You are on page 1of 1

GALVAN, EMELANE ROSE A.

G12-07STM

"Guadalupe-Pateros"
Replektibong Sanaysay | Gawain 3

Bilang isang estudyante, hindi na bago sa atin iyong may mga gawaing pang pangkatan, pangkabuoang klase, o 'di kaya naman iyong
tinatawag nating mga "culminating activity" na kadalasang nagaganap sa kalagitnaan ng school year—dito nasusukat ang pagkakaisa ng
bawat estudyante sa isang seksyon na kung saan hinuhubog ang relasyon ng mga ito upang mas maintindihan ng bawat indibidwal ang
isa't isa. Ngunit dahil sa pandemya, halos dalawang taon na nasanay ang mga estudyante sa distance learning o mas kilala bilang "new
normal". Mahigit dalawang taon na walang pakikisalamuha sa kapwa nating estudyante; kaya naman lubos akong natuwa nang malaman
na magkakaroon kami ng culminating activity sa asignaturang PE at Oral Communication.

Nang i-anunsyo ng aming mga guro sa PE at Oral Communication agad akong nakaramdam ng tuwa at pananabik dahil makalipas ng isang
taon at ilang buwa'y makakasalamuha ko na nang lubos ang aking mga kaklase. Matagal ko na ring hinahangad na makasama silang lahat; kaya
nama'y agad-agad kaming nagbotohan para sa pagpili ng mga taong magsisilbing leader para sa culminating activity na ito—isa ako sa mapalad
na nailuklok ng mga kaklase ko. Kasama ng iba ko pang kapwa-lider, nagsagawa kami ng mga plano kung paano isasagawa ang pagtuturo
sapagkat hindi madali ang magmuno at magturo sa buong klase. Mabilis na lumipas ang mga araw at agad na dunating ang araw na
pinakahihintay ko. Nobyembre 05, 2022, alas otso ng umaga. Tandang-tanda ko pa no'n ang unang araw namin sa pag-eensayo sapagkat medyo
nahuli ako sa call time dahil late na rin nakauwi ang tatay ko galing sa pagsundo sa aking nanay. Kinakabahan pa ako no'n pero agad din
namang naglaho at napalitan ng tuwa dahil sa wakas nakita ko na ang mga kaklase ko. Medyo nahihirapan pa nga ako dahil hindi talaga ako
marunong magcommute, kaya nama'y kasabay ko lagi ang isa kong kaklase na kaibigan ko rin na si Rohann. Tuwing umaga ay sumasakay kami
ng jeep na Guadalupe-Pateros para makarating sa lugar ng aming pag-eensayo. Medyo malayo rin kasi kaya nag-aalangan ako mag-isa.
Hanggang sa kalaunan, napagpasyahan ko na magcommute mag-isa, simula no'n ay hindi ko na nakasabay si Rohann, at mas maagaa na rin
akong nakakarating sa practice. Nagtuloy-tuloy ang aming pag-eensayo sa buong buwan ng nobyembre. Hindi naging madali ito sapagkat
maraming bagay ang kinakailangan naming isakripisyo, lalo na sa oras at pasensya. Hindi rin nagtagal, dumating na rin iyong araw ng aming
performance. Medyo kinakabahan kaming lahat pero nananaig iyong kagustuhan na matapos na agad sapagkat lahat kami ay nakararamdam na
ng pagod at pangigitim. Naging maayos naman ang aming performance at naitaguyod namin ito hanggang dulo.

Sa loob ng isang buwan, marami akong naging karanasan at natutunan. Nagsilbi itong repleksyon sa akin upang mas mapabuti ang
aking pakikipagsalamuha sa ibang tao. Marami ring katangian ang na-enhance ko pa, tulad nalang ng pagiging mapagpasensya, mapag
kumbaba, at pagiging maunawain. Hindi naging madali ang paglalakbay na aming tinahak. Napuno ito ng masasayang ala-ala, pati na rin ng
malulungkot. May mga hindi pagkakaunawaan, meron ding mga tawanan. Nakakapagod mang gumising halos araw-araw at bumyahe nang
malayo para lang mag-ensayo sa ilalim ng napakainit na panahon. Meron ding mga araw na sobrang sakit na ng mga katawan, samahan mo
pa ng pagbuhos ng ulan. Pero lahat ng iyan nawawala tuwing umaga kada sabi ko ng "Manong, para!". Ito ay mga ala-ala na aking dadalhin
panghabang-buhay. Hanggang sa susunod na "Para!" mulan sa jeep na Guadalupe-Pateros. Sana hindi pa ito ang huli.

You might also like