You are on page 1of 3

(KATH) MALIKHAING SULATIN-

 Creative writing kung tawagin ay nangangahulugang anumang


pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang
propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga
anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring
totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay.  Maaring batay
ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng manunulat.
Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng
damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.

 (ACE) ANG NAPILI NAMING HALIMBAWA NG MALIKHAING SULATIN


AY

SANAYSAY

- Ano ang sanaysay?

Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag,


magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay
ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa
lamang. Karaniwang mayroon itong simula, katawan, at wakas na nagiging
dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng sumusulat.

- ILALAHAD NI SALAVANTE ANG BUOD NG BAGO PA TULUYANG MALIGAW NA ISINULAT NI


PAMELA A. MENDOZA

AFTER----

BABASAHIN YUNG MGA NILALALAMAN

PUPUNTA NA TAYO SA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NA AMING GINAMIT

ANG DALAWANG ESTRATEHIYA AY ANG WEBBING O PAGUUGNAY UGNAY NG IDEYA AT


CONCEPT MAPPING NA PAGDEDEVELOP NA IDEYA

SIMULAN NATIN SA – WEBBING


SUSUNDAN NG CONCEPT
After (KATH)
- Minsan, maliligaw tayo sa paglalakbay sa paghahanap ng ating mga sarili. Maaari ring maligaw
tayo sa kawalan dahil sa pananatili lamang sa loob ng sarili habang nililipasan ang mga larawang
ating nadaraanan.

Kapag tayo ay nasa loob lamang ng sariling tahanan, hindi na natin namamalayan ang mga nangyayari
ating paligid kung ano na ba ang mga Nawala at bumalik sa paligid. Mapupuno marahil ang puso’t
isip natin ng kapanatagan at kuntentong pakiramdam kapag natutunan nating paglaanan ng
isang espesyal na lugar sa ating kamalayan ang kapaligirang tila isang sinapupunang
bumubuhay sa atin.walang na tayong pakialam sa ating relasyon sa ating kapaligiran,
kapag naging makasarili tayo’t walang ibang iniintindi kundi ang mga akala nati’y
pangangailangan ng ating katawan Hindi natin mapapansin ang mga senyales na
ipinapakita ng ating kapaligiran.
(ACE) ANG MGA TAUHAN SA STORYA
SARILI – Ipinapahayag nya ang kanyang mga naranasan sa pananatili lamang sa apat na
sulok ng bahay
CARL JUNG (SIKOLOHISTA) – siya ang nagsabi ng ang isip ng tao ay hindi lamang binubuo ng
kamalayan.
- May mga bagay din ditong kay hirap isawika – samu’t saring alaala ng mga larawan, na
may kakabit na mga pakiramdam, na walang tigil na nagbabanggaan, bumubuo ng mga
bago pang larawan at nagtatakda ng daloy ng ating kamalayan.
-NANAY na siyang nagturo ng mga aral at kanyang mga karanasan sa buhay na dapat tinatamasa ng isang kabataan.

-KABATAAN – Hindi pa siya gaanong nasasakal at nababarahan ng mga bagay sa nakaraan.

-SANGGOL – Dito niya ikinikumpara ang kanyang sarili

MGA TAGPUAN:

 BAHAY – Kung saan nya inuubos ang kanyang oras at panahon


 KALSADA – Ikinukumpara nya ang sikip ng upuan sa dyip at ang kalsada
 PALAYAN – Napapansin niya na ang malawak na palayaan noon ay minsan na lamang
makita sa ngayon
 GUSALI AT ESTABLISYAMENTO – Napupuno na tayo gusali at establisyamento na
para sa kanya ay tila bang napakasakit sa mata.
 KAPALIGIRAN – Nawawalan na tayo ng pokus sa kapaligiran marahil ay sarili na
lamang natin ang ating iniisip. Tayo ay puro kumokunsumo na lamanh at wala tayong
binabalik sa ating kapaligiran.
(KATH) MAHAHALAGANG DETALYE:
READ AND EXPLAIN:
1. Maliligaw ka o ang iyong isip upang mahanap mo ang tamang layunin mo or mithiin mo at maari ring
mawala tayo sa landas kung hahayaan nating masira ang kapaligiran at wala kang iniintindi kundi ang
pansarili mo lang or kung paano ka mabubuhay sa mundong ibabaw at hindi mo makikita kung mayroon na
bang nasisira sa kapaligiran mo dahil ang iniisip mo lang ang pangkabuhayan mo.
2. Sinasabi rito na ang mga kabataan ay bahagi na ng ating kasaysayan o lipunan ngunit hindi pa nito nakikita
ang tunay na gampanin nito sapagkat ang kalikasan ang mag sisilbing taga hubog ng kanyang pagkatao at
mapanatili itong maayos para sa mga susunod na henerasiyon pa.
3. Sinasabi sa parte ng kwento na ito na maninibago tayo sa kung ano ang ityura ng kapaligiran na ang
kapaligiran din ang tumutulong sa atin upang hindi mapalala ang kalamidad. Magkakaroon ng magandang
kalooban kung matutuhan mong bigyang halaga ang kapaligiran na isa rin na tumutulong sa atin upang
mabuhay at ang pakiramdam na ito ay parang mananatiling magaan sa puso dahil alam mong wala kang
ginagawang mali para masira ang kapaligiran.

IBA PANG HALIMBAWA NG SANAYSAY

 Sungkitin pabalik ang nakalipas – Tayo ang magiging bida sa kasaysayan ng ating lahi
 Ang Makulit, Ang Mapagtanong At ang mundo ng kasagutan - Patungkol sa paggamit ng
makabagong teknolohiya sap ag-aaral. Dati rati ay ang libro lamang ang source ng
kaalaman sa ngayon ay lahat ay maari mo nang makita sa internet.
 Sa aking pagbuklat ng makabagong pahina – Paggamit ng ebooks bilang isa na ring
paraan ng pagkuha ng mga iba pang ideya, mas napapadali nito ang pagaccess sa nga
nakalimbag na libro.
 Gulayan sa Klasrum – Ito ay pinamagatang gulayan sa klasrum dahil Ang gulayan namin ang
siyang nanindigang mga buhay na guro’t aklat ko dito sa’king ‘paaralan.’ Tinuruan niya akong
ibigin ang aking kapaligiran, maging maka-kalikasan: isang payak na simula na siyang pinag-
ugatan ng higit kong pagtatangi sa’king lahi at sa kalinangan ng aking pamayanan.

You might also like