You are on page 1of 22

FILIPINO 8

ARALIN 1:
KARUNUNGANG
BAYAN AT
PAGHAHAMBING
OBJECTIVES:
1. Nakikilala ang paghahambing na
ginamit sa bawat pangungusap.
2. Nagagamit ang paghahambing sa
pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan
(eupemistikong pahayag)
3. Nabibigyang-kahulugan ang mga
talinghagang ginamit.
Bago dumating ang mga
Kastila sa bansa, ang ating mga
ninuno ay may paraan ng
pagsasalin ng karunungang-
bayan sa susunod na
henerasyon. Ngunit ano nga ba
ang mga karunungang bayan na
ito? Ito ay ating malalaman sa
araling ito.
Hindi tao, hindi ibon, bumabalik
kapag itinapon
Hindi sa akin, hindi sa iyo pag-
aari ng lahat ng tao.
Nanganak ang birhen, itinapon
ang lampin
Isda ko sa Mariveles, nasa loob
ang kaliskis
Kambal ngunit hindi
magkakilala, hindi rin nagkikita.
Ang karunungang
bayan ay naging pangunahing
paraan upang maituro sa mga
kabataan ang mga mabubuting
asal at aral sa buhay at ito ay
pinapasa sa tradisyong pasalita.
Mga Uri
ng
Karunungang Bayan
SALAWIKAIN HALIMBAWA:
 maiiksing pangugusap na
kadalasan ay may tugma  Kung ano ang puno
at sukat. siya rin ang bunga.
 nagbibigay patnubay sa  Bato-bato sa langit
pakikipagkapuwa-tao o ang tamaay huwag
kaya’y pag-asa sa mga magalit.
hamon sa buhay.
SAWIKAIN HALIMBAWA:
 pahayag na hindi
nagbibigay ng tuwirang  Butas ang bulsa
kahulugan ng mga
 Itaga sa bato
salitang bubuo rito,
bagkus ay ibang  Tulog-mantika
kahulugan.
 Tinatawag ding idyoma o
kaya eupemistikong
pahayag.
BUGTONG
 pangungusap na kadalasang nasa
pormang patula.
 sukat at tugma na nilulutas bilang isang
palaisipan.
 may nakatagong kahulugan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
matatalinghagang salita at pahayag.
HALIMBAWA:
 Hayan na, hayan na, Hindi mo pa
Makita.

 Isang bayabas, pito ang butas.


Sa pamumuhay natin
araw-araw hindi natin
maiwasang maghambing.
Ngunit ang paghahambing ba ay
basta paghahambing lamang?
Isa sa mahalagang sangkap sa
uri ng paglalahad ang
paghahambing.
Ang paghahambing ay
isang paraan ng paglalahad.
Ito ay paglalarawan ng antas
ng pagkakatulad o pagkakaiba
ng mga katangian ng mga tao,
bagay, pook, hayop,
pangyayari, ideya at iba pa.
DALAWANG URI
NG PAGHAHAMBING
Paghahambing na Magkatulad
 Ang dalawang bagay na pinaghahambing ay
pareho ang lebel o pantay ang mga
katangiang tinutukoy.
 Ginagamitan ito ng mga panlapi o salita na:
Kasing/magkasing, kasim/sim, kagaya/gaya,
tulad/katulad.
Halimbawa:

1. Magkasing-ganda ang buhok ni Mary at


Jessica.
2. Gusto ko ng damit na kamukha ng nakita
ko sa magasin.
Paghahambing na
Di Magkatulad
 Ang dalawang bagay na
pinaghahambing ay di
magkakatulad ang katangian.
 Ginagamitan ito ng mga panlapi
o salita na: higit, mas, lalo.
1.Palamang Mga Halimbawa:
 Nakahihigit sa
katangian ang isa sa 1. Higit na maganda
dalawang ang bag ni Ana
pinaghahambing. kaysa sa akin.
 Ginagamitan ng 2. Labis ang kanyang
salitang: higit, lalo, naging pagsisi
mas, di-hamak. noong iniwan niya
kami.
2. Pasahol Halimbawa:
 Kulang sa katangian 1. Di gaanong
ang isa sa dalawang matangkad si Ella
pinaghahambing. kompara kay Fiel.
 Ginagamit ang di 2. Di lubhang mas
gaano, di gasino at nasugatan si ako kaysa
di masyado. kay Anton sa gyera.

You might also like