You are on page 1of 1

Article:

Noong nakaraang pagdiriwang ng Teachers Day, nagplano kaming mga mag-aaral para
sa aming guro na magkaroon ng masaya at makabuluhan na selebrasyon. Nagsimula
ang mga paghahanda para sa araw na ito ilang linggo bago pa man ito dumating.
Nagtalaga ng mga grupo ang mga mag-aaral para sa mga iba't ibang gawain, tulad ng
pag-organisa, paghahanda ng pagkain at pag-aayos para sa selebrasyon.
Ngunit nagkaroon ng problema sa lugar noong araw ng selebrasyon. Dahil sa hindi
inaasahang pangyayari, kinailangan naming maghanap ng ibang lugar para sa
selebrasyon. Sa kabutihang palad, nakahanap kami ng lugar ngunit ito ay masyadong
malayo sa paaralan.
Hindi pa doon natatapos ang mga problema, dahil sa lakas ng ulan, kinailangan naming
magjoyride sa ejeep na basang-basa sumakay ang mga uniforme namin. Sa kabila ng
mga problemang ito, hindi nawawala ang aming sigla at determinasyon na magkaroon
ng isang masayang pagdiriwang para sa aming guro.
Nagbigay ng mensahe ang bawat isang mag-aaral para kay Ms. Grace, kung saan
pinasalamatan namin ang aming guro sa mga aral na aming natutunan sa loob ng
mahigit dalawang buwan na online class. Nagpakita rin kami ng aming pagmamahal at
pagpapahalaga sa aming guro sa pamamagitan ng pag-awit ng isang awit para sa
kaniya
Sa oras ng uwian, nakaranas kami ng isa pang problema dahil sa sobrang dami namin.
Hindi sapat ang isang sasakyan para sa lahat ng mga mag-aaral at aming guro. Ngunit
dahil sa aming pagkakaisa, nakapag-ayos kami ng isang paraan para magkasya ang
lahat sa mga sasakyan. May ibang nagcommute nalamang at ang iba naman ay
naglakad dahil malapit nalamng ang mga ito sa kanilang tirahan. Nagtagumpay kami na
magpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa aming mga guro sa pamamagitan ng
isang masayang selebrasyon ng Teachers Day.
Ang araw ng mga guro ay isang mahalagang okasyon upang ipakita ang ating
pagpapahalaga at pagmamahal sa mga guro na patuloy na nagbibigay sa atin ng mga
kaalaman at pagkakataon upang maabot ang ating mga pangarap. Ito ay isang
pagkakataon upang magbigay ng pasasalamat at pagkilala sa kanilang mahalagang
kontribusyon sa ating buhay.

You might also like