You are on page 1of 18

PARABULA AT

ELEHIYA
• ang PARABULA ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng
dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari.
• ang mga mensahe ng parabola ay hindi lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat
nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao.
• tinatawag ding talinghaga ang isang parabula sapagkat naglalayon itong magturo ng
aral sa babasa at kalimitang hango sa bibliya.
• Sinasabing kinakailangang magkaroon ng kaakit-akit na pamagat ang isang salaysay
upang makapukaw ng atensyon sa mambabasa.
ELIHIYA
ANO ANG ELIHIYA
• Ito ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang namatay ito ay
naglalarawan ng pagbubulay bulay sa kamatayan.
• karaniwan ng malungkot ang nilalaman ng elihiya.
• nilalaman din nito ang pag aalaala o pagpupuri sa namatay.
• Ito ay isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamain katulad ng
kalungkutan, kasawiaan o kaligayahan
ELEMENTO NG
ELEHIYA
1. Tema- ito ay mga pangkabuuang kaisipan ng elehiya. Ito ay
kadalasang kongkretong kaisipan at pinagbasehan ay ang
karanasan.
2. Tauhan - taong kasangkot sat ula.
3. Tagpuan - Lugar o Panahon na pinangyarihan ng tula.
4. Kaugalian o Tradisyon - pinagbasehan ay ang karanasan
5. Wikang Ginamit
a. Pormal - salitang istandard
b. b. Impormal – madalas gamitin sa pangaraw-araw na
pakikipag-usap.

6. Simbolismo- paggamit ng simbolo para magpahiwatig ng


isang ideya o kaisipan
7. Damdamin - emosyon na namamayani sa tula
TULANG LIRIKO
• Ang tulang liriko o damdamin ay nagpapahayag ng
saloobin at damdamin ng isang makata.
• Hindi ito nagpapahayag ng isang kuwento na naglalarawan
sa karakter at aksyon sapagkat direktang sinasabi ng makata
sa mambabasa ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.
May mga iba’t ibang uri ng liriko o damdamin. Ito ay ang
mga sumusunod:

1. Awit (dalitsuyo)
2. Elehiya (dalitlumbay)
3. Pastoral (dalitbukid)
4. Oda (dalitpuri)
5. Dalit (dalitsamba)
6. Soneto (dalitwari
1. Awit (dalitsuyo)
• Ito ay tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong,
na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na
dulong tugma ay isahan.
• Karaniwang awiting ating naririnig araw-araw.
• Ang karaniwang paksa ay nauukol sa matimyas na pagmamahal (sad love songs),
pagmamalasakit, paghihiganti ng isang mangingibig.
• Ang himig ay malungkot at mapanglaw.
2. Elehiya (dalitlumbay)
• Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko na
nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol
sa kamatayan o sa paggunita sa isang yumao na
• tula ng panangis sa alaala ng yumao at himig na
matimpi.
3. Pastoral (dalitbukid)
• pangunahing naglalarawano may kinalaman
sa buhay sa bukid
4. Oda (dalitpuri)
• Karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang
papuri sa isang tao o isang bagay na kinukuha ng
interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para dito.
• tulang liriko na higit na dakila at marangal.
5. Dalit (dalitsamba)
• Karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang
papuri sa isang tao o isang bagay na kinukuha ng
interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para dito
• Isang awit na pumupuri sa diyos.
6. Soneto (dalitwari)
• Ito ay karaniwang may 14 linya.
• Hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
WALONG (8) ELEMENTO NG ELEHIYA:
1. Tema:
Ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong
kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.
2. Tauhan:
Taong kasangkot sa tula.
3. Tagpuan:
Lugar o Panahon na pinangyarihan ng tula.
4. Kaugalian o tradisyon:
Nakabatay sa kultura, paniniwala at tradisyon ng makata.
6. Wikang ginamit:
Pormal- Ito ay may istandard o pamantayan na sinusunod.
Impormal- Madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag- uusap.
7. Simbolismo
Paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan.
8. Damdamin
Ito ay tumatalakay sa saloobin ng nagsulat

You might also like