You are on page 1of 3

CO QAH + MELC LW

SANAYANG PAPEL Blg. 1


Course Outline & Quality Assured Handouts paired
with MELC- Based Learning Worksheet sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pangalan: ___________ Baitang at Seksyon: _________________________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagsumite: __________________________

MELC: Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay


(CS_FA11/12PD-Om-o-89))
Layunin/Subtasks:
1. Natutukoy ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.
Aralin: Pagtiyak sa mga Elemento ng Pinanood na Programang Pampaglalakbay
Kwarter Bilang: 2 Linggo. 4 Tudlaan ng Oras: Day 1 - 4
Sanggunian:
 Santos, C., Concepcion & G., Laranjo, R. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik- Patnubay ng Guro, 73-84.
 https://www.youtube.com/watch?v=mKBuy5l9GhM&t=10s

PANGUNAHING KONSEPTO

Ang lakbay sanaysay ay isang paglalahad ng isang karanasan o paglalarawan mo pagpunta


mo sa isang lugar. Hindi kinakailangang malayo dahil ang simpleng paglalakbay mo papunta sa
paaralan, simbahan, palengke o plaza ay maaari nang maging instrumento sa pagsulat na gagawin.
Mga Elemento ng Lakbay sanaysay
 Paksa- tumatalakay sa sentro ng iyong paglalahad na gagawin.
 Lugar- kung saan ito ang magiging lunsaran sa susulating gagawin.
 Layunin- dahilan kung bakit mo gusting ilahad ang karanasang ito.
 Datos- mga impormasyon tungkol sa lugar na pinuntahan, mga kakaibang bagay o tuklas
at mga kaalamang mula rito. Maaaring natatanging tao, pagkain o bagay sa lugar
 Karanasan o repleksyon- ilahad ang sariling karanasan at repleksiyon mula sa paglalakbay sa
lugar.

Handout Notes: Handout No.4 Paksa 1


Gawain 1
Panuto: Basahin ang lakbay sanaysay at pagkatapos pakisagutan ang mga tanong sa ibaba.
SAGAD! AHH!: Isang Paglalakbay sa Sagada
Akda ni B.S.Atlas
Mahaba ang paglalakbay ngunit puno ng kapanapanabik na kapaligiran ang aking nasaksihan.
Lulan kami ng tatlong bus na magsasagawa ng pang edukasyong paglalakbay sa klase ng
Masterado sa Filipino sa aming paaralan. Ilang araw akong hindi halos makatulog sa pananabik dahil
ito ang unang beses ko na makararating sa Sagada na matatagpuan sa bundok ng Cordillera sa
Norte ng Pilipinas.
Inabot ng labing anim na oras bago namin ito marating. Dahil nagkaroon ng ilang stop over
upang kumain at gumamit ng banyo. Nakakainip at masakit sa puwit at likod ang biyahe ngunit noong
kami ay nasa bandang Pangasinan na kami ay masarap nang pagmasdan ang paligid…Ilang siyudad
at bayan ang aming dinaanan at malalawak ang mga bukid at dagat na aking nakita sa aming mga
dinaanan.
Kinaaliwan ko nang husto noong paakyat na kami sa bundok ng Cordillera dahil makikita sa
kabilang bahagi ang matarik na daanan at sa kabilang bahagi naman ay kabundukan. Nakaramdam
ako ng takot dahil sa isang pagkakamali lamang sa pagmamaneho ng aming drayber ay malalim na
bangin ang aming babagsakan… Pero naaliw ako sa mga ulap, habang tumataas ang aming
paglalakbay ay kapanasin-pansin ang mga berdeng kabundukan.
Sa bukana pa lamang ng Sagada ay may mga bantay na naniningil para sa eco fee.
Nagbayad kami ng tig-20 pesos. Hinati kami sa grupo na may tiglimang miyembro at kumuha kami ng
tour guide para sa pag-iikot na gagawin. Unang pinuntahan namin ay ang Sugong Hanging Coffins.
Kahanga-hanga ang pagkakahanay pataas ng mga kabaong ng mga ninunong katutubo rito.
Ipinaliwanag ng guide naming na naniniwala ang mga katutubo na kapag mataas ang pinaglalagyan
ng kabaong ay mas mapalalapit daw ang kaluluwa sa langit. At sinasabi ring ginagawa rin ito upang
hindi makain ng mga hayop sa gubat ang labi ng kanilang kapamilya.
Dahil may daan na rin patungo sa bunganga ng kweba ng Sumaguing mula sa Hanging
Coffins ay dumiretso na kami. Bago kami pumasok sa kweba ay pinaalalahanan na kami ng aming
guide na ipadala sa kanila ang aming mga bag at hangga’t maaari ay wala kaming dala sa aming
kamay. Pinaalalahanan din kami na madulas ang aming tatahakin papasok sa kuweba kung kaya’t
huwag lumayo sa kaniya. Noong una ay marami sa amin ang nagduda kung kaya’t dinala pa rin
namin ang aming mga bag. Habang papasok kami ay nakaramdam na ako ng pagod at takot dahil
napaliligiran ng dumi ng paniki at may mga bahagi pa na humahawak kami sa paligid at gumagapang
pababa. Dito namin naunawaan ang sinabi ng aming guide kung kaya’t nakiusap na kami na
ipahawak sa kanya ang aming mga gamit. Matarik ang daan pababa, may mga pagkakataon pa nga
na kailangan naming tuntungan ang aming guide upang makababa. Nakita namin sa loob nito ang
mga batong hugis kurtina, hari, reyna at iba pa. Lubhang naging mahirap ang aming pinagdaanan
makababa lamang sa ilalim ng kweba. Habang bumababa ay nagkukwento pa ang aming guide na
may pagkakataon pa raw na biglang bumabaha sa ibaba kapag biglang umulan sa labas ng kuweba.
Halos tatlong oras ang ginugol naming sa pagbaba. Sulit naman sa ganda at lamig noong makarating
kami sa kaloob-looban nito. Ngunit ang hindi ko inakala ay mas mahihirapan pala kami paglabas sa
kuweba dahil may mga pagkakataong kinakailangan naming magrapelling upang makaakyat. Basa
na ang aming damit sa magkahalong pawis at tubig dulot ng kuweba. Halos apat na oras kami bago
makaakyat sa bunganga nito. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim bago kami makalabas. Masakit
man ang katawan ay natutuwa pa rin akong maranasan ito.
Nagpahinga kami sa isang transient house kung saan may anim na tao sa bawat kwarto.
Mabilis kaming nakatulog dulot ng pagod sa maghapong pamamasyal pero nangibabaw ang
pananabik sa mga pupuntahan pa namin kinabukasan.
Una naming pinuntahan ang echo valley park, mula sa aming tinuluyan ay 10 minuto papunta
rito at may sampung minuto muling trecking. Kagaya kahapon ay kasama pa rin naming ang aming
guide. Mayroong 1,162 metro ito above sea level. Tanaw namin mula rito ang papasikat na Haring
araw at ang alon ng mga ulap. Napakalamig ng simoy ng hangin dito. Dito raw madalas maglabas ng
sama ng loob ang mga turista sa pamamagitan ng pagsigaw sa mga hinaing nila. Mula rito ay
dumiretso kami sa simbahan ng Virgin Mary kung saan kahanga-hang ang kasimplehan at
katahimikan dito. Ito ang magiging huling destinasyon naming…bitin pero sulit at babalik-balikan.
Sagada na sagad sa adventour, sagad sa saya, sagad sa pagod at sagad sa karanasan.

Pagsasanay 1
Mula sa napakinggan/nabasang sanaysay na pinamagatang “Isang Paglalakbay sa Sagada”,
ipaliwanag ang bahagi kung saan ipinakita ang mga elemento sa ibaba.
PAKSA: Ano ang partikular na nais ipakita sa iyong nabasang sanaysay?
LAYUNIN: Ano ang gustong iparating sa nabasang sanaysay?
LUGAR: Anong mga lugar sa Sagada ang itinanghal dito? Magbigay ng isang halimbawa.
DATOS: Anong mga kaalamang bago sa iyo ang iyong narinig/nabasa mula sanaysay? Magbigay
ng isang pagpapaliwanag.
KARANASAN: Ihambing ang karanasan mo sa karanasan ng iyong nabasang sanaysay.

SAGUTANG PAPEL:
Pagsasanay 1
PAKSA:
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

LAYUNIN:
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

LUGAR:
____________________________________________________________________________

DATOS:

KARANASAN:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagsasanay 2
Sa tulong ng Venn Diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pinanoood na
programang pampaglalakbay na pinamagatang “Biyahe ni Drew: The amazing waterfalls of
Calbayog, Samar” at binasang teksto. Magbigay lamang ng isang deskriptibong sagot o
pangungusap.

Inihanda ni:

ANA MARGARITA DAGA-BAUTISTA

SST-III

You might also like