You are on page 1of 10

Isang Proyekto na kinakailangan para sa kursong:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Isang pagsusuri sa Maikling Kwentong Ang Huling Hiling Hinaing at Halinghing ni
Hermano Huseng ni Pat Villafuerte

I. INTRODUKSYON

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang


maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Ito rin ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring ilang
tauhan. Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at
talatang binubuo ng may akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayanan bilang isang
alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang langyayari sa buhay ng pangunahing tauhan,
makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.

Ito ay likha ng bungang isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o
maaaring mangyari.

Mayroon din itong mga layunin at ito ang mga sumusunod;

1. Manlibang sa mga mambabasa.

2. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.

3. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.


Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango
ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga
bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Ang maikling kwento ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling panahon lang ang
ginugugol, agad itong matutunhayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.
Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga
kastila sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi o mga kwentong bayan.
Tinetema sa kalikasan at diyos-diyosan at mga pangyayari sa buhay ng tao.

Hanggang sa kasalukuyan ay maraming maikling kwento ang nagwawagi at patuloy na


nagwawagi sa pagsulat nito. Marami na ring kwentk ng nagbigay aral sa mga
mambabasang Pilipino.

Ang maikling kwento ay tulad din ng ibat' ibang genre ng Panitikan ay mayroon ding
mga uri at ito ang mga sumusunod:

1. Kwento ng Tauhan

2. Kwento ng Katutubo

3. Kwento ng Kababalaghan

4. Kwentong Bayan

5. Kwento ng Katatakutan

6. Kwento ng Katatawanan

National Book Award para sa pagsasalinwika.

1.2 Uri ng Maikling Kwento.

Ang kwentong Sa Lupa ng Sariling Bayan ay mauuri sa kuwento ng tauhan dahil


binibigayng diin nito ang katauhan ng pangnahing tauhan at inilalarawan nito ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang gumaganap sa kwento.
Pat Villafuerte

Si Patrocinio F. Villafuerte ay isang guro at manunulat sa Filipino. Sa kasalukuyan, siya


ang tagapangulo ng Departamento ng Filipino. Siya ay Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa
Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong gradwado, Masterado sa Sining ng Pagtuturo
sa Philippine Normal College si Villafuerte. Siya rin ay may titulong Masterado sa Sining sa
Filipino, Gawad Merito, na kaniyang natamo mula saManuel Luis Quezon University. Si
Villafuerte ay guro ng Filipino sa lahat ng antas—elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Siya rin
ay manunulat na may 145 aklat, na ang karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat, sa Filipino.

Si Villafuerte ay nakakamit ng mga sumusunod na mga parangal:

 § Ang kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in


Filipino
 Nagkamit na ng dalawang Presidential Awards sa Malacanang
 Nagkamit na ng dalawang Teacher of the Year Award
 Nagkamit na ng walong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
 Nagkamit na ng sampung Gawad Surian Gantimpalang Collantes
 Naparangalan na ng PNU Alumni Association
 Naparangalan na ng Komisyon ng Wikang Filipino
 Naparangalan na ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL)
 Naparangalan na ng Philexers
 Naparangalan na ng Ninoy Aquino Foundation

Ang kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO


HUSENG ni Pat V. Villafuerte ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa nakaraang ika-52 Don
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Ang kabuuan ng kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI


HERMANO HUSENG ay halos umikot sa tatlong mahahalagang konteksto ng buhay ni
Hermano Huseng, siyang kababakasan na sa mismong pamagat pa lamang ng kuwentong
nabanggit.

Mapapansin sa mga pangunahing pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura


nito, ang kalamnan ng simula ay tumatalakay sa HULING HILING ng pangunahing tauhan
matapos mamatay ang ama nito dahil sa katandaan. Ito ay ayon na rin sa mga nasasaad na
pangyayari sa wakas nito.

Sa kaunting pagsusuri sa nilalaman at estruktura ng simula ay sadyang pansin na pansin ang


pagkapayak nito. Sadyang wala itong ikinaiba sa kumbensiyonal na pagbabalangkas sa panimula
ng isang tradisyonal na maikling kuwento. Sa simula, lantarang naibigay na ang patiyak at
papahiwatig na pagkilala sa buhay o/at paglalarawan sa mga tauhan, lalong-lalo na kay Hermano
Huseng, ang pangunahing tauhan, at sa isang kababatang (ang tagapagsalaysay) may lihim na
damdamin sa kanya.

Ngunit, upang hindi tayo malayo sa kahilingan ng pangunahing tauhan, ipinahiwatig sa


pagwawakas ng panimula ng kuwento ang tunay na dahilan kung bakit ganun na lamang ang
naging kahilingan at damdamin ni Hermano Huseng sa pagtanggap ng huling naiwang yaman ng
kanyang yumaong ama. Ipinahiwatig dito ang kababaan ng pagtingin sa sarili ng pangunahing
tauhan.
Kung mapapansin din, ang kuwento ng simula ay halos may kaugnayan sa kabuuang
nilalaman ng kuwentong Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes, dahil sa kalapitan nito sa
buhay ng pangunahing tauhan at sa buhay ng isang pamilyang Filipino.

Bilang karagdagan, ayon sa isang sayt ang ilang bahagi ng tulang nasusulat sa kuwento ay
mula sa isinulat na tula ni Villafuerte, ang may-akda, na ang pamagat ay "Pagsuko: Isang
Manipestasyon".

Kung susurii man din, mapapansin naman sa isa pang pangunahing konteksto ng mga
pangyayari sa kuwento, kung pag-uusapan ang estruktura at kalamnan ng gitnang bahagi nito, ay
tumatalakay sa Huling Hinaing: Kalatas ng pangunahing tauhan .

Kabababakasan sa bahaging ito ng kuwento ang ilang mahahalagang pangyayaring


nagsasalaysay ng tunay na kinasapitan ng tirahan ng pamilya ni Hermano Huseng, sa tulong ng
matanglawing pagkukuwento ng tagapagsalaysay.

Ang sumusunod ay ang ilang bahagi ng kalagitaang mga pangyayaring nasasaad sa


pangalawang kahilingan ng pangunahing tauhan ng kuwento.

Sa ganoong pagwawakas, isang kamalayan ang tunay na ipinaglalabang prinsipyo at


paniniwala ng pangunahing tauhan. Dito napapaloob ang pagkasangkot ng isang kalatas na
kinapapalooban ng mga hinaing sa buhay-lipunan ni Hermano Huseng.

Ang salitang ‘halinghing’ ay matutunghayan din na ginamit sa tulang isinulat ni Jose


Corazon De Jesus - Biyolin

Sa bahaging ito ng kuwento napapaloob ang mga matitinding pangyayaring bumalikwas sa


harang ng maskara, pagkukubli o kasinungalingan, o ika nga ay dekahong ideolohiya sa buhay,
sa panig ng tagapagsalaysay at ilang tauhan sa kuwento. Laman din nito ang hindi matatawarang
labanan sa panig ng katotohanan at kasinungalingan; maging sa katahimikan at pagbabagong
pansarili sa likod ng karahasan, bali-baling pagkamit ng hustisiya sa lipunan at pagkagising mula
sa hindi mulat na katotohanan.
Ang mabigat pa, ang bahaging ito ng kuwento ang nagbunsod kay Ka Hermana na
magpaalam sa taong kanyang lihim na minamahal. Subalit ito ang sa wari ay magdudulot ng
tunay at hindi matatawarang kalayaan.

Sa ibang banda, sa pagwawakas ng kuwento, hindi man hayagang sinabi, ang may-akda ay
nagpa-iral ng kaniyang kalayaang buhayin ang pangunahing tauhang si Hermano Huseng.
Gayunpaman, sa kaniyang kapangyarihan ng panulat, kinitil niya ang tauhang pinakamamahal ng
pangunahing tauhang nabanggit---na siyang nagbigay pag-asa kay Ka Hermana na ipaglaban ang
kaniyang matagal nang natatagong lihim na damdamin

Paliwanag sa Genreng Pampanitikan.

Ang maikling kwento ay isang masining na, anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pang yayari na kinabibi langan ng isa o ilamg
tauhan, nag-iiwan ito ng isang kakinta kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang itinuturing na "Amang Maikling Kwentong Tagalog.

II. Pagsusuring pangnilalaman

1.1 Buod

Ang huling hiling; “Kinabukasan, inihatid namin sa kanyang huling hantungan ang labi ni Tata
Pulo. Mangilan-ngilan lamang ang nakipaglibing. Ni hindi sumipot ang mga taong natulungan ng
matandang anluwage. Payak na libing ito para sa isang henyo ng paggawa. At sa paglisan ng apat
na magkakapatid ay baon nila ang naiwang yaman ng amang anluwage: Martilyo ang pinili ng
panganay, lagare ang inangkin ng pangalawa, katam ang kinuha ng pangatlo at iskuwala ang
tanging hiling ng bunsong si Hermano Huseng sa kanyang ina.

“Bakit iskuwala?” ang tanong ko kay Hermano Huseng habang inihahatid ko siya sa sakayan.

“Hindi ako kailanman nakatulong kay Ama sa panahon ng kanyang pag-aanluwage. Sa mga
gamit ni Ama, ang iskuwala ang hindi na gaanong ginagamit sa panahong ito hindi tulad ng
martilyo, lagare at katam,” ang sagot ni Hermano Huseng. “Ito lang ang huling hiling ko, masaya
na ako para kay Ama.”
Huling Hinaing: Kalatas

Paglabas ko ng bahay, sinundan ko ang mga yapak sa putikang lupa hanggang sa gilid ng aming
bahay, katapat ng aking hinihigaan. Isang nakarolyong papel ang nakita kong nakaipit sa
kapirasong butas ng dingding: Binasa ko ang nakalahad:

i. Sama-samang pagsigaw Silakbo yaong himig

Sa langit nakatunghay, Ng pusong humihibik.

Sama-samang pagkilos iii. Bawat awit at tula

Sa lupa nakalaan. May tarak ng pagpuksa

ii. Dugo ang itinitik Bawat ningas ay siga

Sa telang inuusig, Sa pugon ng pagluksa.

Kayat ngayon na ang panahon para hubdan ang nakamaskarang mukha ng lipunang pag-aari ng
mapagbalat-kayong mga dayuhan! Ipagtanggol ang karapatan ng mga aping manggagawa!
Isulong ang demokrasyang pipigil sa mapagsamantala’t mapanlait na naghaharing uri! Mabuhay
ang tunay na kasarinlang makapipigil sa karukhaan ng sambayanang Pilipino! Isulong ang
pambansang pakikibaka!
Sa likod ng kalatas ay nakasaad ang ganito: Nasa kalatas na ito ang aking hinaing. Pag-aralan mo
ang isinasaad ng kalatas at ipaliwanag ang kahulugan sa ating mga kanayon. Nasa loob ng
munting baul ang mga polyeto, kasama ang mga kalatas na katulad nito. Ipamudmod mo sa ating
mga kanayon. Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para sa bayan.

Huling Halinghing: Kasal

maghinagpis

1 halinghing, buntong-hininga, bumulung- maghinagpis


bulong, panaghoy, ungot, ingitan:
n: isang pagbigkas, pagpapahayag sakit o
groaning sa paghihingalo. pagsalungat [syn: (halinghing)]

2 magreklamo, v: magpahiwatig ng sakit, paghihirap, o


sama ng loob
bumulung-bulong, angal, objek, sumumpa,
v. tumaghoy, o manangis makalungkot o
mapaiyak o halinghing para sa isang nawala

Nagising ako sa katotohanang hindi nga pala maaaring mangyari ang lahat. Salamat sa iyo na
nagpatibok ng aking puso. Salamat sa alaala. Maramng salamat sa isang napapanahong
pagpapamulat. Paalam.

Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa walang lingon at salit-salitan kong paghakbang.
Kayhaba na ng aking nalakbay. Habang daan, pumapalaot sa diwa ko ang huling saknong ng
tulang sinulat ni Hermano Huseng na ipinabasa niya sa akin kamakalawa ng gabi:

Kaysarap sanang maging malaya kung ang Nasusukat ang ang lakas at giting,
laya’y
Hindi sa lawakang paglusob at pananakop
Di malalambungan ng pagsisisi o pag-
aalipusta. Nakakamit ang laurel at kamanyang,

Bawat makata’y isang laya sa diwa at dugo. Kundi sa loob ng ating sarili.

Bawat diwa’y isang bala ng poot, Laban sa gutom.

Bawat patak ng dugo’y isang punlo ng Laban sa hirap.


dangal.
Laban sa ligalig.
Ngunit,
Laban sa daigdig.
Hindi sa pamumundok,
Sa daigdig ng napasukong daigdig
Hindi sa paghawak ng armas
1.2 Uri ng maikling kwento

Ang maikling kwentong Ang Huling hiling, hinaing at halinghing ni Hermano Huseng ay kwento
ng tauhan.

1.3 Mga tauhan

a. Hermano Huseng – kababata ng nagsasalaysay sa kuwento, bagamat walong taon ang agwat
sa gulang. Bunso sa apat na magkakapatid na pulos lalaki ng mag-asawang Tata Pulo at Nana
Docia, nanatiling binata. Tanging, sa apat na magkakapatid na lalaki ang hindi sumasama sa ama
kapag may batarisan o kapag nangingibang-bayan para mag-anluwage. Mas ginusto pa nitong
magsulat ng mga tula. Mas kinahiligan pa nitong mag-alaga’t magpalaki ng mga itik at bibe.
Malalim ang pananaw sa buhay, maurirat sa mga isyung pulitikal. Laking Tungkong Bato, isang
natutulog na baryo sa San Antonio. Ayon sa paniniwala, ang anak na tumangging humawak ng
pait, katam, lagare at martilyo ay tinawag ng Hermano Huseng

b. tagapagsalaysay - kababata ni Hermano Huseng, saksi ng buong naging buhay ng nasabi.


Bugtong na anak ng mag-asawang maggugulay. Laking Tungkong Bato, lugar sa kuwento –
Cabanatuan, Nueva Ecija. May lihim na pagtingin kay Hermano Husengm Binansagang Ka
Hermana ni Hermano Huseng

c. Tata Pulo - isang anluwage na siyang ama ni Hermano Huseng; isang maestro karpintero ng
kanyang panahon. Namana niya ito sa kanyang ama na namana naman ng huli sa ama ng
kanyang ama

d. Nana Docia- mabait, maalalahaning may-bahay ni Tata Pulo. Namayapa ( mag-iisang taon)
matapos ang halos magdadalawang taon na ring pamamayapang asawang si Tata Pulo

e. Kuya(panganay) ni Hermano Huseng – nakapangasawa ng isang Sebuwanang namasukang


katulong sa tahanan ng isang mayor. Sa munisipyo nagtatarabaho ang

f. Diko ni Hermano Huseng- itinanan ang dalawang taon nitong nobya na taga-Aluwa; sa
bayan na ng babae( May minanang kiskisan ng palay ang babae nang mamatay ang mga
magulang nito at ito ang kanilang pinagkikitaan) nanirahan

g. Sangko ni Hermano Huseng- nagpapakasal na rin sa kasintahan nitong nasa kabilang ibayo
(Maestra sa isang publikong paaralan ang napangasawa nito). Nagtayo ng maliit na tindahan ang
mag-asawa at ito ang kanilang pinalalago.

h. Impong Gande - nagpaanak sa magkababata

i. Tata Roman – nagtuli sa magkababata

j. Ka Santan – isang kasapi sa kilusang binuo o kinaaaniban ni Hermano Huseng

1.4 Tagpuan
III. TEORYANG PAMPANITIKAN

Batay sa aming pagsusuri limang teorya ang namayani sa akda at ito ay sumusunod.

Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga


damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at
tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob
ng panitikan.

Teoryang Pormalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan.

Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon pa ra sa
kanyang sarili na siyang nakasentro sa pananatili sa mundo.

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang
pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.

You might also like