You are on page 1of 16

Layunin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ay


malilinang ang iyong kasanayan sa mga
sumusunod:
1. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay
sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang
ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin
(F9PB-IIIb-c-51); at
2. Naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya
(F9PU-IIIa-53).
Sino ang taong pinakaayaw mong makita sa loob ng
kahong ito? Bakit?
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
(Elehiya ng Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Walang katapusang pagdarasal
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang
Di maipakitang pagmamahal kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at
larawan, Pema, ang immortal na pangalan
aklat, talaarawan, at iba pa. Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Wala nang dapat ipagbunyi Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Ang bukid ay nadaanan ng unos
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita Malungkot na lumisan ang tag-araw
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak Kasama ang pagmamahal na inialay
at ang ligayang di-malilimutan. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
Gawain: #P2 (Pagdalumat sa Pagkamulat)
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa akdang, “Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya.” Suriin kung anong elemento ng elehiya ang ipinahahayag
nito.
Tauhan Tagpuan Kaugalian o Tradisyon
Damdamin Simbolo Tema Wikang ginamit

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Mga Elemento


1. “Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita, Ang masayang panahon ng
pangarap”
2. “Mula sa maraming taon ng paghihirap, sa pag-aaral at paghahanap ng
magpapaaral”
3. “Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan”
4. “Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, aklat,
talaarawan, at iba pa.”
5. “Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw”
1. Ano ang tema ng elehiyang binasa? Paano ito
naipakita sa akda?
2. Sa anong panahon naganap ang mga
pangyayari sa elehiya?
3. Anong damdamin ang nangibabaw sa tula?
Paano naipahiwatig ng may-akda ang damdaming
ito sa kaniyang mga mambabasa?
4. Bakit labis ang pagpapahalaga ng mga tao sa
mga bagay na naiwan ng mga mahal sa buhay na
lumisan na sa mundong ito?
5. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng
mga akdang pampanitikan?
Ano ang elehiya?
• Ito ay isang tulang liriko na
tumatalakay sa paglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guniguning
nagpapakita ng masidhing damdamin
tungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang
mga nagawa ng mga namayapang
mahal sa buhay.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay
kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang
elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan
na lumutang sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat
sa akda.
6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa
antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga
nakapag-aral ng wika.
b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang iyong
maging gabay para sa mas mabisa at mas makabuluhang pagbuo
nito.
E - Emosyon ang palutangin.
L - Laging isaisip at isapuso ang pagkilala sa taong pag-
aalayan nito.
E - Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa
buhay ng taong pag-aalayan nito.
H - Hayaang malayang maisulat ang naiisip ngunit
marapat na basahing muli pagkatapos.
I - Isaalang-alang ang paggamit ng wika sa pagbuo nito.
Y - Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan
ng mapagnilay na mensahe sa mga mambabasa.
A - Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
Tayahin

1. Ano ang damdaming lumutang sa


akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya”?
A. kalungkutan
B. katatawanan
C. kasiyahan
D. pagkapoot
2. Anong elemento ng elehiya ang
tumutukoy sa mga paniniwala, gawi
o mga nakasanayang lumutang sa
pagbuo nito?
A. damdamin
B. simbolo
C. kaugalian o tradisyon
D. wikang ginamit
3. Anong dalawang antas ng wika
ang ginagamit sa pagsulat ng
elehiya?
A. ganap at ‘di ganap
B. ponema at morpema
C. pantangi at pambalana
D. pormal at ‘di pormal
4. Sino ang personang
nagsasalita sa akdang, “Elehiya
sa Kamatayan ni Kuya?”
A. kuya
B. manunulat
C. nanay
D. nakababatang kapatid
5. Ano ang ginagamit na
kasangkapan upang magpahiwatig
ng mga ideya o kaisipang nakapaloob
sa elehiya?
A. damdamin
B. simbolo
C. kaugalian o tradisyon
D. wikang ginamit
Panuto: Sumulat ng isang elehiya mula sa sitwasyong nasa
kahon. Suriin ito batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo at damdamin. Gawing batayan sa pagsulat
ang pamantayan sa susunod na slide. Isulat ito sa colored paper
at lagyan ng pabalat.

Nagkaroon ng malakas na bagyong tumama sa


bayan ng Pambujan at maraming ari-arian at tao
ang kinailangang sagipin. Ngunit sa ‘di inaasahan,
isa sa inyong mga kamag-anak ang nalunod at
namatay. Habang ikaw ay nag-iisa at nakatingin sa
kawalan, naisipan mong lumikha ng elehiya bilang
pagkilala at pag-alala sa kaniya.
Pamantayan Napaka Mahusay
(4 puntos)
Medyo
Mahusay
Magsanay
pa
husay
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)

Nilalaman:
Nailahad nang tama at maayos ang tema o paksa ng
binuong elehiya.
Wika at Gramatika:
May wastong gamit ng wika at tamang bantas sa
bawat pangungusap.
Kasiningan:
Malikhain at masining ang ginawang elehiya at
nagpapakita ng pagiging matapat, matalino at
mapanuri.
Organisasyon:
Maayos na naipaliwanag ang pagiging epektibo ng
organisasyon ng isinulat na elehiya.
KABUUAN

You might also like