You are on page 1of 1

MODYUL 3 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-KANLURANG ASYA

Dalawang uri ng paghahambing:


1. Paghahambing o Komparatibo – ang ginagamit kung naghahambing nd dalawang magkabilang antas
o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
May dalwang uri ang kaantasang panghambing:

a. Paghahambing na magkatulad- ginagamitito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na


katangian. Ginagamit ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing-, kasing, magsing, magkasing – at mga
salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at mukha/kamukha.

ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad.


magka – nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.
sing- (sin-/sim-) – gaya rin ng ng ka - , nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
kasing- (kasin/kasim) –ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing-, (sin-/sim-). Pansining kapag
ginagamit sa pangungusap , ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u +ng/ni+pangngalan +si/ ang
+pang.
magsing – (magkasing/magkasim) ang pinagtutulad napipisan sa paksa ng pangungusap.
Ga-/gangga – nangangahulugan ng gaya, tulad, para, paris.

b. Paghahambing ng Di-Magkatulad – nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat sa


pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di-magkatulad:


1. Hambingang Pasahol – May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inahahambing.
Ginagamit ang sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing .

Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng


katuwang na paghahambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, kaysa o kaysa sa kung
ngalang bagay o pangyayari.
Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri ng o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng
alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para, o paris na sinusundan ng
panandang ni.
Di-gaano – tulad ng-/ tulad ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamnag ginagamit.
Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa
di-gasino at di gaano.

2. Hambingang Palamang – may mahigit na katangian o inihahabing sa bagay na pinaghahambingan.


Naipapakita ito sa tulong ng sumusunod:

Lalo- Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang
pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan, o kahigitan. Muli nito ang kaysa/ kaysa sa /
kay.

You might also like