You are on page 1of 7

Dalawang Uri ng Paghahambing

A. Paghahambing ng Magkatulad

- Ito ay isang uri ng paghahambing na nagpapakita ng dalawang bagay o

higit pa na may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka-, kasing-, magsing-, magkasing- at mga salitang mukha/kamukha,
tulad, kapares, kawangis, hawig/kahawig.

Halimbawa:
Kahawig ni Maria Clara si Huli.
B. Paghahambing na ‘Di Magkatulad

- Ito ay isang uri ng paghahambing na nagpapahiwatig ng pagsalungat ng

isang katangian sa bagay o taong inihahambing. Maaaring magpakita ito
ng isang katangiang nakalalamang o kaya’y nagpapakita ng kakulangan
ng inihahambing.
Mga Uri ng Paghahambing na ‘Di Magkatulad:
1. Hambingang Pasahol
- Nagpapahayag ito ng paghahambing na negatibo o nagpapakita ng hindi
pagkakapantay ng inihahambing. Ginagamitan ito ng mga salitang lalo,
‘di gaano, ‘di gasino at ‘di totoo.

Halimbawa:
‘Di gaanong natuwa si Hermana Penchang kay Huli kaysa sa mga prayle.
2. Hambingang Palamang
- Ito ay ang paghahambing na nagpapakita ng isang katangiang mas
nakaaangat o nakalalamang sa pinaghahambingan nito. Kalimitang
gumagamit ito ng mga salitang hudyat tulad ng lalo, higit, mas, kaysa,
labis, at ‘di hamak.

Halimbawa:
‘Di hamak na mas makapangyarihan ang mga prayle noon kaysa sa mga
opisyal ng gobyerno.
Gawain

Panuto: Punan ng angkop na pahambing ang mga sumusunod:

1. _______________sina Basilio at Simoun ng kanilang ipinaglalaban
2. Si Hermana Penchang ay _____________ni Pilato na naghugas kamay sa nangyari
kay Huli.
3. ________________na mas api kinikilala ang mga prayle noon kaysa may
kapangyarihan.
4. __________________masaya si Hermana Penchang noon kay Huli sapagkat siya
raw ay makasalanan.
5. ____________ng ibang mahihirap noon, nakaranas si Huli ng pang-aabuso ng mga
prayle.

Sumulat ng 5-10 Pangungusap na Sanaysay Gamit ang mga na salitang naghahambing. Pumili ng isa
sa mga sumusunod na Pamagat.

1,Buhay ng isang masagana at may kahirapang Pamilyang Pilipino

2.Pamumuhay Noon at Pamumuhay Ngayon

3.Pagaasawa sa murang Edad

4.Ang mga nakakabahalang Sakit

4.Ang Epekto ng Pagtunaw ng Yelo sa Antartika

You might also like