You are on page 1of 27

Kaligirang

Pangkasaysayan ng
Alamat
Subukin!
Panuto: Tama o Mali. Isulat
ang T kung ang pahayag ay
tama at M naman.
1. Ang alamat ay isang
mahalagang bahagi ng kulturang
Pilipino na nagsasaad kung paano
nagsimula ang mga bagay-bagay.
2. Ang salitang alamat o legend
sa Ingles ay mula sa salitang
Latin na Legendus na
nangangahulugang “upang
mabasa”.
3. Ang karaniwang paksa ng
mga alamat ay ang katutubong
kultura, mga kaugalian, at
kapaligiran.
4. Ang alamat ay dala ng mga
dayuhan sa ating bansa.
5. Sa pagdating ng mga
mananakop na Espanyol
umunlad ang alamat.
6. Noon pa man unang panahon,
lumaganap ang mga karunungang-
bayan tulad ng alamat sa
pamamagitan ng pasalita; at
nagpasalin-salin sa bibig ng mga
taumbayan.
7.Nagkaroon ng iba’t ibang
bersiyon ang alamat depende sa
kung saang rehiyon ito
nagmula.
8. Sa pagdating ng mga
dayuhang mangangalakal tulad
ng Tsino, at Arabe naisulat at
nailathala ang ilan sa mga
alamat.
Alam mo ba?
Ang salitang alamat o legend sa
Ingles ay mula sa salitang Latin
na Legendus, na
nangangahulugang “ upang
mabasa”. Isang mahalagang
bahagi ng kulturang Pilipino ang
mga alamat. Ang mga ito ay
nagsasaad kung paano nagsimula
ang mga bagay-bagay. Karaniwan
itong nagtataglay ng mga
kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari.
Sino-sino ang
pangunahing tauhan
sa kuwento?
Ilarawan ang bawat
isa.
Ano ang paksa ng
kuwento?
Ano ang mahalagang
aral na nakapaloob
sa kuwento?
Mga Pahayag sa
Paghahambing
Si Alma at
si Chin-
Chin
Nais mo bang makilala ang dalawang dalaga sa larawan?
Mga kaibigan at kamag-aral ko sila – si Alma at si Chin-Chin.
Wala akong itulakkabigin sa kanilang dalawa. Kapwa sila
maganda. Pareho silang matalino kaya magsinghusay sila sa
klase. Sila ay kapwa mabait, masipag at matulungin. Kaya nga
lamang, higit na tahimik si Alma. Siya ay di-gasinong palakibo
tulad ni ChinChin. Wari’y nahihiya siya kapag kinakausap ng
mga lalaki. Mas gusto niyang lumagi sa bahay kapag walang
pasok kaya di-lubhang tanyag si Alma sa kabinataan.
Iba naman si Chin-Chin. Higit siyang makabago at masayahin.
Mas lista siya kaysa kay Alma. Lalo siyang aktibo sa mga
proyektong pangkultura tulad ng drama. Hindi siya nakikiming
makipag-usap sa lalaki. Sa kabila ng pagkakaiba nila ng ugali at
gawi, kapwa ko sila kasundo. Parehoko silang mahal.
Ilan ang inilarawan
sa talata? Sino-sino
sila?
Paano sila
nagkakatulad?
Paano sila
nagkakaiba?
3. Ang pagkakaiba ba
nila ng ugali at gawi ay
nakapagpabago ng
pagtingin sa
kanila ng nagsasalita?
MGA PAHAYAG SA
PAGHAHAMBING
Ang pang-uring naglalarawan o nagbibigay-katangian
sa dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari ay
tinatawag na Pang-uring Pahambing. Upang lubos
nating maunawaan ang mga paghahambing ay
gumagamit tayo ng mga pahayag sa paghahambing.
Halina’t ating tunghayan at alamin.
1. Pahambing na Magkatulad- Ang dalawang tao,
bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay
magkatulad o magkapareho. Naipapakita ito sa
MAY DALAWANG pamamagitan ng paggamit ng mga pahayag na:
HAMBINGAN ANG
PANG-URI: ANG a. Salitang kapwa at pareho na sinusundan ng
MAGKATULAD AT
DI-MAGKATULAD. pang-uring salita.
Halimbawa:
• Si Vinice at si Vina ay kambal na kapwa maganda.
• Sila rin ay parehong matalino.
b. Mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, at
magkasing- na kinakabit sa pang-uring salita.

MAY DALAWANG
HAMBINGAN ANG Halimbawa:
PANG-URI: ANG
MAGKATULAD AT
• Singhusay na ni Mark ang kaniyang guro sa
DI- pagpipinta dahil sa madalas na pagsasanay.
MAGKATULAD.
• Kasingganda ng mga tanawin sa ating bansa ang
tanawin sa ibang bansa.
• Bagama’t si Leonne ang bunso ay magsintaas na sila
ng kaniyang kuya.
2. Pahambing na Di-Magkatulad- Ang
dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring
MAY DALAWANG
HAMBINGAN ANG pinaghahambing ay di-magkatulad, di patas
PANG-URI: ANG
MAGKATULAD AT o di pareho. Ang pahambing na
DI-MAGKATULAD.
dimagkatulad ay maaaring palamang o
pasahol.
a. Pahambing na Palamang- Malaki, mataas ang uri o
nakahihigit angitinulad sa pinagtutularan. Nagpapakita
ito sa paggamit ng mga pahayag na
sumusunod: mas, lalo, higit na, di-hamak, lubha at kaysa
na sinusundan ngpang-uring salita. Maaaring katuwang
MAY DALAWANG
HAMBINGAN ANG din ang salitang kaysa.
PANG-URI: ANG
MAGKATULAD AT Halimbawa:
DI-MAGKATULAD.
• Lalong masama sa katawan ang madalas na
pagpupuyat.
• Di-hamak na maganda ang kaniyang damit kaysa
nabibili sa mall.
• Lubhang masipag lang siya kaya umasenso sa buhay.
b. Pahambing na Pasahol- Maliit, alangan, mababa ang uri
nginihahambing sa pinaghahambingan. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga pahayag na sumusunod:
di-gasino (tao), di-gaano (bagay), di-totoo, dilubha, di
masyado na sinusundan ng pang-uring salita at katuwang ang
MAY DALAWANG alinman
HAMBINGAN ANG
PANG-URI: ANG sa mga salitang ito: gaya, tulad, paris, kaysa
MAGKATULAD AT DI
Halimbawa:
MAGKATULAD.
• Di-gasinong makisig ang hinahangaan ni Belle kaysa
hinahangaan ko.
• Di-gaanong malaki ang nilipatan nilang bahay kaysa noong
una.
• Di-totoong sikat siya sa larangan ng basketball paris ng

You might also like