You are on page 1of 5

Pangalan: Kathleen Ann Tia at Angel Domogho

Section: BSED English 1-A

Ang aral na napulot ko sa simula ng semestral at kalagitnaan ng semestral ay


ang tunay na kahulugan ng panitikan. Nakikita dito ang karanasan ng ating bansa. Sa
Kung paano tayo natuturuan ng tamang asal at pakikipag-kapwa sa mga tao. Tulad na
lamang ng bahagi ng panitikan ay ang maikling kwento. Isa ito sa tumatak sa isipan at
damdamin naming bilang mag-aaral. Dahil naipapahayag dito ang saloobin ng bawat
tao. Masasabi ko na malaki ang papel na ginagampanan ng kwentong ito. Kahit maikli
lamang ito pero pagnaibahagi na ng bawat isa ay nabigbigyan ng buhay ang isang
kwento. Dagdag pa dito ang nobela masasabi ko sa puntong ito ang mga nangyayari
dito maaaring nangyayari sa totoong buhay natin. Para sakin malaki na talaga ang
pinagbago ng ating bansa sa ngayon kumpara noon. Dahil dati masaya ang mga tao
sa kung ano ang mayroon sila sa buhay. At ngayon naman ay nagbago ang lahat dahil
sa mga makabagong teknolohiya ng ating bansa. Ni minsan nakakalimutan na natin ang
magmano sa mga Lolo at Lola natin. Yung dating kultura natin ay unti-unting
nakakalimutan ng mga bagong henerasyon ngayon. Natutunan ko na dapat
pahalagahan natin ang yamang iniwan sa atin ng mga ninuno natin. Hindi dapat tayo
nasisilaw sa pera. Dahil sa ngayon pera ang umiiikot sa mundong ito. Lagi nating
tatandaan na mas masarap parin mabuhay sa simpleng pamumuhay kaysa sa
modernong pamumuhay natin ngayon. Ito ang itatak sa isip natin na kahit
napakasimple lang pero napapasaya natin yung pamilya natin sa mga simpleng bagay
at hindi kailangan ng kapalit o kahit anong pilak. Dahil ang totoong nagpapasaya sa atin
ay ang pagmamahalan sa isa't-isa bilang isang pamilya at sa hindi pera.

Bilang pagbabalik aral, natutunan ko na ang panitikan ay nagsasabi o


nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula. Ang panitikan ay may dalawang uri. Ito ay ang tuluyan o prosa at
patula. Ang tuluyan ay nagpapahayg ng kaisipan. Ito’y isinusulat ng patalata. Ang
patula naman ay nagpapahayag ng damdamin. Ito’y isinusulat ng pasaknong.

Mayroong akda ang panitikan at ito ay ang alamat, anekdota, nobela,


pabula,parabola at maikling kwento. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hingil sa tunay ng mga tao
at pook, at mayroong pinagbatayan at kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito
at kwentong-bayan. Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa
kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginawa ng mga tao.Ang nobela o
kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t-ibang
kabanata. Mayroon 60,000-200,000 salita at 300-1,300 ang pahina. Ang pabula ay
isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang buhay ang gumaganap na mga tauhan sa kwento. Ang parabola naman o
talinghaga ay isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinango mula sa
bibliya.At ang pang huli ay ang maikling kwento. Ito ay saing salaysay hingil sa isang
mahalagang pangyayari kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang.isa itong masining na anyo ng panitikan.

Ang mga elemento ng maikling kwento naman ay ang panimula, saglit na


kasiglahan, suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, wakas, tagpuan paksang diwa,
kaisipan, at banghay. Ang panimula ay nakasalalay sa kawilihan ng mambabasa. Dito
rin pinapakilala ang mga tauhan sa kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng
panadaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang suliranin ay
ang problemang haharapin o kinakaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. Ang
tunggalian naman ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, at tao laban sa kapaligiran o kalikasan. At ang pang huli ay ang kasukdulan,
dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban. Ang kakalasan ay ang tulay sa wakas ng kwento. Ang wakas naman ay
resolusyon o kahihinatnan ng kwento. Ang tagpuan ay ang lugar na pinangyarihan ng
mga aksyon o mga insidente.kasama din dito ang panahon kung kalian naganap ang
kwento. Ang paksang diwa ay ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento. At ang
panghuli ay ang banghay na kung saan makikita ang pagka sunod sunod ng
pangyayari.

Bukod sa elemento, ang maikling kwento ay may tatlong bahagi rin. Ito ay ang
Simula, gitna, at wakas. Sa simula ay kabilang dito ang mga tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kwento at
kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaring protagonist, antagonista, o
suportang tauhan. Ang gitna naman ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan. Dito kadalasan natatagpuan ang suliranin ng tauhan. At ang pang huli ay
wakas. Ito ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o tagumpay.

May sampung uri ang maikling kwento. Ito ay ang kwento ng tauhan, kwento ng
katutubong kulay, kwentong bayan, kwento ng kababalaghan, kwento ng katatakutan,
kwento ng madulang panyayari, kwento ng sikolohiko, kwento ng pakikipagsapalaran,
kwento ng katatawanan, at kwento ng pag-ibig. Ang kwentong tauhan ay inilalarawan
ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan
ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Ang kwento ng katutubong
kulay naman ay nabibigay diin sa kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, uri ng
kanilang pamumuhay, at hanapbuhayng mga tao sa nasabing lugar. Ang kwentong
bayan ay naglalahad ng mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan sa buong bayan.
Kwento kababalaghan naman ang may salaysaying hindi kapanipaniwala. Ang kwentong
katatakutan ay naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak. Ang kwento ng
madulang pangyayari ay nagbibigay diin sa kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. Ang kwento ng sikolohiko
naman ay uri ng maikling kwento bihirang isulat sapgkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ang kwentong pakikipagsapalaran
ay nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran. Ang
kwento ng katatawanan naman ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. At
kwento ng pag-ibig ang tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Sanaysay naman ang tawag sa maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kurong may-akda. Ang talambuhay ay isang
anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng tao hango sa mga tunay
na tala. Ang microepic ay nagpapakita lamang ng particular na bahagi. Halimbawa nito
ay tuwaang. Sapagkat ang mesoepic naman ay maraming masalimuot na insidente
tulad ng Labaw Donggon.

Ang Senakulo ay isang dula patungkol sa buhay, pagpapasakit, kamatayan, at


muling pagkabuhay ng Panginoong Heskristo. Isa ito sa mga tradisyon ng semana
santa sa ilang grupong Cristiano.

Panahon ng Kolonyalismo

Ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba upang mapagsamantalahan ang


yaman nito o makuha ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Ang
kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay
maroon pagkakaiba.
Panahon ng Pre- Kolonyalismo

Bago pa man dumating ang mga Kastila, may sariling paniniwala na ang mga iba’t
ibang pangkat etnikong naninirahan sa Pilipinas. Ngunit ang mga kaalaman natin sa
mga paniniwalang ito ay limitado lamang sapagkat kaunti lamang ang mga kasulatan
nagwa tungkol dito dati ang iba ay nawala o kaya’y nasira. May iba sa kanilang
naniniwala lamang sa iisang malakas na Diyos, katulad ng mga pangkat etniko sa
Bukidnon at Zambales. Ang unang pangkat na dumating sa Pilipinas ay ang mga
negrito. Sila ay pandak at maiitim. Ang kanilang hanapbuhay ay pangangaso gamit ang
sibat. Ang ikalwang pangkat ay ang mga Indones. Sila ay matatangkad. Ang huling
pangkat na dumating ay ang mga Malay o Malayo. Sila ang may pinakamaraming
naiambag sa Pilipinas kagaya ng Datu, Barangay, Muski, atbp.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan

Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng kastila. Sa panahong ito unti-unting namulat ang
kaisipang Pilipino. Ang dahilan ng kanilang pagkamulat ay ang paghihintulot sa
pakikipagkalakalan ng pandaigdig nang buksan ang Suez canal. Dito na rin naisulat ang
El Filibustersimo at Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal at La Solidaridad na pahayagan.

Panahon ng Amerikano

Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na kinikilala rin bilang
dantaon ng modernism o panahon ng Instriyalismo. Sa yugtong ito nagkaroon ng
malawakang pagtuklas sa mga imbensyong mga layuning mapadali ang trabaho ng
mga tao at nang sa gayon ay maitaas ang produksyon ng lahat sa industriya. Hindi
liban ang bansa sa pandaigdigang pagbabagong ito. Ipinatupad ng mga Amerikano ang
oryentasyong ito sa konstruksiong ng mga pampublikong daan.

Panahon ng Hapon

Ang panitikan sa panahong ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa


wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga
paksang isusulat. At dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon, nagtipid ang mga
manunulat sa kanilang isusulat laya lumaganap ang tanaga at haiku.

Panahon ng Kalayaan

Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas. Naging paksain ang kabayanihan ng mga
gerilya, kalupitan ng mga Hapon, kahirapan ng pamumuhay noon, atbp. Nagbukas rin
ang palimbagan ng lingguhang babasahin tulan ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, at
Tagumpay.

You might also like