You are on page 1of 4

1

Saturday, 18 February 2023 8:58 pm

Yunit III: Mga Akdang Pampanitikan mula sa Africa at Persia


Aralin 1: Pag-iingat
Mito
Ang Mito ay hango sa mga kuwentong ang kadalasang pinapaksa ay relihiyon o paniniwala, mga
diyos o diyosa, at kung paano nilikha ang daigdig.

Ang mito ay kadalasang nasa anyong panrehiyon. May anim na pangunahing layunin ang mito:
1. maipaliwanag ang natural phenomena;
2. maipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
3. maituro sa tao ang mga pangyayaring pangkasaysayan;
4. maipaliwanag ang ilang matatandang ugaling panrehiyon; at
5. maisiwalat ang pangkaraniwang pag-asa at takot ng mga tao.

3 Elemento ng Mito
Tauhan - Sila ang nagpapagalaw sa kuwento at sa kanila umiikot ang istorya. Ang bawat tauhan
ay may personalidad na kinakatawan. Maaaring siya ay bida o bayani, ang sumusuporta sa bida,
ang nagdadala ng hiwaga o kamatayan, at marami pang papel na maaari niyang gampanan.
Kadalasan ang mga tauhan ay maganda at malakas. May angkin na talino na ginagamit niya sa
mabuting paraan. Ang bida sa huling bahagi ng istorya ay karaniwang nagwawakas sa
masayang tagpo.

Tagpuan - lugar sa kuwento.

Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Pagsasaling-wika
Ayon sa Webster’s New World Dictionary of the American Language - Ang pagsasaling-wika ay
palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang pananalita.

Alfonso Santiago (1976) – Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang


orihinal na akda na hindi nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang
wika.

Aralin 2: Paghuhusga

Panlapi
- ikinakabit sa salitang-ugat upang bumuo ng isang salita.

5 Uri ng Panlapi
1. Unlapi - nasa unahan ang panlapi, ang salitang ugat ay nasa dulo.
2. Gitlapi - nasa gitna ang panlapi, ang salitang ugat ay nasa unahan at hulihan.
3. Hulapi - nasa hulihan ang panlapi, ang salitang ugat ay nasa unahan.
4. Kabilaan - nasa unahan at dulo ang panlapi, nasa gitna ang salitang ugat.
5. Laguhan - nasa unahan, gitna, at dulo ang panlapi. hal. Pinagsumikapan

Anekdota
- isang maikling salaysay na maaaring hango sa hindi o tunay na buhay at mahalagang
pangyayari ng isang lugar o pook. Madalas sa pagsulat ito ay nag-iiwan ng mahalagang
mensahe.

Filipino Page 1
2
Saturday, 18 February 2023 8:58 pm

Yunit III: Mga Akdang Pampanitikan mula sa Africa at Persia


Sa pagsulat ng isang anekdota, isinaalang-alang ang sumusunod:
1. Paksa
2. Tauhan
3. Tagpuan
4. Layunin o motibo ng pagsulat
5. Paraan ng pagsulat
6. Mensahe

Aralin 3: Pinuno sa Kinabukasan (Tula)


Efren Peñaflorida
Si Efren ay ipinanganak noong Marso 9 ,1981. Siya ay isang guro na Pilipino at manggagawa sa
pag-unlad. Nag-aalok siya ng mga kabataang Pilipino na alternatibo sa mga gangs ng kalye
sa pamamagitan ng edukasyon, muling paglikha ng mga setting ng paaralan sa mga hindi
kinaugalian na lokasyon tulad ng mga sementeryo at mga dump ng basura.

Noong Marso 2009, ang Peñaflorida ay itinampok bilang isang CNN Hero bilang bahagi ng
programa ng network ng balita upang parangalan ang mga indibidwal na gumawa ng mga hindi
pangkaraniwang kontribusyon upang tulungan ang iba. Noong Nobyembre 22, 2009, siya ay
pinangalanang CNN Hero of the Year.

Ang tula ay ang pinakamagandang salita sa kanyang pinakamagandang kaayusan. Sa aklat na


"Hiyas" ni Fernando B. Monleon, ipinaliwanag niya na ang tula ay gumagamit ng matatalinghaga
o matatayutay na mga salita o yaong hindi pangkaraniwan. Ito ang may pinakamagandang
kaayusan sapagkat ang bawat taludtod sa bawat saknong ay maingat na nakahalayhay nang
magkakaugnay sa isa't isa.

Sa pamamagitan ng tula, nagagawa ng manunulat na pagtagpuin ang langit at lupa,


napasasaya ang mga nalulungkot, at nagbibigay ng pag-asa at sigla sa mga kabataang
maaaring maging lider ng bansa tulad ng tatalakaying tula.

“ Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” wika ni Dr. Jose Rizal, ang bayani ng Pilipinas.
Ang mga kabataan ay kinakailangang mahubog nang wasto ng kanilang magulang at paaralan
upang maging mabuting mamamayan, habang bata pa ay turuan na sila ayon sa kagustuhan ng
diyos, at matutong sumunod sa batas na pinaiiral.
• May malawak na kaalaman at kasanayan
• May mahusay na karakter
• May mabuting asal ( nagpapakilala ito kung sino at anong uri ng tao sila)
• May tiwala sa sarili
• Marunong umako ng responsibilidad para sa kanilang pagkatuto
• Aktibo sa mga pakikilahok na naglalayong mapataas ang sarili
• Maging mamamayang may malasakit sa loob ng tahanan, paaralan, at pamayanan hindi
lamang sa bansa kundi sa buong mundo.
• Inaasahang magiging mabuting magandang halimbawa sa bagong henerasyon.
Bilang lider, pagsisikapan nilang maging masagana ang bansa. Handa silang panindigan ang
kanilang pinangako na magiging mabuting pinuno sa kinabukasan.

Filipino Page 2
3
Saturday, 18 February 2023 8:58 pm

Yunit III: Mga Akdang Pampanitikan mula sa Africa at Persia


Simbolismo
- isang aparato sa panitikan kung saan ginagamit ang mga salita, tao, marka, lugar, o abstrak
na konsepto upang magpahiwatig ng ibang bagay maliban sa kanilang literal na kahulugan.
Hal.
bahaghari – simbolo ng pag-asa at pangako.
ang pulang rosas – simbolo ng pagmamahal at pag-ibig.
singsing sa kasal – sumisimbolo sa pangako at pag-aasawa.
berdeng ilaw trapiko – sumasagisag sa “go” o magpatuloy.

Isang masining na pamamaraan ng pagsulat ay ang paggamit ng sagisag. Sinasabing masining ang
anumang katha kung nakapaglalaro at nakapaglalakbay ang isipan at napalulundag ang puso. Ang
sagisag o simbolismo ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan at pagsasalaysay ng mga
bagay-bagay.

Ayon kina Bernie C. Santos at Dr. Corazon L. Santos may dalawang paraan sa paglikha ng sagisag.
1. Pagtingin sa isang bagay na karaniwang anyo at saka mag-isip ng maaaring sagisag dito.
2. Pagtingin sa mga katangian ng mga tao, karanasan at pangyayari at paghahanap ng isang
bagay na maaaring sumasagisag dito.

3 Mataas na Uri ng Tula


1. Tula ng Damdamin - Ito ang lyric poetry sa wikang Ingles. Nagpapahayag ito ng
damdaming pansarili sa isang kaanyuang maaaring awitin o lapatan ng himig. Maaaring
ang damdaming inilalahad ay sarili ng makata o damdamin ng ibang tao o hango sa
karanasang bunga ng guniguni.
a. Kantahin - Payak ang mga salita at sukat na ginagamit. Nahahati ito sa ilang
taludturan. Maaaring pansarili o panlipunan ang damdaming ipinahahayag.
b. Oda - Maaaring masiglang damdamin, isang papuri, o panaghoy ang nilalaman nito.
c. Elehiya - nilalaman ng tulang ito ay hinggil sa kamatayan. Hal. Elegy ni Thomas Gray
d. Soneta - Ito ay may tiyak at palagiang kaanyuan na may labing-apat na taludtod at
ang huling dalawang taludtod ay ang aral na makukuha.
2. Tulang Pasalaysay - Ito ay tulang nagsasalaysay ng isang kawil ng mga pangyayari na
maaaring tunay o kaya ay hango lamang sa guniguni.
a. Epiko - May kahabaan ito at nagsasalaysay ng mga kabayanihang gawa, na kadalasan
ay may uring angat sa kalikasan o kababalaghan na hindi maaaring maganap sa tunay
na buhay. Hal. Hudhud at Alim ng mga Ifugao, Bantugan at Bidasari ng mga Moro
b. Awit at Korido - Ang mga paksa ng dalawang ito ay ukol sa pakikipagsapalaran ng
mga prinsipe at prinsesa at ng mga kabalyerong mandirigma sa layuning palaganapin
ang Kristiyanismo. Hal. Florante at Laura ni Francisco Baltazar at ang Ibong Adarna.
3. Tulang Pandulaan - Ang uri ng tulang ito ay binibigkas nang patula at itinatanghal sa
entablado o tanghalan.

Elemento ng Tula
1. Paksa- Ito ang buto at laman, diwa, at kaluluwa ng isang tula.
2. Sukat - Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludod ng isang saknong.
Hati o Sesura - ang hati sa pagitan ng dalawa o higit pang pangkat ng mga pantig sa isang
taludtod. Layunin nito na mabigyan ng pahinga ang pagbasa.
3. Sintunog o Tugma- Ito ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig
sa bawat taludtod.
4. Saknong - Ito ang bilang ng estropa o bilang ng pinagsama-samang taludtod.

Filipino Page 3
4
Saturday, 18 February 2023 8:58 pm

Ang Paghuhusga ( The People's Judgement ) ( Anekdota )


ni: Mullah Nassreddin
Salin ni: Felicidad Q. Cuano
Isang araw ay naglalakbay si Mullah at ang kanyang anak. Pinasakay niya ang kanyang anak sa buro habang
siya ay naglalakad, Dinaanan nila ang ilang manlalakbay. "Masdan ninyo ang malakas na bata na nakasakay
sa buro, lyan ngayon ang kabataan! Walang paggalang sa matatanda. Siya pa ang nakasakay habang ang
kawawang ama ay naglalakad."
Tumimo sa bata ang narinig at siya ay hiyang-hiya. Kung kaya hinimok niya ang kanyang ama na sumakay sa
buro kapalit niya at siya na lamang ang naglakad. Sa unahan ay may nadaanan naman silang isang pangkat.
Tingnan ninyo itol isang maliit na bata ang pinaglalakad habang ang ama ay nakasakay sa buro," pula nila. Sa
pagkakataong ito, si Mullah ay sumakay na rin sa buro kasama ang anak. "Pagmasdan ninyo ang kawawang
burol Pasan pasan nito ang bigat ng dalawang tao. Pagkarinig nito ay magwika si Mullah, "Pinakamabuting
gawin natin ay kapwa na lang maglakad upang wala nang magreklamo.""
Sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Mull, may mga nakasalubong na naman sila. "Tingnan ninyo ang
dalawang ito. Naglalakad sila sa ilalim ng mainit na araw samantalang maaari naman silang sumakay sa
buro," Sa kawalang pag-asa, pinasan ni Mullah ang buro sa kanyang balikat at nagwika, "Tayo na, kapag hindi
natin ito ginawa, imposibleng ang mga tao ay tumigil sa pagsasalita."

Pinuno sa Kinabukasan ( Tomorrow's Leader ) ( Tula )


ni: Nurudeen Olaniran
Salin ni: Reynaldo V. Cuaño

Ang mga kabataan ay ang mga pinuno sa kinabukasan Walang pinagkaiba sa kulay
Mahalagang handog galing sa Diyos ng balat
Simula sa unang tao, si Adam, na binuo galing sa alabok Sa ating pagtingin sa isa't isa
Hinayaan ng Diyos na magpadami ang tao sa pamamagitan ng mga supling Ang kayamanan ay pantay-
Ang mga supling na napakaganda sa paningin ng kanilang Ama pantay
Walang inggit at pag-iimbot
Hindi alam ng aking ina kung magiging and ako sa hinaharap na ipakikita.
Bagama't siniguro ni ama na mabigyan ako ng magandang paghahanda
Upang sa takdang panahon ay aking magamit Kung anumang matamis
Maging matagumpay at mabuting halimbawa sa iba, mayroon ako
Dapat ding mayroon ang nasa
Bagama't hindi ko maisip ang aking hinaharap kalye.
Nakikita ko ito sa mga mata ng aking ina Huwag kalimutan ang
Hindi ko maisip ang aking hinaharap… magmahal
subalit naririnig ko mula sa tinig ng aking ama… Kahit na ang aking kapatid ay
Ito ang aking natutuhan sa aking paglaki… isang magnanakaw

Lahat ng tao ay nilikhang pantay-pantay sa paningin ng Diyos Unawain mo ako


At ito'y dapat nating sundin. Sapagkat bukas ay maaaring
Walang pinagkaiba ang mga lahi ikaw naman.
Tayo'y isa lamang sa Kanyang mga biyaya
Ito ang bukas na
Ang Pagbabalat kinakailangan nating mak
Isang Mitong Ethiopian Kahit na hindi mangibang
Salin ni: Felicidad Q. Cuaño bansa.
Tauhan:
Manlilikha - Diyos Oo, tayo ay ang mga pinuno sa
Galla - mga tao kinabukasan
Holowaka - ibon na inutusan ng Manlilikha Paninindigan natin ito.
Pagong - unang nakita ni Holowaka
Ahas - pinagbigyan ni Holowaka ng impormasyon na para sa mga Galla
Banghay:
Introduksyon ng mga Galla
Pag-uutos ng Manlilikha kay Holowaka na sabihin sa mga Galla ang sikreto upang hindi tumanda
( pilasin ang kanilang balat kapag kumulubot na at may panibagong balat sa ilalim nito)
Nakita ni Holowaka ang pagong at naisip nyang hindi ito ang Galla
Nakita niya ang ahas at doon ibinigay ang impormasyon
Nagsisi siya sa nagawa ngunit huli na ang lahat

Filipino Page 4

You might also like