You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON 5 - BICOL
SANGAY NG CATANDUANES
VIRAC, CATANDUANES

FILIPINO 7 - KWARTER 4
GAWAING PAGKATUTO BILANG 8

Mga tauhan sa akda

Pangalan: ________________________________________________________
Antas/Baitang: ______________________________Petsa: ________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng tula, maikling


kuwento, epiko, parabula at pabula ang tauhan. Ito ang nagpapagalaw sa kuwento.
Ang tauhan ay karaniwang tao at maaari din namang hayop, at halaman sa ibang
anyo ng panitikan. Ang tauhan ang nag-iisip at kumikilos upang magkaroon ng
pangyayari sa kuwento. Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng
mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda.

Karaniwang Tauhan sa mga Akda

Pangunahing Tauhan
Katunggaling Tauhan
Pantulong na Tauhan
Ang may-akda

Katangian at Papel ng mga Tauhan

Pangunahing Tauhan
- Tinatawag din itong protagonista.
- Siya ang bida sa kuwento
- Ito ang ginagawang huwaran ng mga mambabasa dahil
sa taglay nitong kabutihan o kaya’y sa katatagan ng
prinsipyo.

Halimbawa:
Captain Barbell
Don Juan (Ibong Adarna)

1
Katunggaling Tauhan
- Tinatawag din itong antagonista o kontrabida sapagkat
siya ang nagiging hadlang sa mga mithiin o hangarin ng
pangunahing tauhan.

Halimbawa:

Thanos (Marvels Don Pedro (Ibong


Avengers Endgame) Adarna)
Pantulong na Tauhan
- Bagama’t maliit ang papel na ginagampanan ng
pantulong na tauhan sa isang kuwento, malaki ang
maitutulong nila sa pag-unlad sa galaw o daloy ng mga
pangyayari sa kuwento sapagkat katuwang sila ng
pangunahing tauhan.

May-akda
- Ang may-akda ang nagpapagalaw sa lahat ng uri ng
tauhan sa kuwento. Inilalagay niya ang kaniyang sarili sa
akdang kaniyang isinusulat.
- Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi
nang magkasama sa loob ng katha.

DALAWANG URI NG TAUHAN

1. Tauhang Bilog

- Maraming saklaw ang personalidad.


- Nagbabago ang kaniyang pananaw, katangian at
damdamin ayon sa pangangailangan.

Halimbawa:

Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan ay maaaring magalit


kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento.

2
2. Tauhang Lapad

- Nagtataglay ng iisa o dadalawang katangian na madaling


matukoy.
Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian
ng tauhan sa kabuuan ng kuwento.

Halimbawa:

Mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tinedyer na


palasagot sa magulang na hanggang sa katapusan ng kuwento ay
hindi nagbabago ang katangian.

PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN NG IBONG ADARNA

TAUHAN KATANGIAN
Bunsong anak ni Haring Fernando
Don Juan Puno ng kabaitan, matulungin at
maawain.
Hari ng Berbanya
Ama nina Don Juan, Don Diego at Don
Pedro.
Haring Fernando
Nagkaroon ng malubhang sakit na ang
tanging makagagamot lamang ay ang
awit ng Ibong Adarna.
Ang tanging ibon na makagagamot kay
Haring Fernando.
Ibong Adarna
Dumadapo sa puno ng Piedras Platas
sa Bundok Tabor.
Matandang Leproso
Isang Princesa sa Reyno delos
Cristales.
Donya Maria Blanca Gumagamit siya ng puting mahika.
Mabait at mapagmahal.Naging asawa ni
Don Juan.
Isang dambuhala na nagbabantay kay
Higante Donya Juana.
Mabangis at masama.
Tumulong kay Don Juan upang gamutin
Lobo
ang kaniyang mga sugat.
Pangalawang Anak ni Haring Fernando.
Siya ang pinakatahimik sa tatlong
Don Diego
magkakapatid at laging sumusunod sa
mg autos ni Don Pedro.
Ama ni Donya Maria Blanca.
Gumagamit siya ng itim na mahika.
Haring Salermo
Tumutol sa pag-iibigan nina Don Juan
at Maria Blanca.
3
May pitong ulo na kapag pinutol ang
isa, muli itong tutubo.
Serpyente
Nagbabantay kay Leonora.
Pinatay din siya ni Don Juan.
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing


tauhan at mga pantulong na tauhan. F7PB-IVg-h-23

III. MGA GAWAIN

Gawain I

Panuto: Suriin ang mga karakter/tauhan sa ilang piling palabas.


Tukuyin kung anong uri ito ng tauhan; pangunahing tauhan,
katunggaling tauhan at pantulong na tauhan. Isulat ang kanilang
katangian at ginampanan sa palabas.

1. Cardo

2. Bungo

3. Elsa

4. Marga

4
5. Maleficent

Gawain II

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tauhan ang mga nabanggit sa


bawat bilang. Isulat kung ito ay tauhang lapad o tauhang bilog.

1. Don Juan
2. Haring Fernando
3. Ibong Adarna
4. Matandang Leproso
5. Donya Maria Blanca
6. Higante
7. Lobo
8. Don Diego
9. Haring Salermo
10. Serpyente

Gawain III

Panuto: Pumili ng isang tauhan sa akdang Ang Ibong Adarna at


tukuyin kung anong uri ito ng tauhan. Gumawa ng isang tekstong

5
naglalarawan sa katangiang ipinamalas ng tauhan sa akda. Gawing
gabay ang Rubriks sa ibaba.

IV. RUBRIK SA PAGMAMARKA

Napakahusay Mahusay Paghusayan pa


Pamantayan Marka
4-5 puntos 3-2 puntos 1 puntos
Malinaw at May kabuluhan Hindi malinaw
makabuluhan ang ginawang ang kaugnayan
ang paglalarawan paglalarawan ng piniling salita
Nilalaman ng katangiang subalit may ilang sa paglalarawan
ipinamalas ng salitang Malabo. ng tauhan sa
napiling tauhan paksa.
sa akda.
Kapupuna-puna Kapansin-pansin May kaguluhan
ang natatanging ang kamalayan ang pagsasasyos
Organisasyon paglalarawan at sa pagsasaayos ng mga ideya sa
kaisahan ng mg ng ideya sa paglalarawan.
mga ideya paglalarawan.
Wasto’t angkop May iilang Hindi gaanong
ang paggamit ng pagkakamali sa naisaalang-alang
mga salita, paggamit ng mga ang wasto’t
bantas, at baybay salita, bantas at angkop na
Wika
sa paglalarawan. baybay sa paggamit ng mga
paglalarawan. salita, bantas at
baybay sa
paglalarawan.

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain I
1. Pangunahing Tauhan
(ang katangian ay guro na ang magwawasto base sa sagot ng
mag-aaral)

2. Katunggaling Tauhan
(ang katangian ay guro na ang magwawasto base sa sagot ng
mag-aaral)

3. Pangunahing Tauhan
(ang katangian ay guro na ang magwawasto base sa sagot ng
mag-aaral)

4. Katunggaling Tauhan

6
(ang katangian ay guro na ang magwawasto base sa sagot ng
mag-aaral)

5. Pangunahing Tauhan
(ang katangian ay guro na ang magwawasto base sa sagot ng
mag-aaral)

Gawain II
1. Tauhang Lapad
2. Tauhang Lapad
3. Tauhang Lapad
4. Tauhang Lapad
5. Tauhang Bilog
6. Tauhang Lapad
7. Tauhang Lapad
8. Tauhang Bilog
9. Tauhang Lapad
10. Tauhang Lapad

Gawain III
Guro na ang magwawasto sa ginawa ng mag-aaral.
Ang pagmamarka ay iaayon sa Rubrik na ibinigay ng guro.

VI. SANGGUNIAN

1. https://tl.mwikipedia.org/wikiIbong-Adarna
2. Rex Interactive Supplemental Lesson Plan p, 39
3. Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
4. Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 7 (Kuwarter 4)
p, 6-7
5. Pinagyamang Pluma 7 2015 edition p, 396-340

Inihanda ni:

JESSA A. MATIENZO
Guro sa Filipino
Panganiban NHS, CAIC Compound, Panganiban

You might also like