunit magugustuhan ko ang
paraan ng pagtatapos ng kwento.

Ipinasa ni: John Erick Matthew C. Malan


Ipinasa kay: Carmina Sasis

You might also like