You are on page 1of 3

Ano ang elehiya?

• Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguning


nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang mahal sa buhay.

Mga Elemento ng Elehiya

1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay kongkretong kaisipan o batay sa
karanasan.

2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.

3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.

4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang sa elehiya.

5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.

6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.

7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang antas:

a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga nakapag-aral ng wika.

b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan.

1. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?

A. kalungkutan

B. kasiyahan

C. katatawanan

D. pagkapoot

2. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang lumutang sa
pagbuo nito?

A. damdamin

B. kaugalian o tradisyon

C. simbolo

D. wikang ginamit
3. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?

A. ganap at ‘di ganap

B. pantangi at pambalana

C. ponema at morpema

D. pormal at ‘di pormal

4. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?”

A. kuya

B. nanay

C. manunulat

D. nakababatang kapatid

5. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa
elehiya?

A. damdamin

B. kaugalian o tradisyon

C. simbolo

D. wikang ginamit

6. Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?

A. pagkagalit

B. pagpapasakit

C. paghihiganti

D. pag-alala sa namayapa

7-8. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na nasa loob ng kahon para
sa pagsagot ng mga tanong.
Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang
kinahinatnan. Mula sa maraming taon ng paghihirap, Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral, Mga
mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala. O, ano ang naganap? Ang buhay ay saglit na Nawala.

7. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng kahon?

A. kaligayahan

B. kalungkutan

C. pagkainis

D. pagkapoot

8. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa kahon?

A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.

B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.

C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo.

D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil sa pagpanaw ng minamahal.

9. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng isang elehiya?

A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.

B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.

C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito.

D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahe sa mga mambabasa.

10. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng isang elehiya?

A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.

B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.

C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.

D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang lubos na maunawaan ng mambabasa.

You might also like