You are on page 1of 5

Aralin 3.

A. Panitikan: Rama at Sita

Isang Kabanata sa Epikong Hindu - (India)

(Isinalin sa Filipino ni: Rene O. Villanueva)

B. Gramatika/Retorika: Uri ng Paghahambing (magkatulad at ‘di-magkatulad: a. pasahol b.


palamang)
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

Mother Teresa- Tinaguriang The Living Saint noong siya’y nabubuhay pa.

Taj Mahal- Gusaling ipinagawa ni Shah Jahan upang magsilbing libingan ng kaniyang asawang si
Mumtaz Mahal.

India- Isang bansa sa Timog-Asya na pinamumunuan ni Pratibha Patil kung saan kahanga-hanga ang
pilosopiya, kagandahan, katotohanan at kabutihan.

Namaste o Namaskar- Pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu.

Epiko- Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Rama at Sita- Isang epikong nagsasalaysay sa pag-iibigan ng mag-asawang Rama at Sita kasama si
Lakshamanan kung saan magkasama nilang napagtagumpayan ang mga balakid na nagmula sa mga balak
ni Surpanaka, Ravana at Maritsa.

Nagkakaiba, Nagkakapareho sa Maraming Aspekto- Isang tekstong naglalarawan sa kultura at


tradisyon ng bansang India at Singapore. Binanggit dito na nagkakaiba man sila sa maraming bagay, ay
nagkakatulad naman sila sa ibang aspekto.

Pahambing o Komparatibo- ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng


katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.

Dalawang Uri ng Kaantasang Pahambing:

a. Paghahambing na Magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may


patas na katangian.
b. Paghahambing na ‘Di-Magkatulad- Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

Mga Uri ng Hambingang ‘Di-Magkatulad:

1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na


inihahambing.
2. Hambingang Palamang- May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
3. Modernisasyon/katamtaman- Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-,
sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na
sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.
Aralin 3.2

A. Panitikan: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Parabula - Kanlurang Asya

Mateo 20: 1-16

B. Gramatika/Retorika: Pagpapakahulugang Metaporikal

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Parabula- Nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring
tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan- May isang lalaking nagmamay-ari ng ubasan na nag-
alok sa iba’t-ibang tao na magtrabaho sa kaniyang ubasan para sa upa na isang salaping pilak. Ngunit nang
oras na ng bayaran, nagreklamo ang mga naunang dumating dahil parehas lang ang upang natanggap nila
sa mga nahuling dumating. Ngunit ipinaliwanag ng may-ari ng ubasan na iyon ang kanilang napag-usapang
upa at maaari niyang gawin ang anumang naisin sa kaniyang salapi dahil pag-aari niya ito. Sinabi rin ni
Hesus na ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.

Parabula ng Banga- May isang banga na laging pinaaalalahanan ng kaniyang Inang Banga na siya ay
bangang gawa sa lupa at nararapat lamang na siya’y makisalamuha lamang sa mga kauri niyang banga.
Sinunod niya ito hanggang sa isang araw ay niyaya siya ng isang porselanang banga. Nag-isip-isip siya at
kalauna’y sumama sa porselanang banga. Ngunit may dumating na malakas na alon at nagkabanggaan
sila. Nagkalamat ang bangang gawa sa lupa at unti-unting lumubog sa tubig nang maalala niya ang sinabi
sa kaniya ng kaniyang ina.

Ang Alibughang Anak- May isang mayamang pamilyang binubuo ng isang ama at kaniyang dalawang
anak. Isang araw, ang mas nakababatang anak ay hiningi ang kaniyang mana sa kanilang ama at binigay
naman ito ng ama. Winaldas niya ang kaniyang mana hanggang sa wala nang natira sa kaniya. Nakita na
lamang niya ang sariling nakikikain sa mga baboy. Nagpasya siyang bumalik sa kaniyang ama at humingi
ng tawad at tinanggap naman siya nito. Nagdaos pa ito ng pagdiriwang para sa kanya at nang malaman
ito ng mas nakatatandang anak ay kinuwestiyon niya ito. Ngunit nang makausap ang ama ay napagtanto
niyang pantay ang pagmamahal sa kanila ng kaniyang ama.

Ang Mabuting Samaritano- May isang taong naglakbay mula Jerusalem patungong Jericho ngunit
hinarang siya ng mga tulisan at iniwang halos patay na. Nakita siya ng isang saserdote at ng isang Levita
ngunit nilagpasan lamang siya ng mga ito. Nang dumaan ang isang Samaritano at nakita ang lalaki’y
tinulungan niya ito at dinala siya sa bahay-panuluyan upang maalagaan.

Pagpapakahulugang Metaporikal- Pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan


nito. Ito ay nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.

1. Konotasyon- Tumutukoy ito sa ekstrang kahulugan ng isang salita depende sa intensyon o motibo
ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap
na hindi tuwirang isinasaad.

2. Denotasyon- Tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita o parirala na karaniwang nakikita


sa diksiyunaryo.
Aralin 3.3

A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

Elehiya - Bhutan

Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

B. Gramatika/Retorika: Pagpapasidhi ng Damdamin: Paggamit ng mga Salitang Sinonimo


C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

Elehiya- Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng


masidhing damdamin patungkol sa alala ng isang mahal sa buhay.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya- Isang madamdaming tula tungkol sa isang taong labis ang
paghihinagpis sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

Himno o Dalit- Isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa
Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.

Ang mga Dalit kay Maria- Isang himnong naghahayag ng pagsamba sa mahal na Birheng Maria.

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan- Isang tulang nagsasaad ng paghihinagpis ng may-akda
para sa kaniyang sariling bayan mula sa pananakop ng mga dayuhan.

Pagpapasidhi ng Damdamin- Isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang


papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang
sinonimo.
Aralin 3.4

A. Panitikan: Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Ang Pinaglilingkuran


Sanaysay –Israel
Isinulat ni Gordon Fillman
Isinalin ni Patrocinio V.Villafuerte
B. Gramatika/Retorika: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap
C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran

Hindi Ako Magiging Adik- Isang tekstong binibigyang diin ang mga masasamang epekto ng ilegal na
droga sa mga nasa ilalim ng impluwensya nito kaya’t ang may akda ay pinagdidiinang hindi siya
kailanman tatangkilik ng ipinagbabawal na gamot.

Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran- Tumatalakay ito sa tradisyon at


kultura ng iba’t-ibang lahi na nahahaluan ng diskriminasyon at pagkuwestyon sa mga gawain. Tungkol
ito sa tagapaglingkod at pinaglilingkuran ng mga lahing nabanggit sa teksto.

Mga Elemento Ng Sanaysay

1. Paksa- Pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na


"tungkol saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang
sentro ng ideya ng buong akda. Kinokontrol ng paksa ang manunulat kung hanggang saaan
lamang ang hangganan ng kaniyang isusulat.
2. Tono- Ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong wika na
ginamit ng may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa. Maaaring ang tono o
himig ay natutuwa, nasisiyahan, nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya, at iba pa.
3. Kaisipan- Ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito umiinog ang maliliit na
himaymay ng akda. Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong pangungusap. Ang
kaisipan hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda para
mailahad ito.

Tilamsik ng Sining…Kapayapaan- Sa tekstong ito sinusuportahan ng may-akda ang kaniyang


argumentong ang sining ay may malaking bahagi sa pagtaguyod ng kapayapaan sa isang bansa,
partikular sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa ng mga naganap na sigalot sa nasabing
bansa at kung paano nakatulong ang sining sa pagtigil nito.

Pamaksang Pangungusap- Lahat ng talata ay may pangunahing ideya. Ito ang nagbibigay ng
pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.

Pantulong na Pangungusap Ito ang mga pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa


isinasaad ng pamaksang pangungusap.

Ilang paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang pangungusap:

a. Gumamit ng mga impormasyon na maaaring mapatotohanan.


b. Gumagamit ng mga istadistika
c. Gumamit ng mga halimbawa

You might also like