You are on page 1of 32

PAGHAHAMBING

GRADE 9 QUARTER 3
PANLAPI
 Ito ay isang kataga o mga kataga na kinakabit sa
unahan, gitna, at hulihan ng isang salitang ugat
upang makabuo ng panibagong salita na iba na
ang kahulugan
 Salitang-ugat o tinatawag ding root word sa
wikang Ingles ay ang mga salita na buo ang kilos.
Ito ang pinakauna ng salita.
LIMANG (5) URI NG PANLAPI
1. UNLAPI
 Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat
 Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi
ay ma-,mag-, na-, nag-, pag-, at pala-
 Halimbawa:
magpasa natakot palabiro
nagtanim
2. GITLAPI
 Ito ay mga morpemang inilalagay sa loob
ng salita
 Ang mga madalas ginagamit na mga
gitlapi ay -um-, at -in-
 Halimbawa:
sumayaw lumakad sinagot
3. HULAPI
 Ito ay inilalagay sa hulihan ng salita
 Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay
-an, -han, -in, -hin
 Halimbawa:
sabihan, sulatan, ibigin, gabihin, isipin, tapus
4. KABILAAN
 Kapag ang isang pares ng panlapi ay
nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa
hulihan ng salita
 Halimbawa
mag-awitan paalisin
kaibigan
5. LAGUHAN
 Ito ay kapag mayroong panlapi sa
unahan,gitna at hulihan ng salita
 Halimbawa
Pagsumikapan
salitang-ugat: sikap
ANO ANG PAGHAHAMBING?
 Ang paghahambing o komparatibo ay ginagamit kung
ang dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian
ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa
 Ito ay paraan ng paglalahad na kung saan
nakakatulong sa pagbibigay - linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
 Hindi natin namamalayan, ngunit kung
papansinin, ang paghahambing ay bahagi ng
ating pang-araw-araw na buhay. Sa pagbili ng
mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na
ating kakainin, sa sasakyang ating sasakyan, o
lugar na ating pupuntahan. Kadalasan ang mga
ito ay naisasagawa natin kung mayroon tayong
paghahambingan
 Isang mahalagang sangkap sa uri
ng paglalaahad na ito ay ang
hambingan ng pang-uri. Ito ay
ang paglalarawan ng tao, bagay,
lugar, pook, o pangyayaring
nakatuon sa dalawa o higit pa
DALAWANG URI NG
PAGHAHAMBING
1. PAGHAHAMBING NA
MAGKATULAD
 Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay
may patas na katangian
 Ito ay ang paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng
bagay, hayop, ideya, pangyayari, at tao
 Ang layunin nito ay magbigay ng malinaw na paglalahad
ukol sa pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na
inihahambing
• Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga-,
sing-, kasing-, magsing-, magkasing- at mga salitang
pares, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig,
mistula, at mukha/kamukha.

HALIMBAWA:
 Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia
 Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
 Ang buhok ni Ana ay kasing haba ng buhok ni Elsa.
 Ang magpinsang sina Amado at Alfredo ay kapwa mahilig
maglaro ng basketball.
ANG PAGHAHAMBING NA
MAGKATULAD AY KARANIWANG
GINAGAMITAN NG MGA SUMUSUNOD
NA KATAGA:
a. KA-
- Nangangahulugan na kaisa o katulad
Halimbawa:

Kabilang ang India at ang Pilipinas sa mga


bansang nangunguna sa outsourcing.
b. MAGKA-
- Nangangahulugan din na kaisahan o
pagkakatulad

Halimbawa:

Magkatulad ang Pilipinas at ang India sa


pagsusumikap na mapataas ang kalidad at dami ng
kanilang serbisyo sa larangan ng outsourcing.
c. SING- (SIN)
- Katulad din ng ka-, maaari itong gamitin sa
lahat ng uri ng pagtutulad

Halimbawa:

Magsinghusay ang mga Pilipino at Indiano


sa kanilang galling sa pakikipag-usap sa mga
Amerikano.
Ang maramihang sing- ay nagpapakita sa
pag-uulit ng unang pantig ng salitang-
ugat.

a. kasing (kasin)
- Ang paggamit at kahulugan ay
katulad din ng sing o sin
Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang
pattern ng pagkabuo:

kasing- + salitang-ugat + ng/ni + pangngalan + si/ang


+ pangngalan

Halimbawa:

Kasinghusay ng mga Pilipino ang mga Indiano sa


paggamit ng wikang Ingles.
b. magsing (magkasing)
- ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap

Halimbawa:

Ang dalawang bansa ay magsinghusay pagdating


sa larangan ng outsourcing.
c. ga (gangga)
- nangangahulugan ng gaya, tulad, para, at
paris
- Halimbawa:
- Gahigante ang pagsusumikap ng dalawang
bansa na mapataas ang kalidad ng kanilang
serbisyo
2. PAGHAHAMBING NA DI-
MAGKATULAD
 Ito ay isang uri ng paghahambing na ginagamit kung
naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng
tao, bagay, ideya, pangyayari, at nais ipakita ang
diwang pagkakait, pagtatanggi o pagsalungat.
 Ginagamit ito kung nagbibigay ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi, o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap.
DALAWANG (2) URI
NG PAGHAHAMBING
NA DI-MAGKATULAD
1. HAMBINGANG PASAHOL
 Ito ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na
ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa
pinaghahambingan
 Sa makatwid, ito ay ginagamit sa paglalarawan ng
dalawang bagay o higit pa na di magkatulad
 Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang lalo, di -
gaano, di - gasino, di - lubha, at di - totoo
GINAGAMIT ANG SUMUSUNOD
UPANG MAIPAKITA ANG GANITONG
URI NG PAGHAHAMBING
Lalo
- nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa
kulang na katangian
- Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na
kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, o
kaysa/kaysa sa kung ngalang bagay o pangyayari.
DI-GASINO
- Tulad na ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga
tao
- Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing,
kabilang ang gaya, tulad, para, o paris na sinusundan ng
panandang ni

DI-GAANO
- katulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay
lamang ginagamit

DI TOTOO
-nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri
nagagamit itong pamalit sa di- gasino at di- gaano
2. HAMBINGANG
PALAMANG
- Ito ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na
ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o
nakahihigit sa pinaghahambingan
- Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang di -
hamak, higit, at labis
Lalo
- ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan
at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay
nagpapahayag ng kalakhan, katassan, kalabisan, o
kahigitan
-muli, katuwang nito ang kaysa/ kaysa sa/kay

Halimbawa

Lalong angat ang India pagdating sa mga suriang


panteknolohiya kaysa sa Pilipinas.
HIGIT/MAS... KAYSA/KAYSA SA/KAY
- sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan
kung ginagamit ito sa paghahambing

Halimbawa:

Higit na mababa ang pasahod sa India


kaysa sa Pilipinas
LABIS
- tulad din ng higit o mas

Halimbawa

Labis ang pagsusumikap ng dalawang bansa na


manguna sa outsourcing.
DI-HAMAK
- kung ginagamit ay karaniwang
isinusunod sa pang-uri

Halimbawa:

Di-hamak na mas magagaan magsalita ng


Ingles
3. MODERNISASYON /
KATAMTAMAN
- naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-; sa
paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri; sa paggamit
ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa
pamamagitan ng mga panaping kabilaang ka-han
- Halimbawa:
Medyo bago pa ang Pilipinas pagdating sa outsourcing. May
kalamangan ang India pagdating sa aspektong teknikal.

You might also like