You are on page 1of 2

I.

PAGSASANAY / Activity
GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangang pag-aralan at malaman ang kahulugan ng akademikong pagsulat?

Nararapat itong pag-aralan ng dahil ito ay importante sa pagkakaroon ng midyum na kung saan
maaari tayong makapag-lahad ng ating mga mensahe, opinyon o kaalaman sa makabuluhan at malinaw
na paraan.

2. Bakit kailangan mabatid ang mga tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa akademikong pagsulat?

Kailangan natin mabatid ang mga tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa akademikong pagsulat upang
maging sapat, kumpleto, totoo, makabuluhan, at malinaw, na nararapat lamang para isang akademikong
sulatin.

3. Bakit kailangan mabatid mo ang mga layunin sa pagsasanay ng akademikong pagsulat? Paano ito
makatutulong sa iyo bilang mag- aaral?

Ang pagbatid sa mga layunin ng pagsasanay ng akademikong pagsulat ay importante sa


pag-kakaroon ng panatag at malinaw na akademikong sulatin. Makatutulong ito sa atin bilang mag-aaral
upang mapalawak pa ang ating kaalaman para kapag tayo ay kumuha na ng trabaho, madali na lang tayo
makakapag-sulat nito tulad ng mga resume.

4. Paano mo magagamit sa pag-aaral at pagsusulat ang mga katangian ng akademikong pagsusulat?

Para sa akin, at para na rin siguro sa maraming estudyante na katulad ko, nagagamit ko ang
akademikong pagsulat sa paraan na makakagawa ng makabuluhan na sulatin. Mahalaga ito dahil mas
magiging organisado ang ating isusulat at hindi ito magulo para maging kaaya-aya ito sa mambabasa.

GAWAIN 2.
Basahin at Unawain ang talataan sa ibaba. Pagkatapos tukuyin kung kanino nauukol ang sulatin at kung ano-ano
ang katangian ng teksto.

Bilang isang kabataan at estudyante, hinahanap-hanap ko ang pakiramdam ng tag-araw dahil bakasyon na.
Lalong lalo na ang pakiramdam ng tuwa sa pag-iisip na malapit na ang araw para sa swimming. Ngunit hindi lang
ang paglangoy sa dagat ang naging habol ko sa lugar, kundi ang malibot ang buong lugar na kagandahang gawa
ng Diyos. Natatayang limang oras ang biyahe patungo sa lugar na ito. Kami ay nagmula sa Bagong Silang sa
Metro Manila at umalis ng ika-2 ng umaga at nakarating sa lugar sa ganap na ika-1 ng hapon dahil kailangan
naming tumigil muna sa bahay ng isang kasama upang kumain ng agahan.
Ang lugar na ito ay isla ng Pundaquit sa Zambales. Ito ay dinarayo dahil sa dalampasigan nitong gawa sa
abo ng bulkan na siyang nagmimistulang puting buhangin kapag nasisinagan ng araw. Ito rin ay daan patungo sa
iba’t-iba pang mga isla sa Zambales.Hindi lamang ang mga isla ang sentro ng atraksyon rito. Mayroon ding
pormasyon ng mga bato kung saan maaaring akyatin at makikita na ang lawak ng buong dalampasigan. Maaari
din namang kumuha ng litrato rito dahil sa ganda ng hampas ng alon sa mga bato. Marami ring makukuhang sea
shells na magandang ilagay sa koleksiyon.
Nagtatago rin dito ang isang napakataas na talon. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi namin ito nakitang
may tubig na dumadaloy. Ang talon ay nag tatago sa kaloob-looban ng isla at napapaligiran ng nagtataasang mga
puno at bato.Huwag palagpasin ang ganda ng kalikasan. Dayuhin at tangkilikin ang sariling atin. Tayo ay
magkaroon ng napakasayang alaala at karanasan sa mainit na yakap ng kalikasan na gawa ng Ating Diyos na
Buhay.
https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-halimbawa-ng-akademikong-sulatin-pangalawang-markah
an/
1. Sino ang pinag- uukulan ng teksto? Tungkol saan ito?

Ang tinutukoy sa teksto ay mga kabataan at estudyante na nagbabakasyon sa Zambales.


2. Ano ang layunin ng teksto?

Sa tingin ko ay naipapahiwatig ng teksto mabutin ang kahalagahan ng pahinga o bakasyon para sa


isang batang estudyante katulad ko. Ang pagpawi ng pagod sa mga ganitong paraan ang nag-papanatili ng
kalusugang pangkaisipan.

3. Ano ang iyong damdamin nang mabasa ang teksto? Ipaliwanag.

Masigasig kong binasa ang teksto dahil nabanggit nito ang bakasyon at naisip ko ang mga plano
kong gawin matapos ang aking graduation sa highschool. Nanabik rin ako sa mga posible kong puntahan sa
bakasyon.

4. Nahikayat ka ba ng damdamin ng tesktong iyong binasa? Patunayan.

Oo, nahikayat ako ng tekstong isipin ang mga posibleng kong gawin matapos ang klase.
Pinapantasya ko ang mga plano kong gawin sa bakasyon araw-araw at lalo lang akong nahikayat dahil sa teksto
na nabasa.

5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng teksto sa mambabasa?

Dapat sulitin ang kabataan natin at magpakasaya habang nilalakbay ang mundo.

You might also like