You are on page 1of 2

Elijah Theiresse C.

Balantac Pebrero 19, 2023


Baitang 9 – San Mateo Filipino 9

Sci-Math Camp 2023:


“Marellian’s Integrated Approach in Mathematics, Science and Technology for an
Empowered and Sustainable Future”

Ang Sci-Math Camp ay isa sa mga aktibidad na inaabang at hinihintay ng mga


mag-aaral sa aming paaralan, ang Our Lady of Mercy Academy. Sa ganap na 12:40 ng
hapon ay nagtungo ang mga mag-aaral na makikilahok sa himnasyo ng paaralan.
Nagbigay ng ilang salita si Ginoong Reymond Apurillo upang opisyal na simulan ang
gawaing ito. Sunod ay nagdasal ng taimtim ang bawat isa sa pangunguna ni Judea
Marithe Villanueva. Ito ay sinundan ng talumpating nagbigay inspiration mula kay Bb.
Jasmin Balbastro.
Nang matapos ang talumpati, nagsama-
sama ang bawat miyembro ng labinlimang
grupo. Binigyan ang lahat ng tatlumpung minuto
upang mag-isip ng pangalan at yell ng grupo na
magsisilbing pagkakakilanlan ng bawat grupo.
Pagkatapos nito, sinimulan na ang mga
palarona mayroong ibat-ibang istasyon.
Nararapat itong tapusin ng bawat grupo.
Mayroong mga tanong tungkol sa Matematika at
Agham. Kinailangan ng pagkakaisa at
kooperasyon ng mga miyembro at naipakita
naman ito ng bawat isa. Nakita sa mukha at
halakhak ng bawat mag-aaral na sila at
nasiyahan at mayroong natutunan sa bawat
istasyon na kanilang nilaruan.
Dumapit ang ika-5:30 ng hapon. Nagsimula ng maghanda ang bawat grupo para
sa kanilang mga lulutuin para sa hapunan. Nagtulungan ang bawat miyembro at ang
ibang grupo sa pagluluto. Sa paghahanda ng mga sangkap hanggang sa pagkaluto ng
ulam at kanin, nakita ko ang pagiging masipag at pagtutulungan ng bawat isa. Nang
maluto ang pagkain, sama-samang nagsalo sa pagkain ng adobo at kanin ang mga
miyembro ng grupo.
Naglaan rin ng oras upang maglinis ng mga
gamit sa pagluluto at maghanda sa magaganap na Mr.
and Ms. Sci-Math. Sa ganap na ika – 7:40 ng gabi,
nagtungong muli sa himnasyo ang mga mag-aaral at
guro upang gumawa ng mga damit na isusuot gamit
ang mga recyclable na materyales. Nagkaisa ang
bawat isa sa paggawa ng mga ito. Naipamalas ng
bawat grupo ang pagiging malikhain. Pagpatak ng ika-
9 ng gabi, nagsimula na ang Search for Mr. and Ms.
Sci-Math.
Nakita ko sa kapwa kong kalahok ang kaba at tindi ng paghahanda para sa
kompetisyon na ito. Narinig ko ang bawat hiyaw at palakpak ng mga mag-aaral para sa
bawat kalahok. Naipamalas rin naming ang galing at kuwela sa pagrampa pati na rin sa
pagsagot sa Q and A portion. At ng gabing iyon, pinarangalan ang mga nanalo. Sa
pagpatak ng ika-11 ng gabi, nagpahinga na ang lahat sa kani-kanilang tent.
Pebrero 16, 5:40 am, bumangon na ang mga
mag-aaral. Nagtipon muli sa bulwagan at ginanap ang
morning praise o ang pagdadasal. Nagkaroon rin ng
pag-eehersisyo at zumba upang magising ang diwa ng
bawat isa. Habang ang mga estudyante ay nagliligpit
ng kani-kanilang gamit, inihanda naman ng mga guro
ang pagkaing ipapamahagi sa bawat isa para sa
umagahan.
Nang makakain ang bawat isa, sinundan naman ito ng Group Quiz Bee, dito
naman naipakita ang mga natutunan ng bawat isa sa larangan ng Matematika at Agham.
Nagkaroon rin ng Math Bingo kung saan sabik ang bawat isa sapagkat mayroon itong
premyong salapi.
At nang matapos ang lahat ng aktibidad at
gawain, nagsimula na ang pagpaparangal sa mga
nagkamit ng karangalan, at ang mga grupong nanguna
sa puntos sa mga palaro. Nagbigay naman ng
pangwakas na pananalita si Br. Jose Bart Cancio, ang
direktor ng paaralan at si Gng. Mercy Driz, ang
punongguro ng paaralan. Dito nagwawakas ang Sci-
Math Camp 2023, dito ko naobserbahan kung bakit
mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan. Bilang
isang bagong mag-aaral sa Our Lady of Mercy
Academy, natuklasan ko kung gaano kasaya ang
aktibidad na ito.

You might also like