You are on page 1of 2

1.

isang konsepto sa kultura at tradisyon ng Pilipinas na nagpapahayag ng kaalaman, kasanayan,


at impormasyon na ipinamamahagi mula sa henerasyon sa henerasyon sa loob ng isang komunidad o
kultura.

2. mga bukambibig na hinango sa karanasan sa buhay na nagsisilbing mga patnubay sa mga


dapat nating ugaliin.

3. iba ito sa salawikain, sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng talinhaga. Payak lamang ang
kahulugan. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin dito.

4. isang pahulaan. Nagpapatalas ng isipan ng bawat kasali. Nagdudulot ng kasiglahan at


kasiyahan. Isa rin itong kawili-wiling paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis
nap ag-iisip.

5. mayaman ang wikang Filipino sa paggamit ng idyoma. Ito ay matalinhaga. Binubuo ito ng salita
o parirala. May paglalarawang hindi ginagamitan ng masining na paglalarawan na tinatawag ding
patambis na salita.

6. magkatulad ang hambingan kung ang dalawang pinaghahambing ay magkauri o magkapatas


ang katangian. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga: panlaping ka-, sin-, kasing-, magka-,
magsing-, magkasing-, at ga- at gayundin ang mga salitang pampaunlad tulad ng: gaya, tulad, paris,
kapwa, para, at iba pa.

7. ang dalawang pinaghahambing ay hindi magkatulad o hindi magkapatas ng katangian.

8. ang isa sa dalawang pinaghahambing ay nakahihigit ng katangian. Naipakikita ito sa


pamamagitan ng paggamit ng salitang: lalo, higi, labis, di-hamak, mas at mga katagang kaysa, kay/kaysa.

9. ang isa sa dalawang pinaghahambing ay mas mababa ang uri o katangian. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang: di-gaano, di-gasino, di-lubha, di-totoo at mga katagang: gaya,
tulad, paris, kaysa at sa/kay

10. Ito ay salita na sadyang pampalubag-loob o pampalumanay upang ito ay magandang


pakinggan o basahin. Ang mga salitang ito ay ginagamit din upang mapagaan ang mga masasakit na
realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.

11. isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat. Isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kuro-kuro, damdamin at kaisipan sa
pamamagitan ng mga piling-pili matalinghaga, at maayos na pananalita.

12. Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatuwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Isa rin itong masining na pagtatalo sa masining na pamamaraan. Kinapapalooban ng mga
pangangatwiran sa anyong patula.

13. isang kuwento na naglalayong magbigay paliwanag sa pinagmulan ng mga bagay. Ito ay
karaniwang pasaling-dilang kuwento. Karaniwan, ito ay may iniiwang aral sa mga mambabasa.

14. ay isang uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay.

15. isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi
kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay rin
dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugalian at mga huwaran ng mamamayan kung saan nagmula ang
akda.

16. pinagmulan ng isang pangyayari. Ginagamit ang mga pangatnig na pananhi upang ipahayag
ang sanhi o dahilan gaya ng kasi, sapagkat, dahil, dahilan sa, mangyari, palibhasa, at iba pa.

17. ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang pangyayari. Ginagamit ang mga pangatnig
na panlinaw upang ipahayag ang bunga o resulta tulad ng kung kaya, sa gayon, bunga nito, sa ganitong
dahilan at iba pa.

18. binubuo ng lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan na magkakaugnay


tungkol sa iisang paksa lamang.

19. May mga bagay na nasa kategoryang iisa at halos magkapareho ay pinaghahambing upang
maipapakita ang tiyak na katangian ng mga bagay na magkakatulad, samantalang ang magkakaiba ay
pinagtatambis upang maibukod ang isa’t isa.

20. Kinakailangang bigyan ng katuturan o depinisyon ang mga salitang hindi agad-agad
maintindihan upang mabigyang- linaw ang isang bagay na tinutukoy.

21. Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin
ang mga bahaging ito sa isa’t isa.

You might also like