You are on page 1of 8

Modyul 1 : Parabula ng Kanluran

Panitikan - Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan


(Mateo 20:1-16)
Wika at Gramatika - Pagpapakahulugang Metaporikal

Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


- Parabula mula sa kanlurang Asya
- MATEO 20:1-16 SA BAGONG TIPAN
- Aral:
Lahat tayo, magkakaiba man ng panahon ng pagsisimula ng pananampalataya sa Diyos,
ay tatanggapin pa rin sa kaniyang kaharian
- Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli.”

Parabula: nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na


maaaring tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na aklat. Ang mga
aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang
mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang
lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at
espiritwal na pagkatao.

Parabula ng Banga
- Mga Tauhan: Ang anak na bangang gawa sa lupa, Ang Inang Banga, Ang porselanang
banga
- Ang bangang yari sa lupa ay maaaring kumakatawan sa mga taong may pagkukulang o
kahinaan at sa mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan.
- Ang bangang yari sa porselana ay maaaring kumakatawan sa mga taong nasa mataas na
antas ng lipunan, sa mga taong mayaman, o sa mga taong mayroong magagandang
katangian at mukhang kaakit-akit.
- Aral:
Ang kwento ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkilala sa sariling kakayahan at
kahinaan, at ang pagiging maingat sa pagpapasya.

Pagpapakahulugang metaporikal: ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa


literal na kahulugan nito.
Halimbawa:
a. bola- bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
b. bola-pagbibiro (metaporikal)

Modyul 2: Elehiya ng Bhutan


Panitikan - Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
• Pagsusuri ng mga elemento ng elehiya

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


- Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
- Mula sa bansang Bhutan
- ay isang madamdaming tula tungkol sa isang inang labis ang paghihinagpis sa pagpanaw
ng kanyang anak.
- Si "Kuya" sa tula ay masasabi rin na mapait ang sinapit ng kanyang pagkamatay. Hindi
lamang dahil siya ay namatay sa murang edad na 21, kundi dahil na rin sa kinapalooban
niyang digmaan o labanan kung saan siya madugong namatay.

Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko: itinatampok dito ng makata ang sariling damdamin.
Nagtataglay ito ng mga karanasan, guni-guni, kaisipan at mga pangarap na maaaring nadama
ng may-akda o ng ibang tao. Halimbawa nito ang tulang elehiya.

Elehiya: isang tulang liriko na naglalarawan ng pagkabubulay-bulay o guni guni na nagpapakita


ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.

- Pahiwatig - ay mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais
iparating.
- Simbolo - ito ay paglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag sa masaklaw na kahulugan

ELEMENTO NG TULA
Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,
Pantig - ang paraan ng pagbasa
Saknong - tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
taludtod
Tugma - isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay
tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
Kariktan - Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan
Talinhaga - Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.

Modyul 3: Pagpapasidhi ng Damdamin


Panitikan - Kung Tuyo na Ang Luha Mo,
Aking Bayan ni Amado V.
Hernandez
Wika at Gramatika - Pagpapasidhi ng Damdamin

Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan


- Isinulat ni: Amado V. Hernandez
- isang tula na nagsisilbing paalala mula sa mga biktima ng pangaapi at injustice. Nagsisilbi
din itong isang paalala ng mga kalupitan at api na dinanas, at patuloy na dinaranas ng
bayan.

Pagpapasidhi ng Damdamin: Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag


ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang magkakasingkahulugan.
Modyul 4: Maikling Kuwento ng Pakistan
Panitikan - Sino Ang Nagkaloob?

Sino Ang Nagkaloob?


- Mula sa Salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-
salaysay ni Ahmed Basheer
- Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas
- Mula sa Pakistan
- Mga tauhan:
1. Amang Hari – mayabang at may 7 anak na prinsesa
2. Ika-pitong prinsesa na anak ng mayabang na hari – ang paboritong anak ng hari na
itinakwil niya.
3. Ang lalaking tumutugtog ng plawta na naging kaibigan ng itinakwil na prinsesa
4. Ang pulang Diwata
5. Ang masamang Genie
- Mga tagpuan: kaharian ng hari, palasyo ng prinsesa
- Aral: Huwag maging sakim, igalang at mahalin and ating Diyos. Marapat lang nating
igalang at mahalin ang diyos, sa kanya nagmumula ang pagkain na kinakain natin at lahat
ng makikita dito sa mund
- Maikling kwento

Maikling kwento: isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang –isip na hango sa isang
tunay na pangyayari.
Mga elemento ng maikling kwento:
Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kuwento

Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Tagpuan- pinangyarihan ng kuwento

Tunggalian- problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan

a. Tao laban sa tao


b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa sarili
d. Tao laban sa lipunan
Modyul 5: Panandang Diskurso
Panitikan - Isang Libo’t Isang Gabi
Gramatika - Mga Pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari

Pangatnig: conjunction sa wikang Ingles ay isang kataga o salita na nag-uugnay sa dalawang


salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Panandang diskurso: ay nagpapakita ng ugnayan ng mga pangungusap o bahagi ng teksto.


Malaki rin ang ginagampanang papel ng panandang diskurso sa pagbuo ng maikling kuwento
sapagkat ito ay nagbibigay-linaw o ayos sa pagsasalaysay at maging sa paglalahad.

Isang Libo’t Isang Gabi (One Thousand and One Nights)


- Nobela mula Saudi Arabia
- Isinalin sa Filpino ni Julieta U. Rivera
- Mga tauhan: Babae, cadi, vizier, hari, karpintero, hepe
- Buod: upang maresolba ang problema ng babae kung paano mapapalaya ang kanyang
iniibig mula sa pagkakakulong ay humingi siya ng tulong sa mga may kapangyarihan
ngunit kapalit nito ang pagpapaligaya sa mga ito. Ngunit sa bawat pang-aakit niya ay
nakaya niyang manipulahin ang mga taong may mataas na kapangyarihan na
makapagpalaya sa kanyang iniibig. Sa bawat pagdating ng mga lalaki ay pinagawa na niya
ng kautusan si Cadi na makapagpapalaya sa kanyang iniibig at agad niya itong
pinapapasok sa cabinet na may limang compartment ang mga lalaki, upang ang mga ito
ay hindi na makahabol sa kanyang pagtakas.
Modyul 6: ALAMAT MULA SA INDIA

Varnas: Sa India ay kilala ang apat na uri ng kalagayang panlipunan na tinatawag nilang varnas
o caste system. Ang pinakamataas sa mga ito ay ang Brahman o mga kaparian; sumusunod ang
uring Kshatriya o mga mandirigma; kasunod ang Vaishya o mga mangangalakal; at huli ang
Sudra o mga manggagawa. Ang mataas na pagtingin sa mga Brahman o Brahmin ay nagsimula
pa noong panahong Vedic.

Ang Pinagmulan ng Dalawampu’t Dalawang Kwento ng Trono (SIMHASANA


BATTISI)
- Isang Alamat mula sa India
- Mga tauhan: Brahman, Mela, Raja, shakcchunni (Espiritu mula sa punong pipal), ina
- Tagpuan: Bharat (India)
- Ang mga katangian na kailangan upang umupo sa trono ay ay kabutihan,
lubos na katapatan, pagiging patas at walang kinikilingan, at pagiging makatarungan.
- Ang trono ay pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya.

Alamat: ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan


ng mga bagay-bagay sa daigdig.

India
- matatagpuan ang pinakamalaki, pinakamatanda, at patuloy na lumalagong sibilisasyon.
- India ang nakaimbento ng ating paraan ng pagbilang o ang tinatawag na number
system.
- Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi na binuo noon pang
ikasampung siglo ay ang pinakamalaking destinasyon ng mga taong naglalakbay sa mga
banal na lugar.
- Ang Kumbh Mela ay isang malaking pagdiriwang ng relihiyong Hindu. Ito ay
ipinagdiriwang sa India tuwing ika-12 taon.

Pang-abay: ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri at kapwa pang-


abay.

- Pamanahon
a. May pananda: nang, sa, noon
b. Walang pananda: kahapon, kanina, mamaya
c. Nagsasaad ng dalas: araw-araw
- Panlunan
a. kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao
b. kina + maramihang pangngalang pantanging ngalan ng tao
c. sa + pangngalang pambalana
d. sa + pangngalang pantangi na di ngalan ng tao
e. sa + panghalip na panao
f. sa + panghalip pamatlig
- Pamaraan

Modyul 7: Epiko ng India


Panitikan - Rama at Sita Isang Kabanata sa Epikong Hindu
Wika - Uri ng Paghahambing

Rama at Sita
- Epikong nagmula sa Hindu (India)
- Isinalin ni Rene O. Villanueva
- Mga Tauhan: Rama, Sita, Surpanaka, Ravana, Lakshamanan, Maritsa
- Tagpuan: Kaharian ng Ayodha, Lanka
- Buod: Ang Rama at Sita ay isang kwento ng dalisay na pag-ibig nina Rama at Sita sa isat-
isa. Kasama nila si Lakshamanan na may isa ring mabuting puso na kapatid ni Rama.
Dahil sa pagmamahalan nina Rama at Sita inggit na inggit naman ang magkapatid na sina
Surpnaka at Ravana. Kabaliktaran ang ugali ng magkapatid na ito. Inakit ni Surpnaka si
Rama ngunit nakilala niya ito. Kaya nagpanggap si Ravana na gintong usa upang
paghigantihan sina Rama at Sita.Binihag ng magkapatid si Sita kaya humingi sila ng
tulong sa mga unggoy at natalo nila sina Ravana at Surpnaka.

Epiko: Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng
mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay
‘awit’.
Pahambing o komparatibo: ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang
antas o lebel ng katangian
1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
- Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing,
magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula,
mukha/ kamukha.

2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
- Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtatanggi o pagsalungat sa pinatunayang
pangungusap
a. HAMBINGANG PASAHOL: May mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing: di-gasino, di-gaano
b. HAMBINGANG PALAMANG: May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay
na pinaghahambingan: higit, labis

You might also like