You are on page 1of 21

Ang PAGHAHAMBING ay

paglalarawan ng antas o
lebel ng katangian ng tao,
bagay, hayop, ideya at
pangyayari.
Dalawang Uri ng
Paghahambing
Paghahambing ng
Magkatulad
Ito ay isang uri ng paghahambing
na nagpapakita ng dalawang
bagay o higit pa na may patas na
katangian.
Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka-, kasing-,
magsing-, magkasing- at mga
salitang mukha/kamukha,
tulad, kapares, kawangis,
hawig/kahawig.
Paghahambing na ‘Di
Magkatulad
Ito ay isang uri ng paghahambing
na nagpapahiwatig ng
pagsalungat ng isang katangian
sa bagay o taong inihahambing.
Maaaring magpakita ito ng
isang katangiang
nakalalamang o kaya’y
nagpapakita ng kakulangan
ng inihahambing.
Mga Uri ng
Paghahambing na ‘Di
Magkatulad:
Hambingang Pasahol
Nagpapahayag ito ng
paghahambing na negatibo o
nagpapakita ng hindi
pagkakapantay ng
inihahambing.
Ginagamitan ito ng mga
salitang lalo, ‘di gaano, ‘di
gasino at ‘di totoo.
Hambingang Palamang
Ito ay ang paghahambing na
nagpapakita ng isang
katangiang mas nakaaangat o
nakalalamang sa
pinaghahambingan nito.
Kalimitang gumagamit ito
ng mga salitang hudyat
tulad ng lalo, higit, mas,
kaysa, labis, at ‘di hamak.

You might also like