You are on page 1of 5

YUNIT VI

KOMPOSISYONG PANGMASA

Panimula

Ito ang isang uri ng komposisyon na madaling ihanda o isulat. Inilalaan ito sa madla o
sa masang mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman nangangailangan ng
matatayog na pananalita tulad din ng di pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng
pananaliksik. Popular ito sa karamihan sapagkat sadyang inihanda at kailangang
basahin. Simple ang pahayag gayundin ang mga salitang gamit kayat di maghahanap
ang babasa nito ng estilo ng pagiging malikhain sa larangan ng pagbuo ng
komposisyong ito. Maliban sa bagay na ito, karaniwang bagay o isyu ang tinatalakay sa
komposisyong pangmasa kayat kahit di mataas ang pinag-aralan ng babasa ay
mababasa ito't maunawaan.

KATANGIAN NG KOMPOSISYONG PANGMASA:

1.) Simple ang pananalitang gamit. Di mahirap gawin dahil ang tanging kailangan ay
simpleng pananalita na maiintindihan ng masang babasa.

2.) Hindi kailangang napakahaba. Di kailangan dito ang pahayag na maligoy. Higit na
kailangan ang direktang pananalita dahil ang masang babasa ay di lahat may ideya sa
malikhaing komposisyon maliban sa bagay na abala ang lahat.

3.) Tumatalakay sa mga pangyayari sa kapaligiran. Hinuhugot ang paksa ng


komposisyon sa mga karaniwang bagay na nasa pali-paligid lamang.

4.) Higit kakikitaan ng mga matalinghagang pahayag. Walang lugar ang mga tayutay,
idyoma sa uring ito ng komposisyon dahil maikli lamang ang pagkakapahayag at masa
ang mambabasa.

MGA URI NG KOMPOSISYON PANGMASA

1.) Patalastas - ito ay mga paalalang ipinaabot sa taong bayan na maaaring magbigay
ng tamang kaalaman sa mga tao. Maaaring nakadikit sa isang poste ng ilaw o maaari
namang sadyang isinulat sa sulatang pisara sa kantong daanan ng mga taong
barangay.

2.) Islogan - ito ay maikling pahayag na tiyak ang paksa o isyu na maaaring nakasulat
sa anyong patula. Simple ang pagkakaanyo at pagkakapili ng mga salita upang
madaling maalala ng madlang mambabasa. Idinidikit din ito sa mga lugar na daanan ng
mga tao at minsan ay nagsisilbing pampaalala sa mga tao dahil kung uunawaing mabuti
may aral na ipinaaalam/ipinababatid.
Halimbawa:

a.) Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.

b.) Uswag Naga.

c.) Ang masipag mag-aral, sagot ay tagumpay.

d.) Kayamanan ang kagandahang-asal.

e.) Panatilihin ang sipag at tiyaga upang guminhawa ang buhay.

3.) Tugmang De Gulong - ito rin ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at
kadalasa'y binubuo ng 2 taludtod. Nakatatawa ang diwa ngunit kung susuriin sadyang
nangyayari sa ating mga karanasan araw-araw. Kadalasan nakadikit ito sa mga
sasakyan at nagsisilbing pag-aliw sa mga pasahero lalo na kung di pa umuusad ang
sasakyan.

Halimbawa:

a.) Ale, mama upong otso singkwenta lamang po.

b.) Hudas not pay.

c.) Barya po lamang sa umaga.

d.) Ang marunong magsukli, maraming suki.

e.) Ang para ay sa tao, ang sitsit ay sa aso.

f.) Step sa break, please.

4.) Panalangin - ito'y dasal na binibigkas o binabasa sa isang okasyon o pagtitipon.


Ito'y panalanging mula sa puso ng gumagawa kayat sariling pananalita ang dasal na ito.
May patern o balangkas ang dasal na sariling gawa.

Unang pahayag - pag-anyaya sa Panginoon sa gagawing panalangin.

- banggitin ang paghingi ng kapatawaran sa mga pagkakasalang nagawa sa


Panginoon, sa kapwa, sa katrabaho o di kaya'y sa mga kaklase o sa mga kasambahay.

Pangalawang pahayag - pasalamatan ang Panginoon sa mga biyayang natamo,


natatamo at tatamuhin pa sa araw-araw.

Pangatlong pahayag - dito na babanggitin ang mga bagay na nais mong hingin sa ating
Panginoon. Mga hinihingi para sa pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan, sa sarili, at sa iba
pa.
5.) Komentaryo - ito'y maituturing na panunuligsa ukol sa mga isyung nakakaapekto sa
karamihan, maliit man o malaki. May himig ito ng panawagan tungo sa pagbabago o sa
kaunlaran kayat simpling pananalita ang gamit at diretsahan ang pahayag. Maingat ang
pagkakasulat at maaaring magmungkahi ng solusyon sa ikauunlad ng paksang pinag-
uusapan.

6.) Dayari - ito ay pansariling tala sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang
indibidwal. Sangkot rito ang mga karanasang emosyunal, sosyal, at ispiritwal.
Napakapersonal kaya di sangkot ang anumang opinyon o kuro-kuro, simple ang
pananalita na galing sa puso kayat diretsahan. Walang bahid ng pagsisinungaling sa
pagsulat ng dayari dahil malaki ang silbi nito sa sumusulat lalo na sa pagdating ng
panahon. Sa bagay na ito, ang dayari ay tunay na napakapaktwal.

Halimbawa:

Nobyembre 12, 2000

- Sinalubong namin ni Tita Dulce sa Pili Airport ang ate kong nagtatrabaho sa Dubai.

- Nakatanggap ako ng liham mula sa isang malayong kaibigan na nagtatrabaho sa


Manila. Si Cindy.

Nobyembre 29, 2006

- Nag quiz kanina sa Filipino. Buto na lang sa 20 bilang nagkaiskor akong 16.

Disyembre 5, 2000

- Nakita ko sa chapel ng aming skul ang bago kong crush. Kinilig talaga ako.

- Nakakadismaya ang kagwapuhan niya.

7.) Jornal - halos kamukha ng dayari ngunit naiiba dahil di lamang pansariling
kaganapan sa buhay ang itinatala. Ang mga pangyayari sa labas ng bahay o sa
kapaligiran ay maaaring paksa ng isusulat sa jornal. Kabilang din dito ang mga
repleksiyon, obserbasyon, nadarama at maging ang mga puna at komentaryo. Sa jornal
malayang naisusulat ng awtor ang sariling opinyon o kuro-kuro sa tinatalakay. Ito'y
maaaring basahin ng iba na di tulad ng dayari na pinagkakatago-tago ng may-ari dahil
sagrado ito para sa kanya.

Halimbawa:

Jornal 1 - Awang-awa ako sa kapit-bahay namin. Binatilyo na pero palaging


nababatukan o napapali ng tatay niya. Bagamat tunay na may kapilyuhan nakakaawa
din dahil hindi na niya nakukuha ang respeto sa sarili.
Jornal 2 - Lubhang nakakataba ng puso ang mga papuring bunga ng iyong pagsisikap
at pagpupunyagi. Nagsisilbi itong inspirasyon ko upang lalo pang pagbutihin ang aking
ginagawa.

Jornal 3 - Nakalulungkot isipin na sa kagagawan ng mga nasa puwesto, ang bansa


natin ay unti-unti nang nalulugmok at ang naghihirap ay ang masang isang kahig, isang
tuka.
PAGSASANAY

Gawain 1

A. Sa inyo-inyong barangay itala ang mga patalastas na isinusulat o ipinalalabas ng


mga opisyal. Magtala kahit tatlo.

B. Sumulat ng sariling Panalangin sa isang sitwasyon o okasyon na nais niyo.

You might also like