You are on page 1of 7

St.

Adelaide School-Philippines
Don Matias, Burgos, Pangasinan

ANTAS/ BAITANG IKAANIM NA BAITANG


PAKSA/ PAMAGAT ARALIN 1: Ang Kaharian ng mga Hayop sa Gubat
WEEK/S: Unang Markahan (Week 1)
Guro/Teacher: Ginoong Jerry Arbis Jr.

GABAY SA PAG- AARAL 6

Kabanata 1, Kapaligiran Aking Pangangalagaan

I. PANIMULA

Magandang Araw !, Halina at umpisahan natin ang pag- aaral na ito ng masaya at may
buhay, umpisahan natin sa masiglang pagngiti. Sa tulong ko na iyong guro at sa iyong
pagpupursige sa pag- aaral ay makakamit mo ang pagkatuto sa ating tatalakayin sa sesyong ito,
tara na at matuto.

PAMANTAYAN (Grade level standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa


pakikipagtalastasan, mapanuring pag- iisip, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa
pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing local at pambansa.

II. SAKLAW NG GABAY SA PAG- AARAL

Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:


ARALIN 1
Panitikan: Ang Kaharian ng mga Hayop sa Gubat (Pabula)
Alamin Natin: Ang Talata at ang Paksang Pangungusap
Wika: Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian at Tungkulin

III. INAASAHANG MGA KASANAYAN

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang pabula, kuwento


tekstong impormasyon at usapan. (MELC’s)
2. Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pakikipag- usap sa iba’t – ibang sitwasyon
3. Natutukoy ang mahalagang detalye sa nabasang akda. (MELC’s)

IV. PAGTALAKAY SA ARALIN

Page 1
Gawain 1.
Suriin ang mga larawang nagpapakita ng iba’t – ibang problema sa kapaligirang dulot ng
pagkakalbo ng mga kagubatan at kabundukan sa bansa. Lagyan ng tsek (√ ) ang kahon ng mga
pangyayaring aktuwal mong naranasan, nabasa, napanood o nabalitaan. Ano ang iyong pananaw
ukol sa isa sa mga pagkasira ng kalikasang nakalarawan.

1 2

3 4

Ang aking pananaw ukol sa larawan bilang____ ay __________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Page 2
Ang ating tatalakayin sa unang linggo ng ating pasukan ay may kinalaman sa ating
kalikasan, kung kaya naman ay hiningi ko ang iyong pananaw ukol sa problemang kinakaharap
natin. Ngayon ay dumako na tayo sa ating akdang babasahin. Buksan ang aklat sa pahina
5-7 at basahin ang Pabulang pinamagatang “ Ang Kaharian ng mga Hayop sa Gubat”.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong na siyang gabay sa ating pagkatuto.

*Sino ang bagong hari ng Pamahayupan ? Ano- ano ang mga dahilan kung bakit niya pinulong
Ang mga hayop sa kaharian ? ______________________________________________
______________________________________________________________________.
*Sino ang itinuturing ng mga hayop na nagiging dahilan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan?
Sumasang- ayon k aba rito ? Bakit ? ________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________

* Anong solusyon ang ipinatupad ni Haring Leon upang malutas ang suliranin tungkol sa patuloy
na pagsira ng tao sa ilog,karagatan, kagubatan at iba pang bahagi ng kalikasan ?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
_______________________________________________________________________
*Ano ang nagging gantimpala sa mga hayop sa ginawa nilang paagbabantay sa Inang
Kalikasan ? ___________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Dahil naitindihan mo na ang ating akdang binasa at nasagot ang mga gabay na katanungan,
tayo ay dadako na sa pagkilala ng tala at paksa ng pangungusap na ating magagamit sa
pagsasaayos ng pagbuo ng ating sariling pangungusap na magagamit natin sa pakikipag- usap.
Buksan ang aklat sa pahina 12 at basahin.

Gawain 2.
Sumipi ng isang talata mula sa isang aklat,pahayagan, magasin o anumang babasahin tungkol
sa kalikasan. Isulat ang iyong talata sa kahon sa baba at pagkatapos ay salungguhitan ang
paksang pangungusap nito.

Page 3
Dagdagan natin ang iyong kaalaman sa panggramatikang aralin, bago natin basahin ay nais
kong itaas muna natin ang ating kamay at tumingala igalaw- galaw natin ang ating katawan
upang maiwasan ang pagkaantok. Siguro naman ay hindi ka na inaantok, buksan mo na ngayon
ang iyong aklat sa pahina 13-14 at basahin ang Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian at
Tungkulin.

V. PAGTATAYA/ EBALWASYON

Gawain 3.
Buksan ang aklat sa pahina 16-17, Tiyakin Natin at sagutan.

VI. SANGGUNIAN

Pinagyamang Pluma 6, Quezon City: Phoenix Publishing House.

Page 4
ANTAS/ BAITANG IKAANIM NA BAITANG
PAKSA/ PAMAGAT ARALIN 2: Ang Prinsesa ng Dagat
WEEK/S: Unang Markahan (Week 2)
Guro/Teacher: Ginoong Jerry Arbis Jr.

GABAY SA PAG- AARAL 6

I. PANIMULA

Magandang Araw !, ngayon ay nasa ikalawang linggo na tayo ng ating pag- aaral, kagaya
ng ating naumpisahan, simulan natin ang ating pag- aaral ng may masigla at may ngiti sa ating
mga labi nang sa gayon ay maging ganado at maganda ang kalalabasan ng ating pag- aaral.

PAMANTAYAN (Grade level standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa


pakikipagtalastasan, mapanuring pag- iisip, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa
pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing local at pambansa.

II. SAKLAW NG GABAY SA PAG- AARAL

Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:


ARALIN 2
Panitikan: Ang Prinsesa ng Dagat (Kuwentong- Bayan)
Alamin Natin: Pagbabalangkas
Wika: Gamit ng Pangngalan

III. INAASAHANG MGA KASANAYAN

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ nabasang pabula, kuwento


tekstong impormasyon at usapan. (MELC’s)
2. Nasasagot ang tanong na bakit at paano.(MELC’s)
3. Natutukoy ang mahalagang detalye sa nabasang akda. (MELC’s)
4. Nagagamit ng wasto ang pangngalan sa pakikipag- usap sa iba’t- ibang sitwasyon
(MELC’s)

Page 5
IV. PAGTALAKAY SA ARALIN

Gawain 1.
Buksan ang aklat sa pahina 19- 20 at sagutan ang simulan natin.

Kung inyong mapapansin sa inyong sinagutan sa simulan natin, ang pawang mga sagot
ay may kinalaman sa tubig o karagatan. Tama, dahil ang susunod na akdang babasahin natin ay
may kinalaman sa karagatan. Buksan ang aklat sa pahina 22-24 at basahin ang Kuwentong –
bayan na pinamagatang “ Ang Prinsesa ng Dagat. Pagkatapos nito ay sagutin ang
sumusunod na katanungan.

*Bakit hindi ganap ang kaligayahan ng mag- sawang Rakim at Amihan noong una ? _____
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

*Paano napasakanila si Alena? Sang- ayon ka ba na ang sanggol na ito ay kaloob ni Allah ?
Ipaliwanag. _____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

*Ano ang nangyari sa mga taong hindi nagpahalaga at nagmalasakit sa dagat ?_________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

*Paano iniligtas ni Alena ang kanyang mga kinilalang magulang sa tiyak na kapahamakan ?_
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

* Paano nakaapekto sa dagat ang pangingisdang ginagamitan ng dinamita ? __________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Marahil ay nagbasa ka/nakinig ka, madali lang para sa iyong sagutin ang mga sumusunod
na katanungang nasa itaas. Ihanda na ang iyong isipan sapagkat tayo ay tutuloy na sa panibagong
talakayin na magpapalalim ng iyong pag- unawa sa pagbabalangkas. Buksan ang pahina 30 at
basahin ang Uri ng Pagbabalangkas.

Gawain 2.
Subukan natin ang iyong nalalaman sa iyong binasa. Sagutan ang aklat sa pahina 31,
Gawin Natin.

(Idiniktang Talata ng Guro)

Page 6
Mga suliraning Kinakaharap ng Yamang- tubig sa bansa.

Ang Polusyon o ang pagtatapon ng basura sa tubig ay ikakamatay ng mga isda at


ikanasisira ng mga iba’t ibang klasemg anyong tubig. Ang pollusyon ay ang pangunahing
suliranin ng ating yamang tubig. Ang mga oil spill na lumalabas sa mga barkong naaksidente sa
dagat. Ang oil spill ay naglalabas ng mga nakakalasong kemikal na pumapatay sa lahat ng buhay
sa dagat.Isa dinsa mga suliranin ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga mangingisda ay
nakakasira rin sa ating yamang tubig katulad ng paggamit ng dinamita sa pangingisda na
nakakasira sa mga tahanan ng mga isda o mga coral reefs. Ang paggamit ng dinimata ay
panganib sa gumagamit at sa mga maliliit na isda na namamatay. Ang mga maliliit na isda ay
dapat pangalagaan sapagkat pwede pa itong lumaki at maging pakinabang.

Pagkatapos mong sagutan ang Gawain 2, ay magpapatuloy ang ating aralin sa pagtukoy
sa tamang gamit ng Pangngalan, ngunit bago natin ito simulan, maaari mo munang iliwaliw ang
iyong katawan upang mapawi ang pagod at antok, sabayan mo ako!, Tumayo, hawakan ang
ilagay ang kamay sa baywang at gumiling ng 10 beses. Ayan! At dahil napawi na ang iyong
antok, magpapatuloy na tayo sa ating aralin, buksan ang pahina 33 -34 at basahin ang Gamit
ng Pangngalan.

V. PAGTATAYA/EBALWASYON

Gawain 3.
Buksan ang aklat sa pahina 35, Subukin Pa Natin, at sagutan.

VI. SANGGUNIAN

Pinagyamang Pluma 6, Quezon City: Phoenix Publishing House.

Page 7

You might also like