You are on page 1of 2

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga

Piksiyon at ang mga Di-piksiyon na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng


mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang
bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan,
pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.

Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga


tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman
hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga
detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong
kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin
ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga
akdang pang-kasaysayan.
Maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng
nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento."
Mga Elemento
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.


Kaisipan- mensahe ng kuwento.
Banghay- pangyayari sa kuwento.
Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]
May sampung uri ng maikling kuwento:
Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindaksindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa.
Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

You might also like