Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Ito ang isang uri ng komposisyon na madaling ihanda o isulat. Inilalaan ito sa madla o sa
masang mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman nangangailangan ng matayog na
pananalita tulad din ng pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng pananaliksik. Popular ito sa
karamihan sapagkat sadyang inihanda at kailangang basahin. Simple ang pahayag gayon din ang
mga salitang gamit kayat di maghahanap ang mga babasa nito ng estilo ng pagiging malikhain sa
larangan ng pagbuo ng komposisyong ito. Maliban sa bagay na ito, karaniwang bagay o isyu ang
tinatalakay sa komposisyong pangmasa kayat kahit di mataas ang pinag-aralan ng babasa ay
mababasa ito at mauunawaan.
b. ANO: PULONG/ASEMBLEYA
SAAN: BARANGGAY HALL
KAILAN: NOBYEMBRE 26, 2020
SINO: MGA MAGULANG SA BARANGAY STA. ANA
PAKSA: PLANO SA IKABUBUTI NG BARANGAY AT MGA GAWAIN SA PYESTA
c. PAALALA:
Sa darating na ika-1 ng disyembre ay maglilinis ng tubong daluyan ng ating
tubig inumin. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-imbak ng tubig bago ang araw ng
pansamantalang pagkawala ng daloy ng ating tubig.
2. ISLOGAN – Ito ay maikling pahayag na tiyak ang paksa o isyu na maaaring nakasulat sa
anyong patula. Simple ang pagkakaanyo at pagkakapili ng mga salita upang madaling maalalang
madlang mambabasa. Idinidikit din ito sa mga lugar na daanan ng mga tao at minsan ay
nagsisilbing pampaalala sa mga tao dahil kung uunawaing Mabuti may aral na ipinapaalam
/ipinababatid.
Halimbawa:
1. Sa ikauunlad ng bayan,disiplina ang kailangan.
2. Uswang Naga.
3. Ang masipag na mag-aaral,sagot ay tagumpay.
4. Kayamanan ang kagandahang-asal.
5. Panatilihin ang sipag at tyaga upang guminhawa ang buhay
3. TUGMANG DE GULONG– ito rin ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at kadalasa’y
binubuo ng dalawang taludtod. Nakatatawa ang diwa ngunit kung susuriin sadyang nangyayari
sa ating mga karanasan araw-araw. Kadalasan nakadikit ito sa mga sasakyan at nagsisilbing aliw
sa mga pasahero lalo na kung di pa umuusad ang sasakyan.
Halimbawa:
1. Ale, mama upong utso singkwenta lamang po.
2. Hudas not pay.
3. Baya lang po s aumaga.
4. Ang marunong magsukli, maraming suki.
5. Ang para ay sa tao, ang sitsit ay sa aso.
6. Step sa break, please.
4. PANALANGIN – Ito’y dasal na binabasa o binibigkas sa isang okasyon o pagtitipon. Ito’y dasal
na mula sa puso ng gumagawa kayat sariling pananalita ang dasal na ito. May pattern o
balangkas ang dasal na sariling gawa.
Pangatlo- Dito na babanggiin ang mga bagay nan ais mong hingin sa ating Panginoon. Mga
hinihingi para sap ag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan, sa sarili at sa iba pa.
Halimbawa ng Panalangin:
Ilagay natin ang ating sarili nang buong kapakumbabaan sa harap ng ating Panginoong
Hesus. Sa harap po ninyo mahal na Panginoon kami po’y taos-pusong nagpupugay.
Halimbawa:
Isang surbey o pag-aaral ang ginawa ng isang guro na wikang Filipino ang ginamit sa
pagtuturo sa mga disiplinang dapat ay sa ingles ituro.Napatunayan sa sarbey na higit na tumaas
ang marka ng mga estudyante dahil higit silang nakapagpapahayag sa wikang gamay nila.Higit
ang kanilang pagkaunawasa mga kaalaman o kaisipang ipinaabot sa mga aralin at dahil dito
higit na napaunlad ang tiwalasa sarili at ang tibay ng loob.
-Sinalubong banin ni tita Dulce sa Pili Airport ang ate kong nagtratrabaho sa Dubai.
-Nakayanggap ako ng liham mula sa isang malayong kaibigan na nagtratrabaho sa Manila. Si
Cindy.
Disyembre 5, 2000
-Nakita ko sa chapel ng aming iskul ang bago kong crush . Kinilig talaga ako.
7. JORNAL – Ito’y halos kamukha ng dayari ngunit naiiba dahil di lamang pansariling kaganapan
sa buhay ang itinatala. Ang mga pangyayari sa labas ng bahay o kapaligiran ay maaaring paksa
ng isusulat sa jornal. Kabilang din dito ang mga refleksyon, obserbasyon, nadarama at maging
ang mga puna at komentaryo. Sa jornal malayang naisusulat ng awtor ang sariling opinion o
kuro-kuro sa tinatalakay. Ito’y maaaring basahin ng iba na di tulad ng dayari na pinakatatago-
tago ng may-ari dahil sagrado ito para sa kanya.
Halimbawa;
Jornal 1- Awang-awa ako sa kapitbahay naming. Binatilyo na pero palaging nababatukan
o napapalo ng tatay niya. Bagamat tunay na may kapilyuhan nakakaawa rin dahil di na
niya nakukuha ang respeto sa sarili.
Jornal 2- Lubhang nakakataba ng puso ang mga papering bunga ng iyong pagsisikap at
pagpupunyagi. Nagsisilbi itong inspirasyon ko upang lalu pang pagbutihin ang aking
ginagawa.
Jornal 3- Nakakalungkot isipin na sa kagagawan ng mga nasa pwesto, ang bansa natin ay
unti-unti nang nalulugmok at ang naghihirap ay ang masang isang kahig, isang tuka.
Iba pang halimbawa ng pagsulat ng jornal:
Gawain I:
Panuto: Pag-aralan ang araling ito. Matapos ay gawin ang sumusunod: (Itype ang sagot sa
message box ng GE 10 Facebook page. (Sagot na lamang ang itype.)