You are on page 1of 1

Ano ang epiko?

Ito ay isang uri ng panitikang Pilipino na nagsasaad ng kabayanihan at pakikipagtunggalian ng mga


pangunahing tauhan. Ang mga pangyayari sa isang epiko ay madalas hindi kapanipaniwala o mas kilala
sa tawag na “Fiction”. Ang mga karakter ay nagtataglay ng mga katangiang higit sa karaniwang tao at
karaniwang buhat sa lipi ng dyos at diyosa. Ito ay nagmula sa salitang griyegong “epos” na
nangangahulugang ‘awit’. Layunin ng mga epikong magbigay inspirasyon at palakasin ang loob ng mga
mandirigma noong unang panahon.

Tagpuan- Ito ay tumutukoy sa lugar o panahon kung saan naganap ang mga tagpo sa akda. Ito ay
maaraning lugar, panahon, oras, o kapaligiran.

Tauhan- Sila ang mga gumaganap sa kwento at sila rin ang nagbibigay buhay dito. May mga ibat ibang
uri ng tauhan at isa na doon ang pangunahin tauhan. Ang pangunahing tauhan ay naiiba sapagkat siya
ang pinakamahalaga sa akda at madalas sa kanya umiikot ang storya at ang iba namang mga tauhan
(pantulong na tauhan) ay tumutulong lamang sa ikatitingkad ng mga pangyayari sa akda.

Banghay- Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ang pagiging kawili-
wili ng kwento sa mga mambabasa ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunod sunod ng mga
pangyayari. Ang banghay ay maari ring tawaging balangkas at ito ay nahahati sa 5 bahagi; panimula,
saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas.

Tunggalian- Ito ang nagbibigay daan sa mga tagpo na mas lalong nakakapag panabik ng mga pangyayari.
Dito madalas nagaganap ang pakikipagsapalaran o pakikipagtunggalian ng mga pangunahing tauhan, ito
ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kalikasan.

Suliranin-

Panauhan ng panghalip- ito ay mas kilala sa ingles na “point of view”. Ito ay tumutukoy sa kung kanino
or saang pananaw isinalaysay ang kwento at sa kwentong ito ay ikinwento ito sa ikatlong panauhan.

Kaisipan- and kaisipan ay tumutukoy sa mensaheng nais iparating ng kwento. Ito ay maiihalintulad sa
salitang “konsepto” “pananaw” o “ideya”.

Paksang diwa- ito ang pinaka kaluluwa ng isang kwento sapagkat dito nakapaloob ang kabuuan ng tema at
kahulugan ng isang kwento. Ito ay ang damdamin o kaisipang nais bigyang diin sa kwento at kung wala ito ay
walang saysay ang kasulatan.

You might also like