You are on page 1of 54

PANALANGIN

PAG-UULAT NG PANGKAT

ISA
MOTIVATION (PANGPAGANA)
ARALIN: 1
ANG RETORIKA.
ANO ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay isang
mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa
sining ng maganda at kaakit-akit na
pagsusulat at pagsasalita.

(Sebastian, 1967)
BAKIT MAHALAGA ANG
RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa
o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang
makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-
bagay.
Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika
magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at
interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika
ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal.
Mawawala ang ating pagkakaisa.
KAHULUGAN
NG
RETORIKA
Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang
tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang
sariling pananaw, karanasan at lawak ng
tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang
kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na
ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa
dipinisyon ng retorika.
◊Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa
nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o
tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na
Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang
isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa
pormal na pananalumpati.
◊Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng
lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at
kaisipan ng ibang tao.
◊Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o
lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula,
radio, pahayagan at telebisyon.

◊Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang


pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng
ipinapahatid ng mga naturang simbolo.
-Kenneth Buke.
◊Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at
pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng
malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Tumangan, Sr. 13

◊Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-


akit na pagpapahayag maging pasalita o pasulat.
-Rubin 46
◊Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.
Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan-
Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap-
Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Sebastian, 1
◊Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang
seminar tungkol sa retorika na ginanap sa PNU (Pebrero
6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:

a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay


siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.”
b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o
makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit
na mga paraan ng paghimok.”
c. Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento
ng pagsulat.”
d. Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng
wika pagkat may iba’t ibang pamilian o
alternatibo.
Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng
salita ay dinidikta ng gramatika at ang tamang paggamit ng
salita upang mabuo ang pangungusap.
Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng
mga salita upang makapaghatid ng pinakamabisang
mensahe.
Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating
ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
KASAYSAYAN
NG
RETORIKA
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa
pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito
rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay
maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa
kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy,
lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos
at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa
kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng
ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay
mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na
kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga
nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong
pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang
pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon;
ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing
argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental
statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments);
at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning
makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa
mga konkretong katibayan (concrete evidence).
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng
pakikipagtalo sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang
siglo bago dumating si kristo. makaraang bumagsak ang
kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon
ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang
kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen.
Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa
mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-
apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang
katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng
matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo
ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng
kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa
pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c.
470–399 B.C.)
Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban
sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang
kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang
sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya
ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya,
ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin
ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon
si Isocrates (c. 436–338 B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng
pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma
ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang
kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng
nakabiting pangungusap na mayaman
sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322
B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of
Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng
nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang
pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga
kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng
pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa
tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad
o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng
mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan:
ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon
ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip
na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang
halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma,
katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa
kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang
ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting
panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu
ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging
mabuting tao ka muna upang maging mabuting
mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga
hugnayang nakabiting pangungusap.
Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na
naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na
salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga
pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa
hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at
talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si
Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong
panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at
madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay
ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
KAHALAGAHAN
NG
RETORIKA
Anu-Ano nga ba kahalagahan ng
Retorika sa…..

 Edukasyon
 Relihiyon
 Pamayanan
o Pulitika
ANO ANG
KAHALAGAHAN
NG RETORIKA
PARA SA LAHAT?
Ang kahalagahan ng Retorika ay
maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa
isang putahe. Ito’y nakapagbibigay lasa sa isang
sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may
bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din
dito ang kalaliman ng isang tao. Ito’y pinag
iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng Retorika.
DEPINISYON NG
RETORIKA
Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang
pagpapahayag na sumasaklay sa maraming
sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya
ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa
pagpapahayag, sulat, memo, ulat, pagsusuri,
pamanahong papel, paghahanda sa mga
proposal ng mga proyekto o anu mang klase na
may kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.
SANGKAP NG
RETORIKA
Ang kaisipang gustong ipahayag-
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais
nating magpahayag. May mga mahahalagang
kaisipang nais ipahayag

Ang pagbuo o organisasyon-


Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang
paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng
pagkakabuo.
Ang Istilo ng Pagpapahayag-
Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang
kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o
komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng
pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng
balarila kungdi maging sa panitikan.
UGNAYAN NG WIKA,
KULTURA
AT
SOSYOLOHIYA.
 Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kutura ng
isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling
gamitin, ay malapit na malapit, MAGKAKAMBAL.
Samakatuwid masusukat ang kultura ng tao sa
kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika.
Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika
ayon sa tayog ng kanyang kultura.
LAYUNIN NG
MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating
kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung
kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring
kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa
maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng
mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong
papel(term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal
ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na
kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na
tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral
ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.
MGA
KAHALAGAHAN NG
MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
1. Kahalagahang Pangrehiyon - Napahihikat ang iyong
tagapakinig na mananatili sa kanyang paniniwala at huwag
lumipat ng sasamahan.

2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may


responsibilidad na palutangin ang mga kahalagahang
makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais
na umunlad ang kanyang buhay ay may puhunang kilangan
gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang maretorikang pang-
a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.

4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay


ngayon sa larangan ng pulitka ay likha ng personalidad at
popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa
pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong
boboto sa isang kandidato.
KANON O BATAS
NG
RETORIKA
Imbensyon:
Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso
ng paghahanap ng mga argumento na
magagamit para sa isang talumpati na
maaring sa paraang induktibo o
deduktibo.
Ang Induktibo ay ang pagbuo ng
pankalahatang kongklusyon mula sa
partikular na linya ng pangangatwiran.

Ang Deduktibo ay tumutukoy sa


pangangatwiran o mga impormal na
anekdota.
Pagsasaayos:
Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa
talumpati gayundin sa pagsasaayos o
pagbabalangkas sa mga sumusunod:
I. Introduksyon o Panimula.
II. Narasyon o paglalahad ng
mahahalagang punto tungkol sa isang
isyu.
III.Paghahain ng mga patunay sa kasong
tinatalakay.
IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian

ng mga katuwiran.

V. Kongklusyon na tumutukoy sa

nabuong hinuha matapos

mailahad ang isang talumpati.


Istilo:
Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng
mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o
ebidensya.
Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita,
pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap,
paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan
at kagandahan ng pagpapahayag.
Memorya:
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang
isang talumpati o mga mahahalagang punto ng
isang talumpati upang maging maayos ang
pagbigkas nito sa harap ng publiko.
Deliberasyon:
Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o
pagbigkas kung saan kinokontrol ang
modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng
mga ankop na kumpas sa isang talumpati upang
higit itong maging mabisa.
ANG RETORIKA
SA PROSESO NG
MABISANG
PAGPAPAHAYAG.
Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay
may mahalagang papel na ginampanan.
Kung susuriin ang isang pangungusap o
pahayag, maliwanag na makikita at lilitaw na
hindi sapat ang balarila lamang kundi
kailangan din ang retorika upang ito’y maging
mabisa.
Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may
kakulangan naman sa hikayat, kulay at kagandahan,
hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang
pahayag.
Hindi maitatanggi kung ganoon na ang retorika ay
isang sangkap na kailangang kasama ng balarila
upang magkaroon ng init at buhay ang
pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na
binibitawan ng tao.

You might also like