You are on page 1of 5

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO 11/ 12

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKO)

Pangalan: ______________________________ Lebel: ____________________

Seksiyon: ______________________________ Petsa: ____________________

8. LAKBAY SANAYSAY

BASAHIN NATIN!

Ang lakbay sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay kinikilalang paglilibang sa mga
panahong walang gawain. Kadalasan, ang may kaya lamang ang maaaring makakuha ng pribelehiyong ito
dahil may kamahalan ang mga magasin noon.

Ayon kay Seneca “Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip”.

Travelogue -nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar at karanasan

 Dokumentaryo
 Palabas sa telebisyon
 Bahagi ng panitikan
 Pelikula

Mga Gabay sa Pagsusulat ng Lakbay Sanaysay :

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao.
4. Huwag magpakupot sa normal na atraksyon at pasyalan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.
6. Alamin ang mga natatanging pagkain sa lugar.
7. Bisitahin ang maliliit na pook- sambahan na hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan
ng pananampalataya nito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.
Kasanayang Pagkatuto at Koda

 Panonood ng programang pampaglalakbay (CS_FA11/12PD-0m-o-89)


Panuto :

Bago ang Gawain, panatilihing malinis ang iyong kagamitan at siguraduhing sinunod ang
tamang paghuhugas ng kamay. Nasa ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.

Pamamaraan

GAWAIN 1:

Panoorin ang video https://www.youtube.com/watch?v=PLoFHVM1Jq4.

1. Alin sa mga napanood mo ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na makarating sa lugar na iyon, ano kaya ang
maaari mong maisulat tungkol dito?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. KWL Chart

Ano ang alam ko? Ano ang nais kong Ano ang aking
malaman? nalaman/natutuhan?

GAWAIN 2:

Pagbasa
Minsan, dumarating ang pagkakataon na gustong-gusto nating isulat ang mga bagay
na ating nakikita o lugar na ating napupuntahan dahil tila rito natin nailalabas ang ating
mga saloobin, hanggang sa di natin namamalayan na nakabubuo na tayo ng isang
sanaysay.
Ano ang maaari mong itawag sa sanaysay na ito? Panoorin ang video clip na ito
upang malaman ninyo kung tama ang inyong mga naging kasagutan.
Buksan ang link.na:
https://www.youtube.com/watch?v=U-m4ujMOk3E

A. Hanapin ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa loob ng pangungusap.

1. Sa kanyang destinasyon sa ibang bansa, di malayong magiging mabuti ang kanyang


patutunguhan.
2. Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng akademikong sulatin na nangangailangan ng
masusing pag-aaral.
3. Ugali na ng mga Pilipino na asikasuhing mabuti ang dumarating na mga panauhin
sapagkat bahagi na ito ng kanilang kultura.
4. Sa paglalakbay ay maraming bagay ang maaaring madiskubre higit pa sa mga
matutuklasan lamang sa pagbabasa at pananaliksik.
5. Hindi ko maintindihan ang matatalinghagang salitang nakapaloob sa tulang aking
nabasa ngunit sabi ng aking guro ito raw ay mga tayutay.
B. Pag-unawa sa binasa
Ipaliwanag
1. Ano ang kahulugan ng lakbay sanaysay?
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
3. Paano naiiba ang lakbay-sanaysay sa iba pang sulatin? Magbigay ng halimbawa.
4. May isang pilontropo na magbibigay ng pagkakataon sa iyo upang makapaglakbay
ng libre sa buong Pilipinas, ngunit bilang kapalit ay hinilingan ka niya na makabuo
ng isang magandang lakbay sanaysay, alin sa mga pupuntahan mo ang iyong
isusulat? Bakit?

GAWAIN 3:

1. Maghanap sa youtube ng tatlong minutong dokumentasyon na nadukumentaryo ng


mga kilalang personalidad tulad nina Kara David, Jessica Soho, Korina Sanchez at iba pa.

2. Ilahad sa paraang pasulat ang nakuhang datos sa napanood na dokumentaryo.

GAWAIN 4 :

A. Balikang muli ang KWL Chart at sagutan ang ikatlong kolum pagkatapos ay ilahad ang
naging resulta ng iyong natutuhan.

B. Suriing mabuti ang sanaysay sa ibaba. Tukuyin ang mga bahagi na nagpapakita ng
pagiging malikhain ng manunulat, kung ano-ano ang mga nasaliksik niya sa lugar na
kanyang pinuntahan at bilang bumabasa ng akdang nabanggit, paano naipahatid sa iyo ng
may-akda ang kanyang naramdaman sa kanyang paglalakbay. (Isulat ang iyong sagot sa
isang buong papel.)

Wala akong lugar na higit pang mailalarawan pagdating sa kultura,


kundi ang aking probinsiyang aking kinagisnan…ang Bulacan.

Sapul sa pagkabata, namulat ako sa paligid na puno ng pagmamahal at


kagandahang-asal na turo ng aking mga magulang.
Sa aking bayang Plaridel at sa marami pang bayan sa Bulacan, Tagalog
ang aking kinamulatan o unang wikang natutuhan na nagtataglay ng mga
barayti,tulad sa Hagonoy na may punto sa pananalita.

Madasalin ang mga taga Bulacan at naging kaugalian na nila ang


pagdiriwang ng piyesta bilang pasasalamat sa mga patron o pintakasi ng
iba’t ibang lugar. Sa Obando, Bulacan ay naging kaugalian ang pagsasayaw
ng babae o maging ng kaniyang asawa habang lumalakad ang prusisyon
magkaroon lamang sila ng anak na minimithi. Pinaniniwalaang sa
pamamagitan ng pagsasayaw ay mabibigyan sila ng anak na kaytagal na
nilang hinihiling sa Panginoon.

Kaiba sa Pulilan, Bulacan na sa tuwing sasapit ang kapistahan, dito ay


nagpapakitang gilas ang mga kalabaw na sadyang dinarayo ng karamihan.

Ang tanyag na Bocaue, pagdating sa larangan ng paggawa ng


paputok ay kinilala bilang “ Fireworks Capital of the Philippines”. Di rin
malilimutan ang “Pagoda Tragedy” na kumitil sa maraming buhay habang
ipinagdiriwang ang araw ng kapistahan nito.Napatanyag din sa lugar na ito
ang itinayong “Philippine Arena” ng Iglesia ni Cristo.

Pagdating sa kasuotan, di napahuhuli ang mga taga-Bulacan,


mamatanda o bata, mayaman o mahirap, babae, lalaki o bakla ay
nakasusunod sa takbo ng moda.

Sa larangan ng panliligaw, masigasig at matiyaga ang mga taga-


Bulacan. Bagama’t wala na ang dating pag-iigib, pagsisibak ng kahoy at
panghaharana, nanatili pa rin ang masuyong panliligaw ng mga kalalakihan.
Kaya di na ako lumayo, rito sa Plaridel ko nakilala ang ama ng aking nag-
iisang anak na tunay kong iniibig.

Kung pag-uusapan naman ang mga pagkaing tumatak sa isip ng


maraming tao, kilala pa rin ang Bocaue sa kumbinasyon ng dinuguan at
putong puti. Ang ensaymada ng Malolos, ang chicharon sa Sta. Maria at ang
pastillas sa San Miguel magpasa hanggang ngayon ay tanyag pa rin at
sadyang kinagigiliwan ng mga mamimili.

Sadyang maipagmamalaki ang Bulacan maging sa kasaysayan man ng


mga kinilalalang tao tulad nina Francisco Balagtas, Marcelo H. Del Pilar, Blas
Ople, Bert “Tawa” Marcelo at iba pa

Sa paglibot ko sa Bulacan, nakita ko ang magagandang lugar tulad ng


Barasoain Church sa Malolos, ang Amana Water Park sa Pandi, ang National
Shrine ng Divine Mercy ng Marilao, ang tanyag na Biak na Bato National Park
ng San Rafael, ang Candaba Bird Sanctuary sa Baliuag, ang Galilee Mansion
and Garden Resort sa Bustos at marami pang iba.

Sadyang di ko malilimutan ang mga naging karanasan ko habang


nililibot ang iba’t ibang bayan ng Bulacan. Ang probinsiya na aking
kinamulatan, ang naging tanggulan ng aking kabataan at naging piping saksi
ng lahat ng aking mga pinagdaanan. Tunay na maipagmamalaki ko ang iba’t
ibang bayan na bumubuo rito sapagkat napakaraming tagong yaman,
kaugalian, paniniwala at kasaysayan ang dito ay ating matutuhan.

Kaya, ano pa ang hinhintay ninyo? Tara na….sa probinsiyang


pinagpala…ang Bulacan !

Pamantayan sa pagmamarka:

1 2 3 4 5
Hindi Hindi buong Natugunan Lumampas Sobra pang
natugunan natugunan pa nang natugunan
kaunti sa
inaasahan
Nilalaman o Limitado sa Hindi May ugnayan May pokus Malinaw
detalye datos, malinaw. ang mga
walang tema Maraming ideya
dapat
sagutin
Organisasyon Magulo ang Di malinaw Maayos at May malakas Malakas ang
pagkasulat at walang malinaw na simula, simula, gitna
pokus gitna at at wakas at
wakas malinaw ang
pokus

Bokabularyo Di-angkop Di- Nakakukuha Makabuluhan Mabisa at


ang ginamit konsistent sa ng atensyon ang mga angkop ang
na mga salita gamit ng ang mga ginamit na mga salitang
salita salitang salita ginamit
ginamit

11 – 15 Napakahusay!
6 – 10 Mahusay!
1 – 5 Konting praktis pa!

Mga Sanggunian

 https://www.youtube.com/watch?v=U-m4ujMOk3E
 : https://www.youtube.com/watch?v=PLoFHVM1Jq4
 https://www.slideshare.net/sweetserenity16/lakbay-sanaysay
 https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/

Inihanda:
Cherry Ann Marie M. Novelles
Guro II

You might also like