You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG NG PARENT-TEACHERS ASSOCIATION (PTA) NG PAARALAN NG

BUGNAN ELEMENTARY SCHOOL

Ika-10 ng Mayo, 2017


Oras: Ika-7 ng umaga
Lokasyon: Grade 6-A Earth: Classroom

Tagapanguna: Gng. Marsha Abad (Guro)


Mga dumalo:

Mga Magulang:

Gng. Vhita De Gracia


Gng. Jazl Malate
Gng. Alma Dumayag
G. Reynaldo Dela Cruz Jr.
G. Cesario Valdez

Mga Estudyante:

Sarah Mae Dela Cruz


Jhon Russel Malate
Vincent Dumayag
Vincent Dela Cruz
Joana Marie Valdez
Adrian Jeric Grospe
Julius Ceasar Valdez

Agenda:

1. Sinimulan sa pagbati sa mga magulang na dumalo at panalangin.


2. Pagtalakay sa nakaraang katitikan ng pulong.
3. Pagbanggit ng Room Project at Graduation Day ng mga mag-aaral.
4. Pagbibigay ng opinyon, reaksiyon at ideya ukol sa katitikan.

Katitikan:
Panimula
Ang pagpupulong ay ginanap ng ika-10 ng Mayo, 2017 ika-7 ng umaga sa
paaralang ng Bugnan. Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagbati
ng guro na si Gng. Marsha Abad at sinundan ng panalangin. Matapos ang
panalangin ay sinimulang talakayin ang mga nakaraang agenda kung saan ay
napag-usapan ang School Cleaning program.

Pagtalakay sa Katitikan ng Pulong


Pagkatapos ay isinunod na ang pangunahing usapin sa pagpupulong ang ilan
sa huling Room Project bago magsipagtapos ang mga estudyante at kasama ang
gaganaping Graduation Day. Nagbigay linaw si Gng. Marsha Abad sa magiging
daloy ng seremonya, sa kung papano ang gagawin, kung papano ang set up,
anong araw at oras, at kung sino-sino ang magiging panauhin. Ipinaliwanag
din kung sino ang mga nakabilang sa Top Students upang mapaghandaan ng
mag-aaral ang sasabihing talumpati.
Pagbibigay ng Opinyon

Nagbigay din ng kani-kaniyang opinyon at ideya ang mga magulang na siyang


ikinaganda ng usapan.

Pagtatapos ng Pulong

Natapos ang ginawang pagpupulong ng lahat ay umayon sa mga ideya na


kanilang binanggit at ibinahagi. Nagpasalamat ang guro sa mga magulang na
tumulong sa pagsasaayos at pagreresolba sa mga problema na tinalakay.
Pumirma ang mga magulang na dumalo upang mapatunayan na sila’y dumalo sa
pagpupulong. Nagtapos ang pagpupulong sa ika-11 ng umaga.

You might also like