You are on page 1of 18

7

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 4:
Mga Pahayag sa Paghahambing
Filipino – Baitang 7
Kwarter 2 – Modyul 4 : Mga Pahayag sa Paghahambing

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Gigi B.Paterno
Editor: Roderick A. Jardin, Gigi B. Paterno, Marie Grace B. Manlapaz
Tagasuri ng Nilalaman: Arlin A. Jardin
Marites C. Cleofe
Marie Grace B. Manlapaz
Gumuhit ng Larawan: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo
Tagalapat ng Pahina: Brian Navarro
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng
modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Sa gitna ng pandemya ay hindi tumitigil ang ating pag-aaral dahil
naniniwala tayo na ang edukasyon ay hindi nagpapahinga at natatakot
tumuklas, lumikha, at magpaunlad ng ating pagkatuto.
Upang lalo nila itong kagiliwan at maging kapaki-pakinabang,
tiyaking makapagbigay ka ng oryentasyon at maipaliwanag mo ng mabuti
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Kailangan mo ring ipabatid na dapat magkaroon ang bawat mag-
aaral ng sariling sagutang papel o kuwaderno para sa paunang
pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung
tapos nang sagutin ng mag-aaral ang modyul na ito, ipaalala mo sa kanila
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Habang ikaw ay nasa loob ng tahanan ay
sisiguruhin nating magpapatuloy ang iyong pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Kailangan mong sundin at
saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito.
Ang tiwalang ipinagkaloob sa iyo ngayon ay alam
kong makapagbibigay sa iyo ng lakas ng loob upang
gawing tapat at maayos ang paggamit sa modyul na
ito.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Mga Pahayag sa
Paghahambing
Panimula:

Kumusta ang nakaraang aralin? Ayos lang ba?

Anupaman tuloy lang tayo sa panibagong aralin. Sa

araling ito, aalamin mo kung paano makatutulong ang

wastong paggamit ng mga pahayag sa paghahambing sa pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga lugar-panturismo (tourist spots) sa Kanlurang Visayas.

Tara! Umpisahan na natin ito.

Sa modyul na ito, inaasahan na


nagagamit mo nang maayos ang mga
pahayag sa paghahambing (higit/mas,
di-gaano,di-gasino, at iba pa)

Layunin

1
Sa pagkakataong ito,
magkakaroon ka ng ideya kung ano ang mga
pahayag na naghahambing.

Talasalitaan

paglalarawan ng antas o lebel ng


Paghahambing katangian ng tao, bagay, hayop,
ideya at pangyayari

hambingang magkatulad dalawang tao, bagay, lunan o


pangyayaring pinaghahambing
ay magkatulad

hambingang di- dalawang tao, bagay, lunan o


magkatulad pangyayaring
pinaghahambing ay di-
magkatulad

Hambingang palamang Malaki, mataas ang uri o


nakahihigit ang itinutulad sa
pinagtutularan

Hambingang pasahol Maliit, alangan, mababa ang


uri ng inihahambing sa
pinaghahambingan

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Gamitin ang mga pahayag sa paghahambing na nasa


kahon upang mabuo ang paghahambing. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Kasing katulad kapwa


di-hamak higit di-tulad
1. ________ ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng
mangga sa Guimaras.

2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, ________ ng hangin sa


lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay ________ na matamis kaysa sa
Iloilo.

4. Mabuting ________ sa kalusugan ang karne ng baka kaysa


sa karne ng kalabaw.

5. ________sipag ng magsasaka ang mga manggagawa.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 13. ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
O, diba kayang-kaya mong gamitin ang mga
pahayag sa paghahambing.
Halika, basahin mo ito upang mas madagdagan pa
ang kaalaman.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Alam mo ba na…
tinatawag na pang-uring pahambing ang pang-uring
naglalarawan o nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lugar o
pangyayari.
May mga pahayag na ginagamit sa paghahambing gaya ng sumusunod:
1. Hambingang Magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng:
a) salitang kapwa at pareho
Mga Halimbawa: kapwa maganda, parehong matalino

b) mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at ga-, gangga-

Mga Halimbawa: singhusay, kasingganda, magsintaas,


magkasingyaman, gamunggo

2. Hambingang Di-magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o


pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di- pareho o di-patas.

4
Ang hambingang di-magkatulad ay maaaring palamang o pasahol.
a) Hambingang palamang – Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang
itinutulad sa pinagtutularan, nakikilala ito sa pamamagitan ng:

Mga Halimbawa: matalino kaysa, mas listo kaysa, malaki-laki kaysa


b) Hambingang pasahol – Maliit, alangan, mababa ang uri ng
inihahambing sa pinaghahambingan. Naipakikita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng sumusunod: di-gasino, di-gaano, di-totoo, di-lubha at
alinman sa mga katuwang na ito: gaya, tulad, paris, para.

Mga Halimbawa: di-gaanong malaki gaya, di-lubhang palakibo tulad,


di-totoong tanyag paris, di-gasinong makisig gaya.

Nakpil, Lolita et.al. Gintong Pamana Wika at Panitikan II,2000. SD Publications, Inc. Quezon City. p 81

5
Ipagpatuloy mo.

Ano-ano ang ginagamit na salita


____________________________
sa hambingang palamang at
hambingang pasahol? ________________________
________________________
Paano nagagamit ang mga
pahayag sa paghahambing sa
paglalarawan?

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Sa iyong palagay, nakatulong ba ang


mga pahayag sa paghahambing upang
higit na maging malinaw ang paglalahad
ng paghahambing? Bakit?

______________________________________________
_____________________________________________

______________________________________________
______________________________________________
Yehey! Alam mo na ngayon ang pang-uring pahambing, ang
hambingang magkatulad, di-magkatulad, palamang at pasahol
kaya maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

6
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Panuto: Basahin ang


pangungusap sa bawat
bilang. Tukuyin ang
Pagsasanay 1
ginamit na salita o pahayag
sa paghahambing at ang uri
nito. Gayahin ang kasunod
na talahanayan sa kuwaderno.
1. Di-gaanong mainam sa kalusugan ang pagpupuyat.
2. Mas mainam ang pagiging maagap kaysa sa pakikipag-unahan. 3. Di-
hamak na matamis ang manggang galing sa Guimaras kaysa
sa ibang lugar sa Pilipinas.
4. Mas malayo ang Negros Oriental kaysa sa Antique.
5. Kasingkinis ng mansanas ang bunga ng manggang Guimaras.
Salita/Pahayag na Naghahambing Uri ng Paghahambing
1.
2.
3.
4.
5.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 13.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

7
Dahil matagumpay mong nalagpasan ang unang pagsasanay, pumunta
naman tayo sa isa pang gawaing magpapalawak ng iyong kaalaman.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sugnay na tamang


karugtong nang sugnay sa Hanay A. Pagkatapos, gamitin ang
angkop na pahayag sa
Pagsasanay 2 paghahambing na nasa kahon sa ibaba.
Isulat ang buong sagot sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
1.Alam mo ang mangga sa umunlad ang Guimaras dahil sa
aming lugar sa Guimaras ay dinarayo ito ng mga turista.
2. Hindi ba’t malaki kaysa manggang Guimaras.
3. Noon pa ma’y hanga na ako matamis kaysa sa mangga ng Iloilo.
sa iyo,
4. Ngunit naging sipag mo ang mga magsasaka.

5. Ang dating pahutan ay maginhawa ang pakiramdam ko


nang tumubo ka.

kasing higit na katulad


mas di-gaanong lalong

8
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3
Panuto: Gamit ang mga pahayag
sa paghahambing sa panaklong,
sumulat ng pangungusap na
naghahambing sa
sumusunod na bagay, lugar, pangyayari at iba pa.Isulat
sa sagutang papel ang sagot.

1. Luzon at Visayas (pareho)


2. mangga ng Guimaras at mangga ng Zambales (magkasing)
3. yamang-dagat sa Visayas at yamang-dagat sa Mindanao (mas)
4. awiting-bayan ng Visayas at awiting-bayan ng Luzon (di-gaano)
5. lugar-panturismo sa Mindanao at lugar-panturismo sa Visayas
(kapwa)

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 14.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

9
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Gamitin nang maayos ang mga pahayag sa


paghahambing tulad ng higit/mas, di-gaano, di-gasino
at iba pa, sa pagsulat ng limang (5) pangungusap na
naghahambing sa dalawang lugar-panturismo sa Visayas
(halimbawa: Boracay at Chocolate Hills). Isulat ito ng patalata
sa sagutang papel.
__________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

_______________________________________________

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 14.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

10
Nagkaroon ako ng malaking
interes sa aralin natin
ngayon.Lumawak pang lalo ang
aking nalalaman sa asignaturang
Filipino, Tingnan mo ito, di ba ang
galing!

Tama ka,Sige, puntahan na


natin ang susunod pang
karagdagang gawain.Partner
ulit tayo ha hanggang sa dulo
Karagdagang Gawain ng modyul na ito.

Panuto: Gamit ang mga pahayag sa paghahambing, sumulat ng


limang (5) pangungusap na naghahambing sa dalawang
kilalang lugar-panturismo sa inyong lugar.Isulat ang mga
ito sa iyong sagutang papel o kuwaderno.
• _________________________________________________________
• _________________________________________________________
• _________________________________________________________
• _________________________________________________________
• _________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

11
Sanggunian:
Nakpil, Lolita et.al. Gintong Pamana Wika at Panitikan II,2000. SD
Publications, Inc. Quezon City.
LM (Panitikang Rehiyonal 7), pahina 116-117

12
13
Panimulang Pagsubok
1. Katulad
2. di-tulad
3. higit
4. di-hamak
5. kasing
Pagsasanay 1
1. Di-gaanong (mainam) – pasahol
2. Mas (mainam) – palamang
3. Di-hamak (na matamis) – palamang
4. Mas (malayo) – palamang
5. Kasing(kinis) - magkatulad
Pagsasanay 2
1. Alam mo ang mangga sa aming lugar sa Guimaras ay higit na
matamis kaysa sa mangga ng Iloilo.
2. indi ba’t lalong umunlad ang Guimaras dahil sa dinarayo ito
ng mga turista.
3. Noon pa ma’y hanga na ako sa iyo, kasing sipag
mo ang mga magsasaka.
4. Ngunit naging mas maginhawa ang
pakiramdam ko nang tumubo ka.
5. Ang dating pahutan ay di-gaanong
malaki kaysa manggang Guimaras.
Susi sa Pagwawasto
14
Pagsasanay 3
-Ang guro ang bahalang magwasto depende sa sagot ng mga mag-aaral.
Panapos na Pagsubok
Pamantayan Puntos
Nagamit nang maayos ang mga 5
pahayag sa paghahambing.
Nakapagbahagi ng kumpleto at 5
komprehensibong impormasyon.
Kabuoan 10 Puntos
Karagdagang Gawain
-Ang guro ang bahalang magwasto depende sa sagot ng mga mag-aaral.
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

14

You might also like