Professional Documents
Culture Documents
Activity-Sheet-Week-3-4 2nd Quarter
Activity-Sheet-Week-3-4 2nd Quarter
Ginagamit ang mga pang-uring pahambing sa pagtutulad ng dalawa o higit pang tao,
pook o bagay. Ikalawang antas ito sa paghahambing ng pang-uri. Ang paghahambing ay
maaaring magkatulad o di-magkatulad.
1. Sa paghahambing na magkakatulad, gumagamit ng mga panlaping magka,
magsing, sing, kasing, magkasing, at ga.
Halimbawa:
a. Magkasimputi sina Azela at Madonna.
b. Singputi siya ng kaniyang bunsong kapatid.
2. Ang pahambing na di-magkatulad ay may dalawang uri. Ito ay ang palamang at
pasahol. Ang palamang ay may higit na positibong katangian ang inihahambing sa
bagay na pinaghahambing. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
lalo, higit, di-hamak, mas, di gaano, di gasino, di-lubha, labis, di-totoo at iba pa.
Sagot: Halimbawa:
a. Di-hamak na busilak ang pus ni Ric kaysa sa kaniyang kapatid.
1____________________________________________________________ b. Labis ang kaniyang pagisisisi ng iniwa nya ang kaniyang kasintahan sa ere.