You are on page 1of 4

College of Education

Fil 113- Sanaysay at Talumpati


Mary Joy Canalan Prof. Arlyn Martinez
Taga-ulat Tagalinang

TATLONG URI NG TALUMPATI/ PAGTATALUMPATI


1. Biglaan o Daglian
Ito ang katumbas ng IMPROMPTU sa Ingles. Ang ganitong uri ay hindi
nangangailangan ng paghahanda. Dahil dito, masasabing walang paghahandang
ginagawa ang mananalumpati. Napili lamang ang mananalumpati na siyang magbigay
ng mensahe sa publiko ukol sa okasyong nagaganap ng mga sandaling iyon. Ang
ganitong uri ng pagtatalumpati ay nagaganap sa mga programang pampaaralan o
pantanggapan gaya ng salu-salo para sa isang natatanging selebrasyon: promosyon,
pagbati sa isang nagdiriwang ng kaarawan, pagkuha ng opinyon ukol sa napanood na
pelikula/ dula, pagtanggap ng isang gawad o premyo, atbp.
Halimbawa:

PAGBATI SA PAGLULUNSAD NG MAGASIN


Taos-puso at mainit na pagbati ang aking iinararating sa mga Batang Iskawt ng
Pambansang Mataas na Paaralang Isabela.
Ginising ang aking diwa ng pamagat ng inyong Opisyal na Magasin: NINGAS
2002. Parang pinagtitiyap ng pagkakataon, sa ilang taon ng pamamalagi ninyo sa
paaralang ito ay naging bahagi kayo ng pagningas ng makukulay na alaala at karanasan
sa pangunahing institusyong nagsasanay sa mga magiging grupo ng ating bayan; hindi
lamang ang pagkakatalaga sa akin bilang bagong punong-guro ng paaralang ito o ang
pakikiisa natin sa sandaang taong pagdiriwang ng ating pambansang kalayaan, kundi
ang paglahok natin tungo sa isang maaliwalas at maunlad na pandaigdigang
kompetisyon sa larangan ng edukasyon.
Sa panahon ngayong ang ating bayan ay nagsusumikap mapanatili sa bawat isa
sa atin ang pagkamakabayan, kinagisnang tradisyon, pambansang dignidad,
katarungang panlipunan at kaunlarang pangkabuhayan; sikaping ninyong mapanatili ang
nag-aalab na ningas na inyong pinasimulang sindihan: ang ningas ng karunungan. Ito
ang magsisilbing daan upang masubaybayan ng susunod na henerasyon ang inyong
nagging bahagi sa maraming pagbabagong nagaganap sa ating lipunan lalo’t sa larangan
ng edukasyon. Higit sa lahat, ito ang magiging gabay ninyo s apagpanday ng kaisipan at
paghubog ng katauhan sa mga mag-aaral na magiging inspirasyon at pag-asa ng ating
bayan.
Sakaling dumating ang panahong inakala ninyong nagdidilim ang ningas na inyong
sinindihan, malugod naming kayong inaanyayahang bumalik sa paaralang ito upang
sama-sama nating sindihan muli ang mitsa ng pagmamahal at pagkakaisa. Hayaan
nating manatiling mainit at nag-aalab ang ningas!
MGA HAKBANG SA TALUMPATING BIGLAAN O DAGLIAN
Upang mapaghadaang mabuti ang talumpating biglaan, dapat sundin ang mga
hakbang ng mananalumpati.
1. Hakbang sa punto. Sa puntong ito, dapat sabihin ng mananalumpati ang puntong
nais niyang ipahayag. Halimbawa:
A. Naparito ako upang ipaalam sa inyo na may pagbabagong magaganap sa
iskedyul ng ating programa.
B. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi makararating ang ating
inanyayahang panauhin at sa halip, siya’y kakatawanin ng kanyang anak, Dr.
Melanio E. Mendoza, Jr.
C. Iligtas kayo sa masamang gamot, ito ang layunin ko sa pagharap sa inyo
ngayong umaga.

2. Hakbang sa Dahilan. Sa hakbang na ito ay dapat magbigay ng balidong dahilan


ang mananalumpati ukol sa paksang kanyang tinatalakay tulad ng mga sumusunod:
A. Ang mga residente naman ay kailangang maging alerto. Isumbong ang mga
taong malapit sa inyong lugar ang nagsasagawa ng maling desisyon para
maging mapayapa ang ating lugar.
B. Ang “unleaded gasoline” ay gasolinang walang halong “lead” kung kaya’t
hinihikayat itong gamitin sa halip na “leaded gasoline” sapagkat hindi ito
marumi kapag nasunog at dahil dito nababawasan ang polusyon sa hangin.

3. Hakbang sa Ebidensya. Maaaring sa hakbang na ito ay gumamit ang


mananalumpati ng mga kagamitang makatutulong sa kanyang pagpapaliwanag
gaya ng mga ilustrasyon, paghahambing, siniping pangungusap mula sa kilalang
tao at estadistika. Halimbawa:
A. Ang amplaya ay mabuti sa dugo at sa mga taong may diabetes o may mataas
na sugar sa dugo. Ito ay ayon sa pananaliksik na ginawa ng Sister of Rural
Mission (SRM) sa pamumuno ni Sr. Mary Ella.
B. Batay sa questionnaires na sinagutan ng 460 na ninth at 10th grade girls sa
Boston Area High School, ang panganib ng pagkakaroon ng broken bones ay
tatlong beses na mas mataas sa mga teenager na umiinom ng carbonated
beverages at limang beses na mas mataas sa umiinom ng cola.

4. Hakbang sa Muling Pagpapahayag. Sa hakbang na ito, dapat tiyaking maliwanag


ang gagawing pamamahayag ng mananalumpati upang higit na kalugdan ng mga
tagapakinig gaya ng mga sumusunod:
A. Sa pagsasaliksik na isinagawa ng Sister of Rural Mission (SRM) ay nabuo
ang ampalaya capsules na makagagamot sa sakit na anemia at diabetes.
B. Naniniwala si Grace ng Harvard University na posibleng ang phosphoric acid,
isang kemikal sa sodaang nagpapahina ng mga buto.
2. Maluwag
Sa Ingles, ang katumbas nito ay extemporaneous. Sa patimpalak sa talumpatian sa
mga paaralan ay higit na nakalulugod panoorin ang maluwag na pagtatalumpati. Ang
mga kalahok ay pabubunutin ng isang nakarolyong papel na kinasusulatan ng paksang
kanilang lilinangin na may kaugnayan sa paksa ng isang programa. Binibigyan ng ilang
minute ang kalahok upang linangin ang paksa. Sa oras ng kaniyang pagtatalumpati ay
saka niya ilalahad ang mga punto o mahahalagang impormasyong kaniyang nais
iparating sa kaniyang mga tagapanood o tagapakinig. Ito’y hindi mahirap gawin dahil
bago pa man dumating ang mananalumpati sa pook na pinagdarausan ng patimpalak ay
alam niya na ang tema ng programa. Naihanay na niya sa kaniyang isipan ang mga
mahahalagang puntong dapat niyang maisama sa kaniyang talumpati. Halimbawa:

BUWAN NG WIKA
Makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Lalo na sa panahon ngayong
patuloy na pinahahalagahan ang paggamit nito sa iba’t ibang larangan lalo’t sa larangan
ng edukasyon.
Sa nalalabing bahagi ng kasalukuyang panahon ay lalo nating pag-ibayuhin ang
ating pagpupunyagi tungo sa puspusang pagsagamit ng Wikang Filipino sa bayan, sa
pamahalaan, sa akademya sa lahat ng larangan.
Ipagpatuloy natin ang paggamit n gating pambansang wika na wikang Filipino.
Mabuhay ang kalayaan at pagkakisa ng sambayanang Pilipino. Mabuhay tayong mga
Pilipino. Mabuhay ang Wikang Filipino.

KALAKASAN AT KAHINAAN NG TALUMPATING MALUWAG


1. Kalakasan.
Sa mga okasyong hindi masyadong pinaplano, ang mananalumpati at ang mga
tagapanood/tagapakinig ang nabibigyan ng pagkakataong magamit ang nalalabing oras.
Bukod dito, walang pag-aalinlangang nakapamimili ang mananalumpati ng alinmang
pyesang kanyang gagamitin sa pagtatalumpati.
2. Kahinaan.
Nasa pamaraan ng pagtatalumpati na masubaybayan ang kahinaan ng talumpating
maluwag. Ang baguhang mananalumpati na walang karanasan sa pagtatalumpati ay
hindi nakakasunod sa lohikal na kongklusyon, kaya’t kapansin-pansing nagpapaulit-ulit
at nagpapabalik-balik lamang siya ng pagpapahayag at paikut-ikot lamang ang
nilalaman ng paksang kaniyang tinatalakay.
3. May paghahanda
Ang katumbas nito sa Ingles ay prepared. Ilang buwan o linggo pa lamang bago
dumating ang itinakdang petsa at oras ng programa ay naisulat na at nabasa na ng
mananalumpati ang kaniyang talumpati. Nalapatan niya na ng wastong kumpas ang
mahahalagang salitang kaniyang bibigkasin. Alam na alam na niya kung aling mga salita
sa talumpati ang bibigkasin niya ng mahina, malakas, mabilis, at mabagal. Alam na niya
kung anong ekspresyon ng mukha ang kaniyang gagamitin sa ilang mahahalagang
pangungusap na kaniyang bibitawan. Halimbawa:

ANG WIKA: ANG DIWA NG ATING PAGKABANSA


Isa sa pinakamahalagang imbensyong sosyal ng tao ay ang wika, dahil ito’y may
napakahalagang papel na ginagampanan sa kaniyang buhay. Dahil ang wika’y bahagi
nang pang-araw-araw na Gawain ng tao, kailangangmagamit ito sa maayos at kapaki-
pakinabang na paraan.
Sa taong ito at sa mga susunod pang mga taon na ipinagdiriwang ng buong bansa
ang ikasandaang taon ng ating kalayaan, masarap gunitain ang nakalipas sa dahon ng
ating kasysayan. Kaysarap alalahanin ang buhay at kabayanihan ng ating mga bayani.
Ang kanilang pakikipaglaban at ang kanilang kabiguan at tagumpay alang-alang sa
pagkakamit ng ating pambansang kasarinlan at kalayaan. Ngunit bukod ditto, ang isa
pang dapat nating mapag-ukulan ng pansin ay ang wikang kanilang ginamit sa
pakikipaglaban. Mahalagang matuklasan natin kung ang wikang pinagtibay na gamitin ng
mga Pilipino ay ang wikang naging wikang pambansa sa bisa ng ating saligang batas.
Ang wikang Pilipino na sa bisa ng Artikulo 14, seksyon 6 ay tinatawag na Filipino.
Walang pag-aalinlangang ginamit ng ating mga bayani bilang kasangkapan sa
pakikipagtalastasan ang wikang pambansa. Ito‘y napatunayan natin sa maraming aklat-
pangkasaysayan at pampanitikan, kung saan Tagalo ang ginamit nila sa mga usapan,
pagpapalitang-kuro, pagtatalo, at pagsulat. Pinatunayan ito ng mga liham ni Andres
Bonifacio sa mga opisyal at kasapi ng Katipunan katulad ng ipinadala kay Emilio
niyang liham

Jacinto, ang kaniyang kaibigan at tagapayo na siya ring Utak ng Katipunan. Ganito ang
nakasaad sa liham:
“Kinakailangan ninyong malikom na lahat ang mga baril na nariyan kasukdalang
inyong bayaran, ngunit kinakailangang maging aring tunay ng samahan at nang
magkaroon tayo ng hukbong panlaban. Kung maisasagawa ninyo ang bagay na ito ay
magiging madali ang paglusob sa mga bayan; pagtibayin natin ang ating mga tanggulan
at kuta doon sa isnag paraang ikapaghihirap ng kalaban ang paglusob sa nasabing pook.”
Filipino ang wikang ginamit ni Bonifacio upang maihatid ang kaniyang mensahe
ng pakikidigma laban sa mga Kastila.

You might also like