You are on page 1of 16

Modyul 1: Mga Karunungang-bayan sa

Panahon ng Sinaunang Pilipino


GAWAIN 1: KAISIPAN AT SALOOBIN MO, IBULALAS MO
• Bigyang-reaksyon ang isang sitwasyon sa ibaba na
nagbibigay-kahulugan sa salawikaing Aanhin mo ang damo
kung patay na ang kabayo. Isulat sa nakalaang patlang ang
iyong tugon sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap
lamang.
• Sitwasyon: Nang yumao ang tanyag na action star na si
Fernando Poe Jr. (FPJ), ang bantog na komedyanteng si
Dolphy, at iba pang sikat na personalidad sa mundo man ng
politika at pelikula, samo’t saring parangal ang iginawad sa
kanila.
Sinasalamin ba ng mga karunungan-bayan ang ilang mga
pangyayari sa ating buhay? Mahalaga bang pag-aralan at
alamin ng mga nasa bagong henerasyon ang mga ito?
Bakit?
Mahahalagang Aral
Ang bawat akdang pampanitikan ay nagtataglay ng aral na
nagsisilbing gabay sa buhay. Ang mahalagang aral na ito ay
nagtuturo ng magandang asal na kanais-nais at katanggap-tanggap
sa Diyos at tao. Ang mga katangiang ito ay matatagpuan sa
panitikan lalo na sa mga pabula.

Paano matutukoy ang mahalagang aral?


1. Alamin ang mahahalagang pangyayari at tukuyin kung ano ang
natutuhan dito.
2. Basahin ang kabuuan ng teksto at alamin ang mga salitang
binibigyang-diin ng may-akda. Pagkatapos, alamin ang mga
kaugnay na salita upang matukoy ang mensaheng nais
maunawaan ng mga mambabasa.

Tandaan na ang pagsusuri ng mahalagang aral, dalawa ang dapat


tingnan – ang aral na natutuhan ng mga mambabasa at ang aral
na nais ipaabot ng may-akda sa mambabasa.
Mga Karunungang-Bayan
• Bugtong – ito ay pangungusap o tanong na pinahuhulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at
may lima hanggang labindalawang pantig.
Hal.
Babo’y sa pulo
Balahibo’y pako

Sagot: Langka
• Salawikain – Ito ay patalinghagang pahayag na ginagamit upang
mangaral at akayin ang kabataan sa mabuting asal. Ito ay
patulang binibigkas na may sukat at tugma na nagsisilbing batas
ng magandang kaugalian at pagkilos noong panahon ng mga
ninuno.

Hal.
Ang lumakad nang matulin
kung matinik ay malalim
• Sawikain – Ito ay nasa anyong patalinghaga o hindi tuwiran ang
pagbibigay ng kahulugan.

Hal.
di makabasag-pinggan – mahinhin
mahapdi ang bituka - gutom
• Panunudyo – ito ay patulang binibigkas sa panunukso o pagpuna
sa isang gawi o kilos ng isang tao.

Hal.
Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon
Ibig mong mag-asawa,
Walang ipalamon
• Palaisipan – Ito ay nasa anyong tuluyan. Ito ay gumigising sa
isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.

Hal.
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si
Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
• Bulong – Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na
kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam,
engkanto, at masamang espiritu.

Hal.
Tabi-tabi po.
Eupemistikong Pahayag
- ay ang paggamit ng mga pahayag na mas mainam pakinggan
kaysa sa tuwirang pagpapakahulugan nito. Ito ay upang maiwasan
ang makapanakit at maisaalang-alang ang damdamin ng kapuwa.

Hal.
tawag ng kalikasan – nadudumi
sumakabilang buhay – patay
Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salitang may salungguhit sa mga
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

____________ 1. Marami ang nagsasabi na mahangin daw ang kaniyang ulo


kung kaya wala ni isang nagkakagusto sa kaniya.
_____________ 2. Bukas-palad siya sa lahat ng nangangailangan ng kaniyang
tulong sa kanilang barangay.
_____________ 3. Hindi nag-urong-sulong sa pagtulong ang pamahalaan sa
mga mamamayang higit na nangangailangan nito.
_____________ 4. Ang pag-uusap naming magpapamilya ay puso sa puso.
_____________ 5. Hindi mahulugang-karayom ang plasa sa dami nang nanood
ng palabras kagabi.
Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang ayon sa binasang karunungang-bayan.
Isulat ang sagot sa patlang.
 
_____________1. Ito ang tawag sa patalinghagang pahayag na nagsisilbing
batas ng magandang kaugalian.
_____________2. Ito ang tawag sa pahayag na patula na nagpapakilala ng
gawi o ugali ng isang tao.
_____________3. Ito ang kahulugan ng matatalinghagang salitang “di
mahulugang karayom.”
_____________4. Isa sa halimbawa ng karunungang-bayan na binubuo ng lima
hanggang labing dalawang pantig.
_____________ 5. Ito ang ibig sabihin ng mga katagang “kung matinik ay
malalim.”
GAWAIN 7: TUKUYIN MO
Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng karunungang-bayan ito napapaloob.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
 
_________________ 1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa
paroroonan.
_________________ 2. Di-makabasag pinggan – mahinhin
_________________ 3. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
_________________ 4. Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si
Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
_________________ 5. Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
GAWAIN 8: BUGTONGAN TAYO!
Tukuyin ang sagot ng bawat bugtong. Isulat ANG SAGOT
 
____________ 1. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.
____________ 2. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
____________ 3.  Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
____________ 4. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona.
____________ 5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

You might also like