You are on page 1of 3

Caspi, Sean Andrie D.

BSED II-B SOSLIT


V. PAGSUSURI
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong tula na mababasa. Ibigay ang mga hinihinging
katanungan.

(Ito ay labas sa obhektibong pagtatasa at pagtataya sa kanilang natutuhan. Ang bahaging ito ay
magsisilbing aplikasyon at sipat sa pagkatuto sa pagsusuri ng tektong guro mismo ang umakda
para patas ang pagmamarka)

"Hindi Biro ang Makalimutan Sa Likod ng Iyong Pithaya’t Papuring may Dangal"
ni: G. Denis C. Suansing, MAF

Ako ay minsang itinuring na may laki, lawak at tunay na


kamangha-manghang dulot sa pag-inog...
Walang kapantay at walang humpay—
Ngunit sa daang taong lumipas nagkaroon ba ng ganap na pagkilala?

Hinanap ko ang sarili… kung saan ako makapagsasalitang muli,


May nakaririnig pa ba? kahit sa simpleng usapan man lang
Gayundin, may nakakikita pa ba? o nakakakilala man lang

Nagbadya ang ilang tanong sa pagpapatuloy…


Saan mo ba ako tinimbang?
Kagyat na nabura ang ugat ng dahilan at pinagmumulan—
Naging pithayang artpisyal ang kaakuhan sa panahon ng paglaya sa pagkakapiit

--Ang panawagan ay umalingawngaw mula sa pagtanggap ng banyagang mukha--

Hindi ito ang pagdaloy ng saysay sa kasaysayan!


Binasa ako sa unang pagkakakilala ng A-BA-KA-DA
at hindi EY-BI-SI-DI na siyang bunga ng pag-unlad na wini-wika ng karamihan
Pag-uulit Niya- "Hindi Biro ang Makalimutan"

Hiragana, Katakana, Kanji at Hangul 


Wala sa nabanggit ang aking ngalan
BAYBAYIN ang aking kaakuhan at bilang kabuuan—malungkot dahil
ALIBATA pa nga ang sambit ng mga nagdudunong-dunungan

Espasyo ng dangal ay inilalaan sa paimbot na pag-aakong sila’y Pilipino


Ngunit ang pinapapurihan sa pag-angat ay—
THANK YOU, ANNYEONGHASEYO,
at KONNICHIWA

May lubos na pagluha sa kawalan—hindi ito makatotohanan!


Patuloy akong napipiit sa tanikalang nawala na ang tunay na kagandahan
at layang patuloy na nakukubli dahil sa iniwan mong pamantayan!
Bakas ang pithaya’t papuring may dangal na sayo lamang nakalaan!
Pag-uulit Niya- "Hindi Biro ang Makalimutan"
Ngunit naging matatatag sa patuloy na paniniwala
na may proseso ang paglimot
Muling may makatatanaw sa inakalang lipas kong panahon!

Ako, ikaw at mismong muling umibig, umiibig at patuloy na nanatili


ang magpapapatuloy magpaalala sa
mundong nawalan na nang pagkiling at lambing...

""Hindi Biro ang Makalimutan"


Ngunit pag-ibig ang siyang magtutuwid sa binaluktot at sinayang na
alaala ng iyong pithaya’t papuring may dangal

Mga Gabay na Tanong: (Hindi bababa sa sa 2 talata at hindi lalagpas sa limang talata ang
kasagutan)

(51-55) Batay sa iyong nabasa, ano at paano ipinakakahulugan ng manunulat ang akda?

Sa akdang aking nabasa, naipahayag ng maliwanag at maayos ng may akda ang nais
niyang ipabatid na mahalaga parin ang sarili nating wika. Marami rin itong mga kakaibang salita
na ngayon lamang nabasa ng aking mga mata. Napakalaking tulong ng mga halimbawa na
ibinigay sa akda, nailarawan ng maayos ang nais ipahayag. Malalalim ang mga salita ngunit
maiintindihan mo agad ang nais iparating ng manunulat.
Ang naintindihan ko sa mismong akda ay ang ating sariling wika ay dapat paring
tangkilikin kaysa sa wikang banyaga. Mararamdaman natin dito kung gaano kamahal ng may
akda ang wikang Filipino. Ang wika, sa anumang anyo, pasulat man o pasalita, ang
pinakamabisang paraan ng paghahatid ng mga ideya at pagpapanatili ng kasaysayan at mga
talaan ng mga sinaunang Pilipino sa mga simpleng yugto. Maaaring madama ng isang tao ang
lakas ng kanyang damdamin, ang lalim ng kanyang personalidad, ang kalikasan ng kanyang
kapaligiran, ang saklaw ng kanyang kultura at sining, ang kanyang kakayahan sa anumang paksa,
at ang pagiging totoo ng kanyang akda sa pamamagitan ng kanyang sariling wika   gaya ng
manunulat ng akda na ito ang ginawa.
(56-60) Kung ikaw ang magbibigay ng iyong sariling suri sa babasahin, paano mo
ilalahad ang iyong pansariling reaksyon, at natutuhan sa pagbasa? (Maaaring maging malaya sa
kahit anong gustong bigyan ng punto)

Sa akdang aking nabasa, napakaraming matututunan sa bawat taludtod at


matatalinhagang salita dito. Namangha ako sa galing ng manunulat dahil sa pag gamit niya ng
akdang ito upang maipahayag ang kaniyang simpleng pagmamahal sa sariling wika. Nais niyang
maipabatid sa mga mambabasa ang kahalagahan ng wikang Filipino. Maraming ibinigay na
halimbawa dito kaya mauunawaan ito ng mabuti. Para sa akin, nakadadagdag ng kaalaman at
laong mapapalawak nitong akda ang ating isipan hinggil sa kahalagahan ng ating wika kaysa sa
wikang banyaga. Lubos akong nagpapasalamat sa manunulat sapagkat binigyan nya ng
panibagong kaalaman ang aking isipan at pinalawak pa ito. Dahil don maitatatak ko sa aking
isipan ang pagiging isang Pilipino na nagmamahal sa wikang Filipino.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Nilalaman
(Kabuluhan at Ugnayan ng mga
inilahad na datos at impormasyon) --------4
Pagsunod sa Alituntunin ---------------------1
KABUOAN:-------------------------------------5

“Ang katapatan sa sarili ay katapatan na rin sa bayan.”


***********Gabayan ka nawa ng Panginoon***************

You might also like