You are on page 1of 2

SHIELA

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng pantikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang diwa sa isip ng mga mambabasa. Ito ay kinapupulutan ng magandang
arat at ginagamit bilang kuwentong pambata.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento”.


Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang Maikling Kuwento at Ang Tradisyong Oral sa Panitikan


Ayon kay Edgar Allan Poe, mayroong tatlong paniniwala sa kalikasan ng tradisyonal na maikling kuwento.

1. Maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan.


2. May binubuong banghay ukol sa isang protagonista o pangunahing tauhan.
3. May nilalayon upang makalikha ng kakintalan.

Kuwentong-Bayan o Sinaunang Salaysay


Nasa anyo ng oral o pasalitang pamamaraan.

Panitikang Bayan
Anyo ng pagsasalaysay na sinaunang anyo ng sining.
a. Alamat
b. Mito
c. Pabula
d. Epiko

Bago pa man naging matatag ang maikling kuwento, may pagtatangka na para mabigyang hugis ang
nasabing anyo.
1. Exemplum o ejemplo (R. C. Lucero, 1994)
2. Cuadro
3. Dagli (1902) o pasingaw (Teodoro Agoncillo, 1965)
4. Pinagdalagan o binirisbis (Bisaya)
5. Instantea o rafaga (manunulat sa wikang kastila)

Ang Maikling Kuwento Bilang Pamanang Kolonyal


Ang modernong maikling kuwento ang “pinakabuso sa mga anyong pampanitikan sa bansa.”
Ayon kay Ronaldo Tolentino (2000), ipinakilala ang anyong ito sa pampublikong edukasyong itinaguyod noong
panahon ng Amerikano.

Dalawang Modelo ng Pagsulat ng Maikling Kuwento ayon kay Rolando Tolentino


1. Guy de Maupassant- paglalagay ng pihit (twist) sa resolusyon ng kuwento at ang paraan ng pagsasalaysay na
eksternal na aksyon.
2. Janes Joyce- paglikha ng tahimik na yugto ng pagkamulat sa wakas ng kuwento.

Ambag ni E. M. Forsters, ang konsepto ng tauhan batay sa pag-unlad nito sa kuwento.


1. Flat Character estereotipo at pasibong tauhan.
2. Round Character dinamiko at aktibong tauhan.

Pamanang kolonyal
1. Ambag naman nina Nathaniel Hawthorne, Herman Melville, at Henry James ang pagdidiin sa mga bagay na
subhetibo at pangangapa sa mga haka imbes sa kilos o aksiyon sa banghay.
2. Kay Ernest Hemingway, ang mga detalye ng realidad na may kahalagahan at kaangkupang pisikal.
3. Kay George Elliot, ang matukoy ang kasangkapang foreshadowing o pahiwatig.
4. Si Emile Zola, ang lunan ay nararapat humulma sa kilos, gawi at pag-iisip ng mga tauhan.
5. Gustave Faubert, nakabatay sa lunan ang kabuuang daloy ng kuwento.
6. Ambag ni O. Henry, ang pinakamagiting na nakagugulat na paksa.

Mga Katangian ng Maikling Kuwento


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan agad ng wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan
Ugat ng Maikling Kuwento

Mitolohiya
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo.
Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga
anito.

Alamat
Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook o panhyayari at iba pa. Pinalulutang din nito
ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

Pabula
Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Bagamat kathang isip lamang ang kuwentong
ito’y walang tiyak na batayan. Naghahatid ito ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay.

Parabula
Ito’y salaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad
ay patalinghaga.

Kuwentong bayan
Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi. Inilalahad din
dito ang mga suliraning hinaharap ng tribu na siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.

Anekdota
Ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayari’y kapupulutan ng aral sa buhay.

Kahalagahan ng Maikling Kuwento


1. Mababasa ito sa isang upuan lamang dahil nangangailangan lamang ito ng kakaunting panahon para matapos.
2. Nagbibigay ng kasiyahan sa isang ato pagkatapos mabasa.
3. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento.
4. Naging isang paraan upang maibalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.

Bahagi ng Maikling Kuwento

Simula
Dito mababasa ang problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Sa bahaging ito ipinapakilala ang ilang mga
tauhan at tagpuan.

Gitna
Kinabibilangan ito ng maikling kasiglahan, tunggalian, at isang dramatikong punto ng kahigitan. Ang kasiglahan ay
nagpapaliwanag sa pansamantalang pagpapakilala sa mg indibidwal na kasangkot sa isyu.

Wakas
Binubuo ito ng kakalasan at katapusan. Dito ipinapakita ang pagbagal ng takbo ng kuwento mula sa kasukdulan,
habang ang katapusan ay ang konklusyon na may masaya o malungkot na kinalabasan. Minsan, hinahayaan ng may-
akda na bukas ang wakas para sa mambabasa na magpasya sa kapalaran ng kuwento.

You might also like