Batay sa larawang iyong nakikita, anong damdamin ang namayani kapag
mawalan o maiwan ng mahal sa buhay? Ano kayang maaari mong gawin upang maibsan ang pagdadalamhati? KATANUN GAN : 1. Ano ang tema ng binasang tula?
2. Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?
3. Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang akda?
4. Bakit mahalaga sa sumulat ng tula ang mga alaalang iniwan ng
kaniyang kapatid? Ganito rin ba ang pagtuturing mo sa mahal mo sa buhay?
5. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. May katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis, pag-alaala, at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi, mapagmunimuni, at di-masintahin. NARITO ANG MGA ELEMENTO NG ELEHIYA:
A. TEMA- ANG KABUOANG KAISIPAN NG
ELEHIYA. B. TAUHAN- MGA TAONG KASANGKOT SA TULA. C. KAUGALIAN O TRADISYON- NAKIKITA ANG NAKAUGALIAN O ISANG TRADISYONG MASASALAMIN SA TULA. D. WIKANG GINAGAMIT- MAAARING PORMAL O DI- PORMAL 1. PORMAL- AY STANDARD NA WIKA NA NAGHAHATID NG MAHAHALAGANG KAISIPAN O KAALAMAN SA MAKAAGHAM AT LOHIKAL NA PAGSASAAYOS NG MGA MATERYALES TUNGO SA IKALILINAW NG PINAKAPILING PAKSANG TINATALAKAY. 2. DI-PORMAL- AY KARANIWANG SALITA NA GINAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA USAPAN. E. SIMBOLO- GUMAGAMIT UPANG IPAHIWATIG ANG ISANG KAISIPAN O IDEYA. F. DAMDAMIN -TUMUTUKOY SA EMOSIYONG NAKAPALOOB SA TULA. Panuto: Suriin ang iba’t ibang elemento ng elehiya sa tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga wikang ginamit, simbolismo,damdamin, at mga kaugalian o tradisyon. Tema • Tungkol sa kamatayan ng isang mahal sa buhay. Tauhan • Kuya – Nakatatandang kapatid na lalaki na namatay sa edad na dalawapu’t isa. • Kapatid – Siya ang naglalahad at tagapagsalita sa tula. Damdamin • Kalungkutan at pighati Kaugalian at Tradisyon • Pag-alaala sa mga mahal sa buhay na yumao na sa pamamagitan ng mga bagay na kanilang naiwan sa loob ng kanilang bahay. Maging ang mga alaala na kung saan ay madalas kayong magkasama. Simbolismo • Pema – Sa Bhutanese, ang pangalang ito ay kadalasang tumutukoy sa isang babaeng naalala ang lahat ng mga bagay na nakalimutan na ng karamihan. • Larawan • Aklat • Talaarawan Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong elemento ng elehiya ang tinutukoy sa bawat pahayag.